Warning: This story contains a sensitive topic which may trigger strong emotions from the readers.
𝘏𝘪𝘯𝘥𝘪 𝘬𝘢 𝘮𝘢𝘬𝘢𝘬𝘢𝘵𝘢𝘬𝘢𝘴 𝘴𝘢 𝘢𝘬𝘪𝘯! 𝘈𝘬𝘪𝘯 𝘬𝘢 𝘭𝘢𝘯𝘨! 𝘈𝘒𝘐𝘕 𝘒𝘈 𝘓𝘈𝘕𝘎, 𝘔𝘈𝘙𝘐𝘈!
•••
Papunta na ako sa bahay nila Maria. Medyo kinakabahan ako dahil hapon na. Baka mapano pa kami sa dilim, pero hindi naman ako takot. Kaya ko namang protektahan si Maria.
Sinuot ko ang pinakamagara kong damit, dinala ang mga bulaklak at hinanda ang singsing na para lang sa kanya, kay Maria.
Konting hakbang nalang at nakarating na ako sa tahanan nina Maria.
"Maria?" Pagtawag ko sa aking sinta.
Nang siya'y lumabas sa pinto, hindi ko mapigilang mabighani sa kanyang rikit. Ang pula niyang baro't siyang matingkad ay nagpapalabas ng tunay niyang ganda.
Sinalubong ko siya ng mga rosas.
"Maria," sambit ko sabay bigay ng rosas sa kanya.
Nginitian ko siya nang ilagay ko ang isang rosas sa kanan niyang tainga.
Natuwa siya at niyakap niya ako, "Maraming salamat, Juan. Maraming salamat dahil mahal mo pa rin ako sa kabila ng nangyari."
"Maria, hindi mahalaga yon. Hinding-hindi kita iiwan," sambit ko sa kanya.
Hinawakan ko ang kanyang kamay at kami'y naglakad.
"Nako! Nandyan na si Maria."
"Mabuti naman at tumatanggap ng basura si Juan."
"Anak, wag kang tutulad sa kanya ha?"
"Di ba nagalaw na siya? Bakit gusto pa rin siya ng lalaking iyan?"
"Siguro hindi naman malaking isyu yon dahil nauna na si Juan?"
Nalungkot si Maria sa mga sinasabi ng mga taong nakapalibot sa amin. Kumunot ang kanyang noo. Nawala ang kinang sa kanyang mga mata at napalitan ito ng poot.
Binilisan namin ang paglalakad at nakarating na kami sa restawran ni Aling Nene.
"Maria. Di nila alam ang nangyari," hinawakan ko ang kanyang kamay.
"Hayaan natin kung anong isipin nila. Basta tandaan mo, hindi ikaw ang may sala," dagdag ko pa at hinalikan ang kanyang noo.
"Pero Juan. May itatanong lang sana ako," sambit niya na para bang may bumabagabag sa kanyang isipan.
Ngumiti ako at tumango.
"Juan, alam mo naman na ang nangyari, di ba? Juan, di ako magtataka kung pati ikaw, kamumuhian mo na ako. Isa na akong patapon, kaladkarin at maruming ba-"
Bigla ko siyang niyakap. Naramdaman ako lungkot niyang dinadala.
"Maria, kahit anong mangyari, hinding-hindi kita iiwan." Sambit ko sa kanya. Dahil sa sinabi kong ito, siya ay bahagyang napangiti.
"Magpakailanman," Nginitian ko siya at ganon rin siya sa akin.
"Juan, salamat." Pumatak ang kanyang luha.
Pinunasan ko ang kanyang luha, "Wag ka nang malungkot. Hindi natin ginusto ang nangyari. Pero pangako, hinding-hindi ko hahayaang mangyari yon ulit."
Pinangako kong poprotektahan ko siya, ngunit...
•
"Maria! Nandyan ka pala. Hindi ko namalayan. Sinong binata ang kasama mo," tanong ni Tiyang Neli. Tiya ni Maria. Nagmano si Maira.

BINABASA MO ANG
Maikling Kwento (One Shots Compilation by Lawlezz)
RastgeleA book filled with stories with different genres and topics. Gawang imahinasyon.