GABB'S POV
Himala wala yatang gumising sakin siguro mga napuyat. Naalala ko may pasok na nga pala kaya naman hinanap ko si ate sheki manghihiram ako ng damit sibilyan lang naman kami eh. Nagulat naman ako kase nandon na silang lahat sa lamesa at ako na lang pala yung wala kaya pala hindi ako ginising mga kumakain na pala.
"Goodmorning gabb" bati sakin ni ate ate alice.
"Goodmorning din ate" masayang bati ko sa naman.
"Upo ka na gabb tsaka yung damit pala na susuotin mo ikaw na lang pumili mamaya punta ka sa pangalawang kwarto" sabi ni ate sheki.
"Thankyou ate" nakangiting sabi ko.
Nagsimula na nga kaming kumain at ilang minuto lang natapos na ko at dumiretso sa kwarto na sinabi ni ate sheki sakin pumasok na ko at nagsimula ng mamili ng susuotin ko ng makapili na ko dumiretso na ko sa banyo at ilang minuto lang natapos na ko binilisan ko na dahil lahat sila nakaayos na baka mainip yung mga yon.
"Tara na 30 minutes na lang yung oras na meron tayo baka ma late tayo nyan eh" sabi naman ni ate abby.
"Gabb sabay ka na samin ni coleen" alok ni ate abby. Tumango na lang ako bilang sagot.
"Tara na. Cole at jaydee bahala na kayo kung san nyo gustong sumabay" sabi ni ate sheki.
"Kay ate brei na lang kami sasabay ni jaydee" ani ni cole.
"Tara na guys bilisan nyo na" aya ni ate dana
Naglakad na nga kami papunta sa mga sasakyan at sumakay na kami. Si ate abby yung nagmaneho ako ito nasa likod si coleen naman nasa harap. Nakatingin lang ako sa bintana nagulat naman ako ng biglang magsalita si ate abby.
"Hoy gabb umamin ka na pala kay coleen ha" sabi ni ate abby.
"Teka pano mo naman nalaman ate?" takang tanong ko.
"Sinabi nila ecka. Wala ka man lang balak sabihin sakin tandaan mo gabb may karapatan ako dahil pinsan ko si coleen" sabi ni ate abby.
"Sorry na ate di na mauulit" sambit ko naman.
"Okay lang" maikling sagot nito sakin.
Ilang minuto lang nakarating na kami sa school si coleen naman di parin nagsasalita may himala bang nangyare? HAHAHAHAH.
"Kita-kita na lang tayo mamaya" sabi ni ate abby sabay alis.
Dumiretso na kami ni coleen sa classroom nakita ko naman kagad si jaydee ambilis naman yata nila sa pagkakaalam ko nauna pa kami sa mga to eh.
"Goodmorning gabb" bati ni jaydee.
"Goodmorning" balik na bati ko at umupo na sa pwesto ko.
"Bakit hindi kayo nag-uusap?" tanong ni jaydee.
"Ewan ko ba hindi nga ko sanay na ganyan sya" sagot ko naman.
"Alam ko na gabb may naisip ako" sambit nitong si jaydee. Ano na namang naisip nito? Baka katarantaduhan to eh.
"Baka katarantaduhan yan jaydee" sagot ko dito.
"Hindi ah. Ganito gabb puntahan mo mamaya sa bahay nila magdala ka ng bulaklak ligawan mo na" sabi naman ni jaydee. Sabagay may point naman sya pero di nga namin alam bahay nila eh.
"Jaydee gago ka ba? Hindi nga natin alam bahay nila" inis na sabi ko dito.
"Gabb maraming paraan" sabi naman nito sakin.
Sasagot na sana ko ng biglang may pumasok na teacher bumati kaming lahat sa kanya pero yung atenyon ko na kay coleen parin.
"Matunaw yan gabb wala kang pakakasalan" sabi naman ni jaydee.