Chapter 3: Mom!

910 62 0
                                    

GABB'S POV

Nagising ako dahil sa ingay na naririnig ko sa aking pagkakaalam ko nagmumula ito sa baba. Bumangon ako at tinignan ko ang oras 6 p.m. na pala ang haba din pala ng tulog ko. Bumaba na ko para makita kung ano bang nangyayari sa baba laking gulat ko ng makita ko si mama kaya naman tumakbo na ko sa kanya para yakapin sya.

"Mom namiss kita" masayang sambit ko at hinigpitan ang pagkakayakap ko sa kanya.

"Namiss din kita gabb" sambit ni mama tsaka humiwalay na sa pagkakayakap namin.

"Kala ko ba bukas pa uwi nyo?" nagtatakang tanong ko.

"Tinapos ko na lahat ng dapat kong tapusin para naman makasama ko kayo kagad" sambit ni mom.

"Mga anak may kasama pala yung mommy nyo" singit ni dad sa usapan.

"Sino po?" tanong ni cole.

"Pasok!" malakas na sigaw ni dad.

Nagulat naman kame ni cole ng biglang may pumasok na babae. Si jaydee ba'to?

"Jaydee ikaw ba yan?" nagtatakang tanong ko naman.

"Yes ako nga kalma lang kayo dyan gwapo ko diba?" mahangin na sambit ni jaydee.

"Ang hangin mo jaydee. Laki na ng pinagbago mo ha" sambit ko.

"Well ganon talaga gabb. Kayo din naman laki ng pinagbago nyong magkapatid" ani ni jaydee.

Si jaydee nga pala isa sya sa malapit naming pinsan sa lahat ng pinsan namin ni cole mas close talaga kame sa kanya tsaka kapatid na turing namin sa kanya.

"Mamaya nyo na ituloy yung kwentuhan nyo kumain na muna tayo" sambit ni dad.

"Tara na mga anak kain na tayo" sabi naman ni mom

Nandito na nga kame sa hapagkainan marami na rin kaming napagkwentuhan. Ilang minutong katahimikan ang bumalot sa amin ng biglang magsalita si mom.

"Ah gabb,cole kamusta unang araw nyo sa MNLU?" tanong ni mom.

"Okay lang po tapos itong si gabb inlove na" sabi naman ni cole. Kahit kailan talaga to di mapigil bunganga sungalngalin kita dyan eh.

"Seryoso ka ba dyan cole? Si gabb maiinlove?" nagtatakang tanong ni jaydee.

"Anong kala mo sakin jaydee walang pakiramdam? walang karapatang mainlove?" inis na sagot ko dito.

"Gabb kilala ka namin baka naman hindi ka seryoso dyan" sabi ni jaydee.

"Teka lang ha. So inlove ka nga anak?" tanong ni mom.

"Yes mom ibang iba kase sya" masayang sabi ko.

"Aba anak ikaw ba yan?" tanong ni dad. Tignan mo to isa pa'tong si dad eh. Kilala nila kase ako never ko pang sinabi sa kanila na inlove ako tanging kay cole lang talaga ko nagsasabi.

"Totoo dad ako to ano ba kayo? may karapatan naman siguro akong mainlove diba? Promise iba talaga sya sa lahat mukang magcha challenge ako kase napaka sungit nya" natatawang sabi ko.

"Anak susuportahan ka namin tutulungan ka pa namin. Gusto mo ba bigyan kita ng tips kung pano manligaw?" ani ni dad.

"Syempre naman dad" sagot ko dito

"Ah tita di nyo pa po nasasabi sa kanila" singit ni jaydee. Nagtaka naman kame ano kayang sasabihin nila?

"Mga anak don narin pala mag-aaral si jaydee sa school na pinapasukan nyo bukas samahan nyo sya" masayang sabi ni mom.

"Ayos!" sabay na sabi namin ni cole.

"Tapusin nyo na yung pagkain nyo para makapagpahinga na kayo" sambit ni dad.

At tinuloy na nga namin at aming pagkain. Ilang minuto lang natapos na kami. Aakyat na sana ako ng biglang may umakbay sakin. Si jaydee lang pala.

"Anong pangalan nyan ha?" tanong nito sakin.

"Sino?" nagtatakang tanong ko.

"Sino yung babaeng nagugustuhan mo? Ano pangalan nyan?" tanong ulit nito sakin.

Di ko namalayan na nasa harap na pala ko ng kwarto ko kaya naman binuksan ko na ang pinto kasama ko pa rin si jaydee. Dumiretso ako sa couch at sya naman umupo sa kama ko. Nagulat naman ako ng biglang pumasok si cole may dala pa'tong beer. Napakapasaway talaga may pasok pa kame bukas eh.

"Cole may pasok pa tayo bukas hindi tayo pwedeng uminom" inis na sabi ko.

"Gabb minsan lang to tsaka tutal nandyan naman si jaydee eh kesa naman mag bar tayo marami na namang aaligid sayong mga babae tsaka baka di ka makauwi HAHAHAHAH" sabi ni cole habang tawang tawa sila ni jaydee.

"Inuuwi ka na pala ngayon gabb ha. Ilang bahay na ba nauwian mo ha?" tanong naman ni jaydee.

"Nandito lang ba talaga kayo para inisin ako?" inis na tanong ko sa mga kupal na'to.

"Oh gabb sayo na to" sabi ni cole sabay balibag sakin ng can ng beer.

"Oh jaydee saluhin mo ha" sabi ulit ni cole sabay bato kay jaydee.

"Anong balak mo kay coleen gabb? tanong ni cole.

"So coleen pala yung pangalan" singit ni jaydee.

"Syempre tuloy parin yung plano. Liligawan ko na sya" sambit ko naman sabay inom ng beer.

"Seryoso ka ba talaga dyan gabb?" tanong ni jaydee.

"Seryoso yan jaydee never nya yang ginawa sa ibang babae kay coleen lang talaga. Kilala mo si gabb hindi yan nanliligaw" sambit ni cole.

Tama si cole never pa kong nanligaw. Noon kase okay na sakin kung ano yung meron samin ng taong yun hindi namin pinag-uusapan yung label.

"First time mo pala gabb. Kailan ka ba mag-uumpisa?" tanong ni jaydee sabay inom ng beer.

"Bukas uumpisahan ko na" masayang sabi ko.

"Don't worry tutulungan ka namin" sambit ni cole.

"Ikaw jaydee may girlfriend ka na ba?" tanong ko.

"Wala. Hinihintay ko pa eh" sabi naman ni jaydee.

"Eh ikaw cole hindi ka ba inlove kagaya ni gabb? tanong ni jaydee.

"Hindi. Hinahanap ko pa din" sagot ni cole

Tinuloy lang namin yung kwentuhan hanggang sa hindi namin namamalayan na naubos na pala namin yung iniinom namin. Marami rami din pala yon. Dumiretso na ko sa kama si jaydee tsaka si cole bagsak din nandon sila sa lapag di na nila kinaya mga mahihina. Ibinagsak ko na ang sarili ko sa kama. Coleen Trinidad humanda ka na kase gagawa na ko ng paraan para mapasakin ka. Makatulog na nga lang bukas na ko mag-iisip ng plano. Pinikit ko na ang aking mga mata at tumuloy na sa malalim na pagtulog.

TogetherWhere stories live. Discover now