GABB'S POV
Inagahan ko yung gising ko dahil plano ko munang dumaan sa flower shop bago ako pumasok gusto ko lang bigyan ng bulaklak si coleen. Dumiretso na ko sa banyo para maligo. Ilang minuto lang ay natapos na ko kaya naman naghanda na ko, ng matapos ko na lahat ng dapat kong gawin lumabas na ako sa kwarto at bumaba na.
"Aga natin ngayon gabb ah" sambit ni cole.
"Anong meron gabb?" nagtatakang tanong naman ni jaydee.
"Dadaan kase ako sa flower shop bago pumasok. Alam nyo na bumabawi ako kay coleen" sagot ko naman
"Samahan ka na namin tutal nakaayos na rin naman kami ni jaydee" sabi ni cole.
"Tara na" aya ko sa kanila kaya naman sumunod na sila sakin palabas ng bahay. Sumakay na kami sa sasakyan at nagsimula na kong magmaneho papuntang flower shop. Habang nagmamaneho ako nakaramdam ako ng gutom naalala ko na hindi nga pala ko kumain.
"Nagugutom ako" sambit ko.
"Masyado ka kaseng excited eh" sabi naman ni jaydee.
"Tanga ka jaydee di rin kaya tayo kumain. Sa cafeteria na lang tayo kumain" sabi naman ni cole. Natanga ka pa tuloy jaydee.
"Manahimik na kayo. Nakakairita mga bunganga nyo eh" inis na sabi ko sa kanila at agad naman nila kong sinunod. Buti naman.
Ilang minutong byahe lang ay nakarating na kami sa flower shop bumaba na ko para bumili. Si cole tsaka si jaydee naman naiwan sa sasakyan.
"Ah goodmorning po. Ano pong hanap nyo?" tanong sakin ng tindera. Forever po hanap ko char.
"A bouquet of sunflower please" sagot ko naman sa tindera.
"Sure. I'll just fix it for awhile" sabi naman ng tindera kaya naman tinanguan ko lang sya bilang sagot.
Ilang minuto lang ay inabot na sakin ng tindera yung bouquet ng sunflower at kagad ko naman itong binayaran.
"Thankyou!" nakangiting sabi ko.
"Walang anuman po. Sa uulitin po" sabi sakin ng tindera at nginitian sya.
Sumakay na ko sa sasakyan at nilagay na sa likod yung bulaklak at nagsimula na kong magmaneho patungo sa school.
COLEEN'S POV
Gumising ako ng may ngiti sa aking mga labi dahil hindi ko parin makalimutan yung nangyari kagabi. Parang paulit-ulit kong naririnig yung boses ni gabb sobrang perfect nya para sakin,maganda tapos at the same time gwapo dagdag mo pa yung galing nya sa pagkanta. Dumiretso na ko sa banyo para maligo. Ilang minuto lang natapos na ko kaya naman bumaba na ko.
"Goodmorning ate" masayang bati ko kay ate abby.
"Ganda ng gising mo ha. Dapat pala lagi kang hinaharana ni gabb eh" natatawang sabi ni ate abby.
"Inggit ka lang ate abby" inis ko dito. Bigla namang nag-iba yung awra nya. Sorry na ate abby.
"Kumain ka na ang epal mo" inis na sagot nya sakin kaya naman kumain na ko.
Natapos na kaming kumain ni ate abby kaya naman lumabas na kami at dumiretso na sa sasakyan syempre walang nagbago si ate abby parin yung nagmaneho. Tahimik lang kami ni ate abby buong byahe buti nga di na ko inasar ni ate abby. Ilang minuto lang ay nakarating na kami sa school kaya naman pinark na ni ate abby ang sasakyan at tsaka kami lumabas. Dumiretso na ko sa room dahil baka nandon na si gabb dahil gusto ko na syang makita.
GABB'S POV
Nandito na kami sa school kaya naman kinuha ko na yung bulaklak at tsaka bumaba. Naalala ko nga pala na hindi pala kami nakakain ng breakfast didiretso muna ko sa room para ibaba yung bag ko.