GABB'S POV
Maaga akong nagsing dahil susunduin ko pa si Coleen sa kanila. Nang matapos na lahat ng dapat kong gawin ay bumaba na ko. Naabutan ko naman sila ate Sela, Cole, Jaydee na kumakain na, maaga sigurong pumasok sila dad sa company.
"Goodmorning guys" masiglang bati ko at umupo na.
"Goodmorning" sabay-sabay nilang bati.
"Anong meron bakit ansaya mo?" takang tanong ni ate Sela. Hindi ko pa nga pala nasasabi sa kanila na kami na ni Coleen.
"Kami na ni Coleen" masayang sabi ko. Bakas naman sa mukha nila ang pagkagulat si Jaydee naman naibuga pa yung tubig. Kadiri.
"Kadiri ka naman Jaydee" inis na sabi ni Cole.
"Sorry na,pabigla-bigla kase tong si Gabb eh" sambit ni Jaydee sabay punas sa bibig nya. Puta kasalanan ko pa.
"Puta kasalanan ko pa" natatawang sabi ko.
"Kaya pala maganda gising mo" natatawang sambit ni Cole.
"Siguraduhin mo lang Gabb na hindi mo sasaktan si Coleen, dahil pag sinaktan mo yon ako mismo gugulpi sayo" seryosong sabi ni ate Sela. Jusko po rudy grabe tong si ate Sela ha.
"Mahal ko si Coleen ate. Hindi ko sya hahayaang masaktan" nakangiting sabi ko.
"Sya nga pala pinapapunta tayo ni Josh sa condo nya, ngayon daw uwi ni Jah eh" singit ni Jaydee sa usapan. Oo nga pala tumawag nga pala sakin si Josh kagabi.
"Text nya na lang daw yung location" sagot ko at kinain yung tinapay na nasa harap ko.
"Kumain na kayo para makapasok kayo ng maaga" seryosong sabi ni ate Sela sabay inom sa kape nya, kaya naman kumain na kami.
Makalipas ang ilang minuto ay natapos na kaming kumain kaya naman lumabas na kami nila Jaydee at Cole. Si ate Sela naman may pupuntahan daw hindi man lang sinabi kung saan.
"Jaydee, Cole pahatid na lang kayo sa driver natin susunduin ko pa si Coleen eh" nakangiting sabi ko.
"Sige, ingat ka kupal" natatawang sabi ni Cole.
"Sana all may sinusundo" sambit ni Jaydee. Kahit kailan ka talaga Jaydong.
"Una na ko ingat kayo" masayang sabi ko at sumakay na sa kotse at nagsimula ng magmaneho.
Makalipas ang ilang minutong byahe ay nakarating na ko sa bahay nila Coleen. Bumaba na ko sa sasakyan at nag doorbell na. Nakita ko naman si ate abby na papalabas na para pagbuksan ako ng gate.
"Goodmorning ate" nakangiting sabi ko.
"Goodmorning din. Si Coleen nandon pa sa kwarto eh pasok ka muna" masayang sabi ni ate abby kaya naman pumasok na kami sa loob ng bahay nila.
Ilang minuto lang at sa wakas bumaba na rin si Coleen. Agad nya naman akong napansin kaya naman bumaba sya kagad at sinugod ako ng yakap kaya naman niyakap ko din sya pabalik.
"You miss me?" tanong nya habang magkayakap pa rin kami.
"Hindi" natatawang sabi ko kaya naman humiwalay na sya sa pagkakayakap at sinamaan ako ng tingin. Cute.
"Hoy kayong dalawa mamaya na landian. Ikaw Coleen kumain ka muna" singit ni ate abby sa usapan.
"Kumain ka na?" tanong ni Coleen sakin.
"Yes. Kumain ka na muna hintayin na lang kita dito" nakangiting sagot ko kaya naman dumiretso na siya sa lamesa at ako naman nandito lang sa couch hinihintay sya.
Makalipas ang ilang minuto ay tapos na rin silang kumain kaya naman tumayo na ko at lumapit naman sakin si Coleen. Hinawakan ko naman ang kamay nya, magkahawak lang ang kamay namin habang papalabas kami. Nasa likod naman namin si ate abby. Kawawa walang jowa.