"Ten pesos! Bilis! Bayad na!" Sigaw ni Ashley, ang class Treasurer namin.
"Anong 10 pesos?! Eh piso-piso lang naman yan ah!" Pag-angal ko.
"Jun, di ka pa nagbabayad nong nakaraan. So please, pay or pay?" Sagot niya.
Napilitan na akong magbayad. Mukha ba akong may choice? Sinamaan ko siya ng tingin.
"Very good naman." Napangisi siya. Kung di ko lang to kaibigan eh.
Oo. Kaibigan ko siya, pero parang kakalimutan niya yon para lang sa trabaho.
Syempre! Biro lang. Mabuti yong ginagawa niya ang trabaho niya. Di tulad ng...
"Oh! Ayan na! Piso-piso para kay Ashley! Ito na!" Sigaw ng PIO namin.
"Ang ingay ingay mo. Leche to! Di ka pa rin nagbabayad! Magbayad ka na!" Sabi ni Ashley sabay kurot kay Robert, the Class PIO.
"Ashley! Magsorry ka kay Robert! Di dapat ginaganyan yan! Mr. Intramurals yan! Dadami bashers mo niyan!" Sigaw ni Dave.
"Sorry pooo! Payment." Sabi ni Ashley sabay irap.
"Gusto mo bilhin ko pa bahay niyo eh!" Sagot ni Robert.
"Di mo nga mabayaran ang piso-piso araw-araw, bibilhan mo pa ako ng bahay. Ounta ka nalang sa bahay ng langgam, libre yon. Next! Loli, payment!" Sigaw niya.
Ito. Ito ang kwento ng classroom namin.
Gusto niyo ng kababalaghan? Sobra pa diyan ang nangyayari dito. Alam niyo ba na
...may milagrong nangyayari dito? Kahit anong oras, pag tinamaan sila, gagawin nila. Isang pangyayaring walang makapagbigay ng paliwanag...
...dahil ang classroom namin ay nagiging bahay ng mga...
...HAYOP!
"LOLOLOLOLOL! Awoooooh! Rawr rawr rawr rawr!" Sabay-sabay na sigaw ng mga lalaki.
At ang mga babae? Hayon, nakikisabay na rin. At ang iba, nagpapaganda. Tamang lip tint at kilay lang sa tabi. Maganda naman na sila kahit walang ganon eh. Pero hayaan nalang muna. Tsk.
Noon, naiinis ako sa ingay ng mga kaklase ko. Hanggang ngayon rin naman pero masasanay ka nalang rin. Kaya hindi kataka-taka na maraming teachers ang galit samin. #GumamelaNambawan raw eh.
"Shut up, guys!" Sigaw ni Rea, Ms. Class President.
"Wag kayong maingay, guys!" "Shhh!" "Shut up, kayo please!" "Hep hep! Ang ingay!" "Hooray! Tama na!" Sigaw ng mga kaklase kong takas mental.
Always namang ganyan ang linya ni Ms. President. 'Shut up, guys.' pero siya lang ang tatahimik. Mag-uusap lang sila ni... Vice President.
Magkasintahan kasi yong dalawa. Odiba. Tamang-tama, may zoo kami at may love birds! Ang aga-aga, usap agad at hinahayaan lang ang mga kaklase na gumawa ng kababalaghan. I mean, maging hayop. I-hunting ko silang dalawa eh!
Pero, mukhang nag-aaway ata sila ngayon. Nakasimangot si Ms. President eh.
"Guys, shut up na, please?!" Muling sigaw ni President. Pupunta na sana siya sa harap nang biglang dumating si teacher. Science subject, kaya paniguradong tatahimik kami. Terror teacher namin sa Science eh.
"Good morning, Grade 10 - Gumamela." Sabi ni Teacher Fey. Napatayo kaming lahat.
"Good morning, Teacher Fey. It's nice to see you. Mabuhay!" Sabay-sabay naming sambit. Wala na kaming energy. Palibhasa, mating (Anong mating? Meyting pagbasa diyan, meaning, toooot, if you know what I mean.) season ng mga animals kanina kaya sigaw ang bumalot sa buong classroom namin.
"May sinabi akong take your seat?" Tanong ni Teacher Fey nang akmang uupo na sana si Dave.
"Sorry pooo!" Sabi niya na parang namimilosopo.
"Since tapos na tayo sa topics natin. I'll give you a take home quiz instead-" Sabi ni Teacher Fey.
At nagsimula na namang magcelebrate ang Kingdom Animalia. Sigaw dito, sigaw doon.
"Tikom bibig for tikhom quiz." Sabi niya. Witty don ni Teacher ah.
Mababait naman ang kaklase ko kaya tumikom nga ang bibig for tikhom quiz. Pero ang totoo, tumahimik kami dahil korni yung joke niya, hindi para don sa tikhom quiz. Pero, mababait pa rin kami, may topak lang.
"Who's your bulletin board? I mean, who's your class secretary?" Tanong ni Teacher Fey.
Tumawa ang mga kaklase ko dahil yon ang tawag nila sa secretary namin - 'Board', kasi alam niyo na. Yung board, flat. Tapos si secretary... ah, basta! Gets niyo na siguro yon.
"Ako po, Teacher." Sabi ni Athena.
"Look at your board." Sabi ni Teacher Fey sabay turo sa bulletin board.
"Aling board po, teacher?" Tanong ni Dave.
Minsan talaga, nakakapuno rin tong si Dave eh. Di ko naman gusto si Athena pero sana wag ganon. Masama yon. Masamang mangshame sa isang magandang dilag na tulad ni Athena.
"Bulletin board. Use your common sense. Buti nga si Athena, yung dibdib lang ang flat, ikaw ang utak mo, napaka-narrow." Sagot ni Teacher Fey.
"OOOOOOOH! Pasikat!" "BOOOOM!" Sabay-sabay na sigaw ng mga kaklase ko. At si Dave, hinawakan ang dibdib at may pa-acting na nasaktan.
"Update mo. At ikaw, Miss President. Look at your classmates. Ang tatanda niyo na. May mga buhok nang tumutubo sa kung saan-saan, pero kahit konting maturity, di pa nagsasprout sa utak ninyo."
Lahat ay tumahimik...
...for now. Konting sandali ay biglang tumunog ang bell at lumabas si Teacher Fey nang hindi nagpapa-alam. Walkout kung baga.
Lumapit ako kay Athena dahil tutulungan ko sana siya sa bulletin board, kaso may epal...
"Uy Athena!" Makikikamay sana si Dave. "Ako nga pala si Dave, at ikaw si walang Dave-dave!" Sabi niya sabay tawa.
"Nakakatawa yon?" Tanong ko sa kanya.
"Guys! Tama na!" Sabi ni Ms. President. Pagdadabog ni Ms. President. Pumunta siya sa harap. Finally, matutuloy na ang plano niyang career.
"Nakakainis na kayo! Hindi pa kayo nadadala sa sinabi ni Teacher! Mag-grow na tayo please! Boys at the back! Bawal umupo diyan! Hindi porket mukhang walis ang buhok niyo, tatambay na kayo diyan sa lalagyan ng walis!"
"Girls, yung buhok niyo! Suklay kayo nang suklay. Daming hair fall! Sa CR kayo maggagaganyan. Hindi ito parlor! At guys, shhh muna please."
Natahimik naman ang mga kaklase ko, pero hindi yon nagtagal.
"Guys! Tahimik na! Hindi kasi kayo nilalabasan ng anger ni Teacher! Ako yung napapagalitan! It's so hard kaya maging President! Can you not be maingay?! Kahit yan nalang ang ambag niyo dito! Please. Tahimik." Sabi niya.
"Oo nga!" Sabi ni Roy. Mr. Vice President. Tamang second motion lang talaga si Vice.
"Tamahimik na kayo please." Sabi ulit ni Ms. Pres.
"Oo nga!" Sagot ulit ni Mr. Vice. Medyo napipikon na si Rea.
"Oo nga ka nang oo nga. Yan nalang ba kaya mong sabihin?" Tanong niya kay Vice President.
"Oooh! LQ!" Bulong-bulungan ng mga kaklase namin. Ooops. Cringe.
"Sorry na, babe." Sagot ni Mr. Vice President.
"Babe ka nang babe! Yung utak mo pang baby." At nagwalk out na si Ms. President.
At sa inaasahan, naging zoo na naman ang aming classroom.
"AWOOOOOOO. Raaaaaaaawr. Bokbokbokbok. NAYAYAYA. WEEE WOOO. Sis. Ang liptint!"
At ayon ang story ng aming love birds sa aming zoo. Iyon ang kababalaghan ng aming classroom. Rawr.
💚

BINABASA MO ANG
Maikling Kwento (One Shots Compilation by Lawlezz)
De TodoA book filled with stories with different genres and topics. Gawang imahinasyon.