I might be someone's choice, but I choose to be just your option.
•
"Ano ba kasing gagawin natin sa kanya? Wala naman siyang ambag dito." Tanong ng kapamilya ko sa kapatid niya.
"Di ko alam. Kung pwede lang paalisin, ginawa ko na. Wala namang perang nabibigay sa atin. Pabigat. Imortal na walang silbi." Sambit ng isa pang kapamilya ko.
Hindi nila alam ngunit rinig na rinig ko ang sigawan nila sa baba.
90 na ang nakalipas ng huli kong pagpili. 90 na ang nakalipas ng pagbukas ng aking kabanata.
Tanggap naman ako ng buo kong angkan noon, ngunit biglang nagbago ang ihip ng panahon.
"Kung palayasin na kaya natin yan? Salot."
"Pano pag akong ang napagalitan ni Mama?"
Biglang may pumasok sa aking kwarto.
"Kuya Filo!" Sambit ng isa ko pang kamag-anak - apo sa di ko na alam anong parte ng katawan. Malayo na kasi.
"Oh? Ben?" Tanong ko sa kanya nang medyo naluluha.
"Hayaan mo sila sa baba. Andito naman ako na hinding-hindi ka pababayan."
Si Ben na lang ang natitirang nakakaintindi dito sa bahay.
"Hayaan mo na sila, kuya. Gusto ka man nilang mawala, pero alalahin mo yung dahilan kung ba't buhay ka pa." Sambit niya sa akin.
"Ben, ang hirap. Gusto ko na ring mawala, kaso kahit anong gawin ko, di ko kaya. Pagod na rin ako, Ben. Pagod na pagod na. Di ko naman iniisip ang sinasabi ng iba, kaso pamilya sila, kaya sobrang sakit, Ben. Mapapatawad ko sila, pero di ko mapapatawad ang sarili ko dahil hinayaan ko silang wasakin ako." Sagot ko sa kanya.
Masakit mahusgahan. Masakit mabalewala. Pero mas masakit ang sabihan ng 'mamatay ka na' ng pamilyang inaasahan mong mamahalin ka.
"Kuya, remember your core memory? You'll be able to experience that happiness again. Don't worry."
My core memory, yes. Yon ay 'yong binigyan ako ng regalo ng taong mahalaga sa 'kin. Di ko na rin matandaan sino, kailan at ano ang binigay, pero tandang tanda ko ang pakiramdam at tuwa sa pagtanggap nito.
Hindi naman kasi ako tumitingin sa presyo ng binibigay sa 'kin. Kahit anong binibigay, tinatanggap ko, dahil yon ang nagpapakita na mahalaga ako sa kanila. 'Di ko na nararamdaman yon ngayon eh.
Di ko naman kailangan ng materyal na bagay. Ang kailangan ko ay pagmamahal at pag-uunawa ng pamilya.
Kung di nila mabigay yon, naiintindihan ko. Pero wag naman sanang gugustihin na lang akong mawala, masakit yon eh. Sobrang sakit.
"Kuya? Tara sa baba." Tumayo siya.
"Ayokong lumabas, Ben."
"Kuya naman. Tara na. May ibibigay ako." Sambit niya.
"Ano ba yon?" Tanong ko sa kanya.
Nagtaka ako dahil bakit kailangan pa sa baba? Naglakad na siya at sumabay na lang ako.
"Pumikit ka muna, kuya." Sambit niya. Excited na excited siya.
Kahit paano ay natutuwa ako dahil may kapamilya pa akong tulad ni Ben. Di ko na matandaan yung iba eh. Naaalala ko pa yung mga araw na masayang-masaya ang mga bata dito noon, naglalaro. Ngayon, bumukod na rin at nagkaroon ng sariling pamilya.
"Kuya, pikit!" Muli niyang sambit.
Umiling-iling ako. Lumapit siya at ginawa niyang blindfold ang kanyang panyo.
BINABASA MO ANG
Maikling Kwento (One Shots Compilation by Lawlezz)
RandomA book filled with stories with different genres and topics. Gawang imahinasyon.