001; Lugaw

20 8 0
                                    

"Apo, nakahain na ang lugaw!"

"Opo, Lola! Papunta na po ako." Sagot ko nang tinawag ako ni Lola para kumain na.

"Apo, ito muna ngayon, ha? Pagpasensiyahan mo na si Lola. Ito lang ang ang makakakaya ko." Sambit ni Lola Emma.

Nakaligtaan siguro ni Lola na paborito ko 'to.

"Nako, Lola! Ayos lang po yon, masarap naman po kayong magluto." Sabi ko sa kanya.

Si Lola Emma ay 75 na gulang na. Medyo mahina na ang kanyang pangagatawan. Hindi na rin gaanong makarinig at makakita. Dahil sa katandaan, naging ulyanin na rin siya, ngunit salamat sa Diyos, nandito pa rin at kasama ako.

Natutuwa akong buhay pa si Lola dahil bukas, ikawalong kaarawan ko na.

"Lola! May naaalala po ba kayo sa mangyayari bukas?" Tanong ko sa kanya.

"Wala naman, Apo. Ano bang mayroon bukas?" Tanong ni Lola sa akin.

"Wala naman po." Tama nga ako. Bigla akong sumimangot. Ngumiti si Lola at hinawakan ang pisngi ko.

"Pwede ba namang makalimutan ni Lola yon? Kaarawan ng paborito kong apo!" Sagot niya.

Napangisi ako sa tuwa dahil buong inaakala ko ay nakaligtaan niya.

Sa araw, dito ako nakatira sa aking lola dahil nagtatrabaho sina Mama at Papa. Sa gabi, umuuwi ako. Hindi naman mag-isa si Lola dahil kasama niya ang aking Tita na nagtatrabaho rin.

Sa umaga, kami ang magkasama. Sa gabi, kasama ko ang aking mga magulang sa aming sariling tahanan at kasama ni Lola si Tita.

•••

"Apo, sinundo ka na ng 'yong papa." Maluha-luhang sambit ni Lola sa 'kin. Hindi kasi umuwi si Tita ngayon

"...Pero Lola, paano po kayo?" Tanong ko sa kanya.

"Apo, masasanay din si Lola." Sagot niya.

Niyakap ko siya nang mahigpit.

"O siya, apo! Mag-ingat kayo sa biyahe." Sambit ni Lola at hinalikan ako sa noo.

Lumabas na ako sa bahay nina Lola at sumakay sa motorsiklo ni Papa.

"Apo! May nakalimutan akong ibigay sa'yo." Sigaw niya.

"Kumain ka nang maayos ha? Wag mong hahayaang mapanis ang lugaw na gawa ko." Sambit niya.

•••

Kinabukasan.

"Hintayin natin sila, apo. Darating sila. Wag kang mag-alala." Sabi ni Lola.

Mag-aalas otso na, ngunit di pa rin nakakarating sina Mama at Tita.

"Lola, nasan po sila? Pwede mo silang tawagan?" Tanong ko kay Lola.

"Nako, Apo. Nasan na nga ba ang aking telepono? Hintayin mo ako diyan. Hahanapin ko lang yon."

"Sige po, Lola." Hindi ko mapigilang malungkot sa nangyayari. Nakaligtaan ba nila na kaarawan ko ngayon?

Dahil dito, tuluyan na akong umiyak.

Lumabas ni Lola sa kanyang kwarto na dala ang kanyang teleponong hindi na gumagana.

"Nako. Nako. Nako! Ang batang pinakamamahal ni Lola ay umiiyak na naman. Gutom ka na ba, apo?"

Hindi ako kumibo.

"Nako, Apo. Nandito naman si Lola. Wag kang mag-alala. Magluluto pa lang ako dahil di ko alam na hindi sila makakarating ngayon. Gusto mo bang sabayan si Lola sa pagluto?"

Maikling Kwento (One Shots Compilation by Lawlezz)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon