009; Ang Huling El Bimbo: Ang Sayaw

10 5 1
                                    

At tayo'y sumayaw sa isang awiting hinding-hindi ko malilimutan, Ang Huling El Bimbo.

•••

JS Prom. Iyon ang araw na lahat ay excited dahil masasayaw nila ang kanilang kasintahan. Iyon ang araw na hinihintay ng lahat upang maipahiwatig ang pag-ibig ng isa sa isa.

Ngunit ako'y isang ordinaryong mag-aaral lamang, samantalang siya'y isang magandang dilag. Hindi kataka-taka na ang lahat ay nagkakagusto sa kanya. Sa ganda niyang taglay, lahat ng nakakakita sa kanya'y naaakit. Ang kanyang karikitan ay walang kapantay.

Araw-araw ay sinusulatan ko siya ng mga awit - mga awit na sana'y kanyang madinig. Kahit alam kong imposible. Kahit alam kong hindi mangyayari. Dahil ako'y lupa, at siya ay langit.

JS Prom. 'Yon ang araw na kami ay pinagtagpo. Hindi ako makapaniwala, isa ba tong panaginip? Dahil kung oo, sana ako'y wag nang magising pa.

Hep hep! Hindi naging madali yon. Malungkot mang isipin pero noong una ay hindi niya ako kilala. Ngunit dahil desido akong magtapat ng aking pagkagusto sa kanya, sinubukan ko ang lahat ng paraan.

Ang mga kantang sinulat ko ay isa-isa kong binigay sa kanya nang hindi niya nalalaman. Nilalagay ko lang sa bag niya at masuwerte akong walang nakakapansin. Ako nalang ang naiwan sa classroom kaya napakanta ako ng isang awiting sinulat ko para sa kanya. Nang...

"Lester. May practice tayo mamaya para sa JS Prom. Kaya pumanta ka ah?" Sabi niya.

"Oo naman. Pero, Lila, kilala mo ako?" Tanong ko. Hindi ko maitago ang tuwa na aking nadarama dahil ako'y tinawag mo gamit ang aking pangalan.

"Siyempre naman. Ang galing mo kayang kumanta." Nagulat ako sa sinabi niya. Ako'y mas nabigla nang siya'y lumapit at bumulong... "Alam kong magaling kang kumanta. Narinig na kita."

Ngumiti ako at ganon rin siya. Umalis na siya, ngunit ang mapupungay na mata at ang nakakatunaw niyang ngiti ay bumabalot pa rin sa aking isipan.

• Nang matapos ang ensayo para sa JS Prom...

"Lila, ikaw ang pinakamagaling sumayaw sa mga kaklase mong babae, at siguro mas mabuti kung ipares kita sa lalaking kasing galing mo." Sabi ng aming guro.

Wala na akong pag-asa kung ganon. Alam ko namang hindi ako ang pinakamagaling sumayaw. Sa katunayan, ako ang may pinakamatigas na katawan sa aming lahat.

"Nako, Ma'am. Kahit kanino po, okay lang." Sagot naman niya.

"Lester." Tawag ni Ma'am.

"...Po, Ma'am." Umaayos ang tindig ko at nagising ang diwa ko nang ako'y kanyang tawagin.

"Pag-aralan mo ang sayaw. Si Lila ang magtuturo sa iyo. Lila, ayos lang bang turuan mo siya pagkatapos ng klase?" Tanong ni Ma'am.

"Ikatutuwa ko po, Ma'am." Sagot niya.

Tila nabuhayan ako ng loob sa kanyang sinabi nang...

• Sa bahay nila Lila

"Lester. Wag kang mahiya sa akin. Nako." Sabi ni Lila.

"Oo naman." Pangitii-ngiti lang ako pero sa totoo, hindi ko maitago ang tuwa na nararamdaman ko.

"Sige. Magsimula na tayo." Sabi niya. Nagulat ako. Hindi ko alam ang gagawin. Nanigas ang buo kong katawan.

Nagsimula nang tumugtog ang awit na aming sinayawan. Tumayo na siya at pumwesto.

Hinawakan ko ang kanyang kamay at ayaw tumigil ng aking puso sa pagtibok na para bang kakawala na sa aking dibdib.

"Lester. Wag kang kabahan." Ngumiti si Lila.

Sumabay ako sa indayog ng awit at kami'y sumayaw na nagbigay sa puso ko ng aliw.
Hindi ko matanggal ang aking mga mata sa mga mata niyang mala-langit ang ganda.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Oct 01, 2021 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Maikling Kwento (One Shots Compilation by Lawlezz)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon