COLEEN'S POVNagising ako dahil may malakas na yumugyog sakin sarap sarap ng tulog ko eh istorbo ba naman eh. Tsaka wala namang pasok pwede naman akong matulog buong araw.
"Coco bumangon ka na dyan may pupuntahan tayo" biglang sabi ni ate abby. San naman kami pupunta?
"San naman tayo pupunta ate abby?" inis na tanong ko dito. Di pa ba siya nagsasawa umalis na nga sila kahapon tapos ngayon aalis ulit.
"Kila sheki ulit" maikling sagot ni ate abby sakin. Ano na namang gagawin namin don?
"Ate ayoko" inis na sabi ko. Gusto ko lang sulitin yung araw na to,gusto kong magpahinga.
"Ang KJ coco ha. Sumama ka na para naman buo tayo tsaka may ipakikilala daw si sheki satin eh" sambit ni ate abby. Well ano pa nga bang magagawa ko para namang may choice ako.
"Para namang may choice ako ate" inis na sabi ko sa kanya at tumayo na para mag-ayos.
Dumiretso na ko sa banyo para maligo. Binilisan ko na yung kilos ko nakakahiya naman kay ate abby baka mainip pa tong pinsan ko nakakahiya naman. Natapos na ko sa mga dapat kong gawin at bumaba na ko. Nakita ko naman si ate abby na busy sa cellphone nya ano na namang kinakalikot nito?
"Hoy ate abby tara na" aya ko dito at tinago na yung cellphone nya.
"Tara na nga mukhang mas excited ka pa kesa sakin eh" sabi ni ate abby. Wth?! Hindi nga ko natutuwa eh tapos sasabihin sakin nitong pinsan ko na excited ako mas gusto ko nga lang magpahinga.
"Hindi ako excited ate abby kapal mo naman" inis na sabi ko dito. Tinawanan nya lang ako at lumabas na,lumabas na din ako. Sumakay na kami sa sasakyan at nagsimula ng magmaneho tong si ate abby papunta kila ate sheki.
GABB'S POV
"Hoy gabb goodmorning" bati sakin ni cole. Pagmulat palang na mata ko ito kagad nakita ko panira naman sigurado ako na iinisin na naman ako nito.
"Bangon na dyan pinapapunta tayo ni ate sheki sa kanila may ipakikilala daw satin eh" sabi naman ni jaydee. Nandito rin pala tong kupal na'to. Jusko pwede namang mag chat na lang sa group chat eh.
Bumangon na nga ako dahil wala akong gana makipagaguhan sa dalawang to. Pumasok na ko sa banyo at naligo na kagad. Mabilis lang naman ako dahil naghihintay sakin si cole tsaka si jaydee baka mainip tong mga kupal na to. Lumabas na ko sa banyo at naabutan ko yung dalawa na tawa ng tawa mga baliw yata to eh.
"Bakit kayo tumatawa?" tanong ko sa kanila.
"Kagabi diba nag bar kami itong si cole mahina sumuka ba naman" kwento ni jaydee.
"Ang kapal mo jaydee ikaw nga muntik ka ng masubsob kung di ka lang tinulungan ni ate alice malamang putok yang labi mo" sabi naman ni cole.
"Pareho lang kayong mahina" natatawang sabi ko.
"Kamusta date lods?" tanong ni jaydee sakin.
"Sobrang saya" nakangiting sagot ko naman.
"Sana all gabb" sabi naman ni cole na kunwaring naiiyak pa.
"Tara na mga puta kayo baka hinihintay na tayo ni ate sheki" inis na sabi ko sa kanila.
"Ikaw na mag drive gabb ha wala akong gana" utos sakin ni cole. Kapal din talaga ng mukha. Hindi ko alam kung san nakakakuha ng kapal ng mukha to eh.
"Oo na puta nakakahiya naman sa inyo" inis na sabi ko sa kanila.
Lumabas na nga kami at dumiretso na sa sasakyan si cole naman yung katabi ko habang si jaydee nasa likod. Inistart ko na ang sasakyan at nagsimula ng magmaneho. Tsaka excited din naman ako dahil baka nandon si coleen.