Chapter 18: Slap
"Dito ka na maghapunan." aya ni Maia sa akin.
Agad akong tumangi. "Next time na lang. Hindi ako nagpaalam sa ibang Elites eh, baka hinahanap na nga nila ako." dahilan ko.
" Tsaka hapon na at kailangan ko pang magluto ng dinner naming lahat." I trailed off.
Sumingkit ang mga mata niya sa huli kong sinabi.
"Inaalila ka ba nila don?"
Nanlaki ang mga mata ko sa paratang niya. "Ano?!Hindi! Ano ka ba, Maia! Bukal sa loob kung ginagawa yun at mababait silang lahat kaya wag kang mag-isip ng ganiyan." pagtatanggol ko.
"Okay." Nagkibit siya ng balikat.
Tinignan ko ang wrist watch na suot at nakitang 5:30 p.m na. It's already afternoon. Tinignan ko si Maia para mag paalam na.
"Gusto ko pa sanang magtagal pero hapon na, kailangan ko ng bumalik sa dorm." pagpapaalam ko.
"Ah ganun ba?" Malungkot itong tumingin sa akin. "Sige, bisita ka ulit ah."
Ngumiti ako at tumango. Tumayo na ako, saktong kakalabas din ni Adira galing sa kuwarto niya.
"Alis na ako." paalam ko kay Adira.
"Hindi ka na dito maghahapunan?"
Umiling ako. "Gusto ko sana, pero kailangan kong pang lutuan ang mga kasama ko sa dorm ng pagkain namin."
"Ah ganun ba? Osige bye! Bisita ka ulit."
"Oo naman."
Tumayo narin si Maia at sinabayan ako papuntang pinto "Hatid na kita palabas ng building."
"Huwag na, kaya ko naman."
"Sure ka?"
"Oo nga."
"O sya sige. Basta sa susunod na bumisita ka ay magdala ka ng tubig galing dorm niyo ah." ani nito habang taas baba ang kilay.
Napailing na lang ako at wala sa sariling tumango. Masaya siyang pumalakpak na mas ikinangisi ko lalo.
"Nga pala, magpakita ka sa akin sa cafeteria. Sabay kayo sa amin kumain." tinuro ko pa sya tanda ng pagbabanta.
Bumuntong hininga siya. "Syvi-"
Hindi ko na siya pinatapos magsalita. "Huwag kang magpapaapekto sa mga ibang estudyante dito. Proud akong kaibigan kita, kaya huwag mo rin ako ikahiya. No buts, isama mo si Adira. Bye." huli kong paalala saka tinahak na ang daan pabalik sa dorm ko.
The sky is already color orange. So I made my steps more faster.
Ng makarating sa tapat ng double doors ng aming dorm ay agad ko itong binuksan. Bumungad sa akin si Harris na naka-upo sa sofa na nanunuod, katabi niya ang dalawang girls. Si Flare ang unang nakapansin sa akin.
"Oh ayan na pala si Syviene." saad niya kaya napatingin din ang dalawa niyang katabi sa gawi ko.
"Where did you go?" tanong ni Lily.
"Sa dorm ng lower ranks." sagot ko. Kumunot ang nuo nila.
"Anong ginawa mo dun?" Flare asked.
"Binisita ko lang si Maia, yung dating dorm mate ko." Tumango lamang sila.
Hinintay kong magsalita sila muli pero hindi na.
"Luto lang ako." paalam ko saka sanang aambang dumiretso sa kusina.
"Magpa-order na lang, pagod ka pa ata. Malayo ang building ng lower ranks ah." Umiling ako sa sinabi ni Flare.
"Hindi naman ako pagod, nakipagkuwentuhan lang naman ako kay Maia at sa ka dorm mate niya."
YOU ARE READING
CERISE ACADEMY:THE ELEMENTALS [ON GOING]
FantasyPower is everything. But then how, when yours is too much?