COLEEN'S POV
Maaga akong nagising dahil kailangan ko pang maghanda para pumasok. Si ate abby naman nandon na sa baba para magluto ng agahan. Hanga din talaga ko sa babaeng yon eh may hangover pa yung lagay na yon ha nagawa pa kong ipagluto. Nang nakaayos na ko agad naman akong bumaba para kumain. Pagkababa ko nakita ko naman si ate abby na kumakain na, hindi man lang ako hinintay.
"Kumain ka na para maaga tayong makapasok" seryosong sabi ni ate abby. Wala man lang goodmorning tong pinsan ko.
"Bakit wala man lang goodmorning ate?" tanong ko dito.
"Hindi ba masakit ulo mo?" tanong ni ate abby. Tignan mo to tinanong ko tapos tinanong din ako.
"Hindi naman ate tsaka hindi naman ako katulad mo. Alam mong magda-drive ka uminom ka ng marami" inis na sagot ko naman.
"Kaya ko pa naman magdrive kagabi ha. Nagpumilit ka nga lang eh" sabi nya naman. Malamang baka pareho kaming maaksidente eh.
"Baliw ka din ate eh. Gusto mo yatang maaksidente tayo eh. Halata naman sayo kagabi na hilong-hilo ka na" inis na sabi ko dito at hinigop yung kape na nasa harap ko.
"Ihahatid nga tayo ni gabb kagabi eh umarte ka lang eh" natatawang sabi nya. Baliw yata to eh alam nya namang may tama na din si gabb eh. Gusto pa yata nitong maaksidente kame pare-pareho eh.
"Wth! ate abby. May tama na rin si gabb kagabi. Sating lahat nga ako lang yung matino" inis na sabi ko at tinawanan nya na lang ako, nakikipagtalo pa kasi eh.
"Kumain na nga tayo baka malate pa tayo eh" sabi naman ni ate abby kaya naman tinuloy na namin yung pagkain namin.
Makalipas ang ilang minuto natapos na kaming kumain kaya naman lumabas na kami ni ate abby at sumakay na sa sasakyan at nagsimula ng magmaneho si ate abby.
GABB'S POV
"Fuck! ang sakit ng ulo ko" sigaw ko ng makabangon na ko.
"Goodmorning" nagulat naman ako dahil may biglang nagsalita si ate sela lang pala. Bakit nandito to?
"Bakit ka nandito ate?" takang tanong ko.
"Hinatid kita dito kagabi sa kwarto mo dahil pagkatapos mong ihatid sila coleen, papasok ka na sana sa bahay bigla kang natumba. Hilong-hilo ka yata eh tapos ako naman di ko na kayang bumalik sa kwarto ko kaya dito na ko natulog sa couch. Gusto sana kitang tabihan kaso sinakop mo naman yung kama" kwento naman ni ate sela. Oo nga pala buti nga di tumama ulo ko eh.
"Salamat ate ha. Mag-aayos lang ako para makapasok na ko" Tinanguan nya lang ako bilang sagot kaya naman dumiretso na ko sa banyo para maligo.
Ilang minuto ang nakalipas ay tapos na rin akong maligo kaya naman bumaba na ko para kumain. Nang makababa na ko naabutan ko naman si cole,jaydee at ate sela na kumakain pero wala si mom tsaka si dad, baka maagang pumasok sa company.
"Kamusta mga ulo nyo?" tanong samin ni ate sela.
"Masakit parin ate pero kaya naman" sagot ni cole.
"Ikaw gabb?jaydee?" tanong samin ni ate sela.
"Kaya ko din naman ate" sagot ko.
"Masakit ate pero yung mas masakit ate yung wala kong jowa" sagot ni jaydee na kunwari naiiyak pa. Tarantado talaga tong si jaydong eh.
"Puro ka talaga kalokohan jaydee, kumain na nga tayo. Sya nga pala ako na maghahatid sa inyo" sabi ni ate sela.
"Ate!" sigaw namin pare-pareho kaya naman nagulat si ate sela. Bakit kailangan nya pa kaming ihatid? Kaya naman namin mag drive tapos pwede rin naman kaming magpahatid sa driver namin. Dapat nga magpahinga sya eh kase hindi naman sya nakapagpahinga ng maayos.