COLEEN'S POV
Maaga akong nagising ngayon dahil balak kong puntahan si Gabb sa bahay nila dahil wala namang pasok. Dumiretso na ko sa banyo para maligo at makalipas ang ilang minuto ay natapos na rin ako. Ginawa ko na lahat ng routine ko at nang matapos na ko bumaba naman na kagad ako. Nakita ko naman si ate abby na kumakain mag-isa baka maagang pumasok sila dad sa company.
"Goodmorning ate" nakangiting sabi ko ng makababa na ko.
"Goodmorning din. May lakad ka?" tanong nya habang iniinom ang kape nya.
"Pupuntahan ko kase si Gabb sa kanila tsaka wala naman tayong pasok" sagot ko at umupo na para kumain.
"Hatid na lang kita" nakangiting sabi nya. Grabe naman tong si ate abby ginagawa akong bata.
"I can drive. Magpahinga ka na lang" sagot ko at nagpatuloy na sa pagkain. Tinanguan nya naman ako bilang sagot.
Makalipas ang ilang minuto ay natapos na kong kumain kaya naman lumabas na ko ng bahay at dumireto na sa sasakyan at nagsimula ng magmaneho papunta sa bahay nila Gabb. Hindi naman kalayuan yung bahay nila Gabb kaya ilang minuto lang ay nakarating na ko sa bahay nila. Pinagbuksan naman ako ng guard nila kaya naman pumasok na ko sa loob naabutan ko naman sila Cole, Jaydee at ate Sela na nagkukwentuhan kaya naman binati ko sila.
"Goodmorning" masayang bati ko sa kanila. Bakas naman sa mukha nila ang pagkagulat.
"Goodmorning din, Coleen" masayang bati nila sakin kaya naman nginitian ko sila.
"Ah si Gabb nga pala tulog pa sandali lang gisingin ko lang" sambit ni Cole at tatayo na sana pero pinigilan ko sya.
"Ako na lang gigising sa kanya Cole" pagpipigil ko at tumango na lamang sya.
"Hampasin mo na lang ng unan kapag hindi nagising" natatawang sambit ni Jaydee.
"Puro ka talaga kalokohan Jaydee. Sige na Coleen umakyat ka na don" nakangiting sabi ni ate Sela kaya naman umakyat na ko.
Pumunta na ko sa kwarto ni Gabb, nang nasa harap na ko ng pinto chineck ko naman kung naka-lock pero hindi, kaya naman pumasok na ko. Nang makapasok na ko I saw Gabb sleeping peacefully so I slowly walked to her bed para tabihan sya. Napansin ko naman na unti-unti syang nagigising, nagising ko pa ata.
"Hi baby goodmorning" nakangiting sambit ko at bakas naman sa mukha nya ang pagkagulat.
"Nakakagulat ka naman, Coleen. Btw goodmorning din" she said and kissed my forehead and hugged me.
"Can we date?" tanong ko sa kanya.
"Where do you want to go?" tanong nya din.
"Wag na tayong umalis. Let's just date here at home" nakangiting sabi ko humarap ako sa kanya at niyakap din sya.
"Okay. I will just take a shower" sambit nya at humiwalay na sa pagkakayakap.
Naghanap na si Gabb ng susuotin nya at nang makahanap na sya dumiretso na sya sa banyo para maligo.
GABB'S POV
Nagulat ako dahil nandito si Coleen sa bahay, ako nga dapat pupunta sa kanila dahil balak ko syang yayain lumabas kaso nauhan ako. Naalala ko naman yung kagabi, sobra akong natutuwawa dahil tinanggap kami ng parent's ni Coleen. Nandito na ko sa banyo para maligo iniwan ko muna si Coleen sa kama bahala sya don, char. Ilang minuto lang ay natapos na ko kaya naman lumabas na ko ng banyo, nakabihis na ko wag kayong ano, nakita ko naman si Coleen na busy sa cellphone nya kaya ginawa ko na muna yung routine ko. Habang ginagawa ko yung routine ko biglang nagsalita tong si Coleen.