GABB'S POV
Nandito na kami sa bahay at nag-aayos na ko ng mga gamit ko para makapunta na ko sa resthouse namin sa Laguna. Kanina pa ko tinatawagan ni Coleen, gusto ko na syang mayakap tsaka makita. Habang nag-aayos ako nang gamit biglang pumasok si Cole sa kwarto ko kasama si Jaydee tsaka si Ate Sela.
"Ready ka na, Gabb?" tanong ni Cole.
"Ready na ko. Sya nga pala kung hindi nga pala ko makarating ng buhay kay Coleen alagaan nyo sya para sakin ha" umiiyak na sabi ko.
"Wag kang magsalita ng ganyan Gabb. Isipin mo si Coleen, isipin mo kung ano yung mararamdaman nya" malungkot na sabi ni Ate Sela.
"Sya nga pala wala na si Dad sa office nya bago pa sya makauwi dito kailangan nakaalis na tayo" paalala ni Cole.
Pinagpatuloy na namin ang pag-aayos at ilang minuto lang natapos na kami kaya naman lumabas na kami.
"Cole, Jaydee kapag may nangyari tumawag kagad kayo ng back up" paalala ni Ate Sela.
"Yes Ate. Gabb mag-iingat ka ha" sabi ni Jaydee at niyakap ako.
"Pupuntahan ko na sila Coleen. Ingat kayo ha" nakangiting sabi ni Ate Sela at niyakap kami. Sana hindi pa to yung huli.
"Ingat ka din, Ate" nakangiting sabi ko at sumakay na sya sa sasakyan at nagsimula na syang magmaneho.
"Una na ko ha. Ingat kayo" sabi ko at nginitian sila. Sumakay na ko sa sasakyan at nagsimula nang magmaneho.
SELA'S POV
Kasalukuyan akong nagmamaneho papunta sa bahay nila Coleen, tinext ko kanina si Abby na pupunta ko sa kanila. Sa totoo lang natatakot ako para kay Gabb dahil napakaraming pwedeng mangyari. Ilang minuto lang nakarating na ko sa bahay nila. Tinext ko si Abby na lumabas dahil kakausapin ko sya. Nakita ko na si Abby na papalabas ng bahay kaya naman binuksan ko yung pinto sa passenger seat at pumasok naman sya. Mas mabuti nang sa sasakyan kami mag-usap para walang makarining.
"Bakit pinapapunta ni Gabb sa resthouse nyo si Coleen?" tanong ni Abby.
"Abby makinig sakin, delikado yung buhay ni Gabb. Kanina nga sinugod namin sa ospital si Gabb dahil pinabugbog sya ni Tito at ang mas malala pa kasabwat ni Tito si Ella tsaka yung tatay nya" seryosong sabi ko.
"Bakit hindi nyo man lang kami tinawagan? Nag-aalala si Coleen kay Gabb" nakakunot noong sabi ni Abby.
"Sorry Abby, mas pinili kasi ni Gabb na wag nang sabihin sa inyo lalo na kay Coleen dahil ayaw nyang mag-alala tong si Coleen sa kanya" sagot ko.
"Naiintindihan ko. Nakahanda na rin pala si Coleen sa totoo nga nyan nagtataka pa rin sya hanggang ngayon kahit ako" sabi ni Abby.
"Itatanan ni Gabb si Coleen dahil masyado nang desperada si Ella para makuha si Gabb" diretsong sabi ko.
"Papayag ako sa gusto ni Gabb pero siguraduhin nyang hindi sila mapapahamak" seryosong sabi ni Abby.
"Sigurado yon. Pumunta na tayo sa Laguna, puntahan mo na si Coleen" utos ko kay Abby kaya naman lumabas na sya sa sasakyan at pinuntahan si Coleen.
COLEEN'S POV
Nandito lang ako sa kwarto, hinihintay si Ate Abby. Nagtataka pa rin ako dahil pinag-impake ako ni Ate Abby, wala man lang akong idea kung san kami pupunta. Maya-maya lang pumasok na si Ate Abby sa kwarto at nakaayos na rin sya.
"San ba kase tayo pupunta, Ate?" takang tanong ko.
"Sa resthouse nila Gabb sa Laguna. Ayos na ba yang mga gamit mo? Kase kung okay ka na aalis na tayo, naghihintay si Sela sa labas" seryosong sabi ni Ate Abby.