Every fairytale starts with, "Once upon a time," but not every kind of ot ends with, "and they lived happily ever after."
•••
"Maligayang ika-400 taon sa pagiging isang imortal." Nginitian ako ng isang magandang diwata. Napakaganda niya talaga. Ang rikit niyang taglay ay kailan ma'y di tatanda...
...tulad ko...
....dahil ako ay isang imortal.
Nasa panaginip na pala ako, hindi ko namalayan. Napapalibutan ng liwanag ang paligid. Naaamoy ko ang halimuyak ng bulaklak sa aking kinatatayuan. Wala nang mas maganda pang lugar kaysa rito.
"Kumusta ka naman, Aya?" Tanong niya sa akin habang nakangiti.
"Mabuti naman po. Medyo naboboryo na po ako. Hindi ko pa rin po siya nahahanap." Sagot ko sa kanya.
"Alam mo naman na pa-" Hindi niya na tinuloy ang kanyang sasabihin dahil sinabi niya na rin ito noon.
Alam kong patay na siya, dahil ilang taong nakaraan na rin iyon, pero gusto ko lang mahanap kung nasan siya. Gusto ko siyang makitang muli. Imposible nang mangyari ito sa totoong buhay at isa nalang ang paraan kung paano. Ito ay sa pamamagitan ng...
"Handa ka na bang pumili ng susunod mong kabanata?" Tanong ng diwata.
...pagpili ng susunod kong kabanta.
Ang isang kabanata ng aming pagiging imortal ay may 100 taon. Sa wakas, makakatulog na rin ako.
Kada-100 taon lang rin kami nakakatulog at sa bawat pagtulog namin, ang lahat ng nangyari sa isang kabanata ay nabubura sa aming ala-ala.
At sa pagbukas ng bagong kabanata, isang ala-ala na lang ulit ang aking nasa isip.
"Ano nga ang iyong core memory, Aya?" Tanong ng diwata.
At iyon ang core memory. Hays. Bakit nga ba ito ang core memory na meron ako?
Ang core memory namin ay ang alaala na dala-dala namin hanggang sulo. Ayon sa aking napag-alam noon, ito rin raw ang pinakamasayang nangyari sa tanang buhay ng mga imortal.
At sa akin, ang core memory ko ay, "Dumalo ako sa isang party at naka-sayaw ko ang taong lubos kong minahal. Di ko man matandaan ang kanyang hitsura at pangalan, pero alam kong mahal na mahal ko siya." Sagot ko sa diwata.
"Sana nasa pagpipilian na yon. Dahil kong isa yon, pipiliin kong bumalik sa panahong yon." Dagdag ko.
Ito na lang ang paraan upang masayaw ko siyang muli. Alam kong posible 'yon, kaya kung isa man ito sa pagpipilian, di ako magdadalawang isip na piliin yon.
Binigyan ako ng malungkot na ngiti ng diwata at binigay na sa akin ang dalawang sobre.
"Punitin mo ang sobre ng sagot na hindi mo nais mangyari." Tugon sa akin ng diwata.
Tumango ako bilang sagot. Pag tanggap ko nito, bigla siyang nawala.
Ito ang laging pagpipilian, 'pangyayari' at mamatay na o ipatuloy ang pagiging imortal.
Minsan lang tong pagpili ko. Ito ang ika-apat kong pagpili, at sa lahat ng choices na meron ako noon, mas mabuti na ipagpatuloy ko ang pagiging imortal.
Hindi pa kasi dumating yung choice na bumalik sa nakaraan at isayaw siya'ng muli. Kung sakaling nandito na, ito na siguro ang huli kong sobre.
Kinakabahan ako, pero kailangan ko tong gawin. May 12 oras lang ako upang magdesisyon at kung hindi pa ako makakapili, patuloy akong magiging imortal.
Huminga ako nang malalim bago buksan ang isang sobre.
'Patuloy sa pagiging imortal'
Umiling-iling ako dahil ayaw ko nang maging imortal ngunit gusto ko pa siyang makita. Pumikit ako at umasang ang susunod na sobre ay ang sagot sa matagal ko nang hiling.
BINABASA MO ANG
Maikling Kwento (One Shots Compilation by Lawlezz)
AléatoireA book filled with stories with different genres and topics. Gawang imahinasyon.