005; Sunday Sampaguita

7 7 0
                                    

𝘒𝘶𝘺𝘢, 𝘭𝘦𝘵 𝘨𝘰. 𝘛𝘩𝘦𝘺'𝘳𝘦 𝘥𝘦𝘢𝘥.

•••

"Anak, nakapaghanda na ba kayo?" Tanong samin ni Mama.

"Bilisan mo na jan MJ!" Sambit ko sa kapatid ko.

Sunday kasi ngayon, at dahil Sunday, FAMILY DAY! Busy kasi si Mama at Papa sa trabaho nila sa ibang mga araw kaya ngayong Sunday ay time para sa pamilya.

Kahit minsan lang tong nangyayari, natutuwa pa rin kami ng kapatid ko dahil hindi namin nakakalimutan ang mga bagay na ginagawa namin.

Nong huling Linggo, pagkatapos naming magsimba ay pumunta kami sa Mall at nanood ng movie. Horror pinanood namin at imbis na matakot ako, tawang-tawa lang ako sa reaksyon ni MJ. Tili lang siya nang tili na parang bata. Ay, bata pa pala siya.

At ngayon naman ay nagplano kami ni MJ na pumunta sa matagal na naming gustong marating.

Ito ang araw na masaya lang, wala kang ibang iisipin. Ito ang araw na tuwa lang ang aking nararamdaman, hindi makakadama ng pagod.

"Anak, sumunod na kayo sa labas. Hinihintay na kayo ng Papa niyo." Sambit ni Mama.

"MJ! Bakit di ka pa nagbibihis?!" Sabi ko sa kanya nang nakita ko siyang naglalaro pa rin.

"Ay, ito na Kuya. Wait lang." Sambit niya.

Hindi magkalayo ang edad namin ni MJ. Isang taon lang ang agwat namin kaya masasabi kong siya na rin ang bestfriend ko. Bukas ay 12th birthday na rin niya kaya ngayon na namin icecelebrate.

Pagkalabas namin ng bahay, narinig ko si Papa na may kausap sa telepono.

"Sir, hindi ko naman po balak na ungusan kayo sa posisyon. Nirerepesto po kita... Sir? Pasensiya po, Sir, pero may gagawin rin po ako ngayon eh, di pwedeng ipagliban ko to dahil-" Hindi na tinuloy ni Papa ang kanyang sinasabi at binaba na niya ang kanyang telepono. Umiling-iling siya.

Kahit na pinipilit ni Papa na ngumiti para sa amin, kitang-kita ko ang pagod sa kanyang mga mata. Kitang-kita ko ang pagnanais niyang bigyan kami ng magandang buhay.

"Oh, mga bata! Tara na. Pasok na kayo sa sasakyan!" Sabi niya.

"MJ! Tara na!" Sambit ko sa nakababata kong kapatid.

Nang makasakay na kami sa sasakyan, in-on na na ito ni papa.

"Pupunta na tayo sa..." Sambit ni Papa.

"Simabahan." Sagot namin.

"At susunod naman sa..." Sabi ni Mama.

Nagtinginan kami ni MJ dahil nagplano kami kung san kami pupunta ngayon...

"BEACH PARK!" Sabay naming sagot.

"Pero wala tayong damit, mga anak." Sambit ni Mama.

"Hindi tayo maliligo, Ma. Promise! Sa park lang po tayo." Sambit ko habang namimilit kay Mama.

Tumango naman siya kaya natuwa kaming dalawa ni MJ dahil mapupuntahan na namin ang bagong bukas na Beach Park.

• Sa Simbahan

"Lord, thank you po dahil sa pamilya na binigay mo sa akin. Salamat po dahil kumpleto po kami at masaya. Hindi ko po sasayangin ang mga araw na magkasama kami nila Mama, Papa at MJ. Amen." Pagdadasal ko.

"Tapos ka na bang magdasal, anak?" Tanong sakin ni Mama.

Tumango naman ako bilang sagot. Bago kasi kami umalis sa simbahan, nagdadasal muna kami, bilang pasasalamat.

Maikling Kwento (One Shots Compilation by Lawlezz)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon