Warning: Sensitive content ahead.
𝘏𝘪𝘯𝘥𝘪 𝘬𝘰 𝘨𝘪𝘯𝘶𝘴𝘵𝘰 𝘵𝘰! 𝘞𝘢𝘭𝘢𝘯𝘨 𝘮𝘢𝘺 𝘨𝘶𝘴𝘵𝘰 𝘯𝘪𝘵𝘰, 𝘔𝘢! 𝘗𝘦𝘳𝘰 𝘬𝘢𝘪𝘭𝘢𝘯𝘨𝘢𝘯!
•••
"Ma, may online class po kami mamaya kaso, Ma. Wala na po akong load." Sambit ko kay Mama.
"Nak, pasensiya na nak ha? Matumal ang benta ngayon eh. Sapat lang sa pagkain natin to. Nak, gusto ko sanang bigyan ka ng maayos na pag-aaral kaya kita inenroll sa online class, pero nak, hindi ko pala kaya." Sabi niya habang naghahanda na para magbenta.
"Sabi ko naman kasi sayo, Ma. May modular naman po. Hindi po natin kaya tong Online Class ma." Sagot ko sa kanya. Tinulungan ko na rin siya sa pag-aayos.
"Nak, kung titingnan mo, mas maganda ang online class, may interaksyon ka sa guro mo, at parang nasa classroom ka lang rin. Isang taon nalang at kolehiyo ka na. Nais kong matutuhan mo ang lahat ng kailangan mo. Nak, pasensiya ka na." Sambit niya na parang naiiyak.
Hindi kami mayaman eh. Nagtitinda si mama ng banana cue at maruya tuwing hapon sa labas ng paaralan ngunit dahil sa pademya, nahinto ito. Si Papa naman, wala na, bata pa lang ako ay sumakabilang buhay na.
"Hunyo, anak, tulungan mo muna si PJ sa modules niya. Madali lang naman yon. Turuan mo ha? Wag ikaw ang sumagot. Aalis na muna ako. Magbebenta lang si Nanay don sa kanto."
"Opo, Ma." Sagot ko. Tumago ako at tiningnan siyang umalis.
"Tara na, PJ? Mag-aral na tayo?" Sambit ko sa kapatid ko.
𝘛𝘪𝘯𝘨...
To join the meeting on Google Meet, click this link...
"Kuya, ano po yon?" Tanong ni PJ.
"Nako, wala yon. Hayaan mo na muna. Kunin mo muna yung modules mo don sa kwarto nang makapagsimula na tayo."
"Sige po, kuya." Sagot niya.
Nagchat sa 'kin si Claire, ang Class President ng aming section.
"Hunyo, ikaw nalang ang hinihintay namin. Sumali ka na." Sambit niya.
"Claire, di ako makakasama ngayon, wala akong load. Pakisabihan nalang si Ma'am. Maraming salamat." Sagot ko sa kanya.
Nilapag ko na ang telepono ko. Huminga ako nang malalim. Wala na akong magagawa kundi tanggapin ang sitwasyon ko. Wala na akong magagawa kundi masanay na sa kalagayan ko. Sa hindi ko inaasahan, muling nagchat si Claire.
"Akin na ang number mo."
"Nako, Claire. Wag na. Okay lang." Sagot ko sa kanya."
"Hayaan mo kong tulungan ka. Minsan lang to." Nahihiya man akong tanggapin, pero kailangan ko rin.
"0930*******. Ito Claire. Maraming salamat ha?" Sagot ko. Mabilis naman akong nagkaload.
Dali-dali kong pinindot ang meeting code na binigay ni Ma'am.
"Hunyo Failadona. Nasan ba si Hunyo?" Tanong ni Ma'am sa kabilang linya.
"Ma'am, present po." Sagot ko.
"Mabuti naman at nakahabol ka." Si Ma'am.
"Opo, Ma'am." Ngumiti ako.
Inoff ko na ang aking mikropono.
Hindi ko alam kung paano mababayaran ang kabutihan na pinakita sa akin ni Claire. Hinding-hindi ko to sasayangin.
"Kuya, may online class ka po?" Tanong sakin ni PJ.

BINABASA MO ANG
Maikling Kwento (One Shots Compilation by Lawlezz)
OverigA book filled with stories with different genres and topics. Gawang imahinasyon.