CHAPTER 17: VISIT

118 14 1
                                    

Chapter 17: Visit


Mabilis ang mga nagdaang araw. Hindi ko namalayan na mag a-apat na linggo na ako rito sa Academy, mag- iisang buwan na.

Sa mga nagdaang araw na iyon, iniwasan ko talaga ng todo si Charlotte at ang grupo niya. Kahit gusto ko na siyang patulan para tumigil na siya ay inaalala ko pa rin ang mga kasama ko sa Elites. Kilala kami sa buong sulok ng Academy at kung magkakaroon ng gulo sa pagitan namin ni Charlotte ay baka madungisan pa ang image nila, nadungisan na nga dahil may kasama silang miyembro na commoner tapos dadagdagan ko pa, ayaw ko ng ganun. So as best as I could, di ko pinansin at iniwasan ko na lamang sila Charlotte.

Kahit narito na ang kahit anong karangyaan sa dorm ay hindi ko pa rin maiwasang ma bored, hindi naman kase ito ang kinalakihan ko. Kahit nakahilata na ako dito maghapon sa kama ay nakakapagod pa rin.

Sina Flare at Lily ay may kani-kaniyang mundo sa kuwarto nila at ayaw ko naman silang insturbuhin, at wala rin akong mapapala sa mga boys.

"Argh!" sigaw ko habang nakabaon ang mukha sa malambot kong unan.

Ngunit agad ding napabangon ng may naalala. Si Maia!

Kamusta na kaya ang babaeng 'yon? Sa loob ng ilang araw ko dito di ko man lang siya nakita. Napabuntong hininga ako ng narealize na baka nahihiya iyon lumapit sa akin ngayon dahil Elite na ako. Naguilty ako bigla, hindi naman siya dapat mahiya pero alam ko din ang utak ng ibang students dito.

Tumayo ako dahil sa naisip na plano. Naligo ako at nagbihis ng damit bago lumabas ng dorm. Pupuntahan ko siya sa dating dorm ko bago ako naging Elite. Linggo ngayon kaya walang pasok maging sila kaya paniguradong nanduon iyon.

Nakabukod ang dorm namin sa ibang students, hindi katulad ng sa kanila ay may sarili kaming building. Nasa kabila pa ang dorm nila Maia kaya kailangan ko pang dumaan sa hallway.

Tahimik ang buong hallway dahil wala namang pasok at ang mga estudyante ay nasa kani-kanilang mga dorm. Binilisan ko ang paglalakad dahil naalala ko iyong scene sa isa sa mga horror movies na pinanuod namin nila Lily. Yung mag-isa yung tao sa isang lugar na sobrang tahimik tapos may multong magpapakita at mamatay siya doon ng mag-isa.

Napapikit ako sa mga iniisip. To much watching horror movies, masasapak ko talaga si Harris dahil siya itong laging nire-recommend ng ganuon para takutin si Lily at maging kami ni Flare.

Binilisan ko na lamang ang paglalakad hanggang sa nakita ko na sa dulo ang pamilyar na building ng dorm para sa mga lower ranks. Nakita ko rin ang building para sa High rank na Tatlong palapag ganun din sa Mid ranks. Dalawang palapag naman ang dulo at lahat ng kuwarto ay para sa mga lower ranks. Hindi siguro marami ang populasyon ng mga commoners na nabibigyan ng pagkakataon na makapag-aral dito sa Academy.

Dumiretso ako sa dulo, iwas pa ako sa building ng High rank dahil baka makasalubong ko si Charlotte o kahit sino sa grupo niya. Mahirap na.

Tinahak ko ang hagdanan papuntang pangalawang palapag, tanda ko ay sa pangalawang palapag iyon at ika-limang pinto. Tinignan ko ang bawat sulok habang paakyat ako. Maayos naman ang buong building ganun parin ito ng nilisan ko. Hindi mukhang marangya katulad ng sa ibang building ng ibang ranks at sa aming Elites pero okay na. Napanatag ang damdamin ko para sa mga commoners na kagaya ko, hindi ko alam kung bakit ako ganito pero ganun siguro pag ka uri mo, gusto mo ay mabuti rin sila.

Kinatok ko ang pang limang kuwarto, kabado pa ako kung anong reaksyon ni Maia, baka galit siya sa akin at sabihing kinakalimutan ko na siya dahil isa na akong Elite.

Mga ilang segundo din akong naghintay bago may nagbukas ng pinto at nakita ko ang isang babaeng hindi naman si Maia at lalong hindi ko kilala. Paktay! Mali ata?! Pero tanda ko talaga ay dito iyon, kinakalawang na ba itong isip ko?

CERISE ACADEMY:THE ELEMENTALS [ON GOING]Where stories live. Discover now