004; Our Ending in My Imagination

8 7 0
                                    

"Hi love. Kumusta ka na? Sorry ha, medyo nabusy ako sa work. I tried to contact you pero di mo naman sinasagot yung mga tawag ko." Sambit ko pagkatapos hindi makausap si Lia nang matagal.

"It's okay." Sagot niya.

"Love, okay ka lang?" Tanong ko. Alam kong miss na miss namin ang isa't isa dahil nabusy na kami.

"Yeah. Anyway, I got to go. I have a night shift." Sagot ni Lia. Naiintindihan ko naman siya dahil nakakapagod rin ang work niya ngunit parang may mali na o baka... Wag naman sana.

"Okay, love. Message me if you're done with your class."

Binaba niya ang tawag.

It's been a while since we've talked to each other. Nabubusy na rin kami sa sarili naming buhay. I tried everything, but I couldn't reach her. I did my best to communicate with her, but she's nowhere to be found.

Kinalma ko nalang ang sarili ko and started to write another story, "Our Beautiful Ending."

I kept thinking about her. What would be our future like? Nasabi niya kasing gusto niyang magtravel. Pupunta raw kami sa Japan, her dream destination. Magkakaanak raw kami ng 4, any gender will do basta apat. Haharanahin ko siya gabi-gabi. Tuwing Linggo, magsisimba kami at kakain kami sa labas kasama ang mga anak namin. Sa malalamig na gabu, paiinitin namin gamit ang umaalab na pagmamahal. Sa gabing malungkot, papasiyahin ko siya. I'll marry her.

Having these in mind, I plotted the story, made the characters and created an outline - everything was about her.

Prologue

"It all started with..."

• A Day After

"Ring... Ring... Ring..."

Oh, shoot. Di ko napansing 11:00 AM na! I gotta go to work!

Dali-dali akong nagbihis at naghanda. Sumakay na ako sa sasakyan at nagmaneho papunta sa bakery. Di naman pwedeng di ako kumain. Sabi nga ni Lia, alagaan ko raw ang sarili ko para sa susunod, siya na naman ang alagaan ko.

Bumaba na ako sa sasakyan at pumasok sa bakery.

"Magandang umaga, Jun. Mag-isa ka ata hijo? Nasan ang nobya mo?" Tanong ni Nay Mira.

Nagmula pa nong bata ako, dito na ako bumibili ng tinapay. Nakita ni Nay Mira kung pano ako lumaki. Nakita ko rin ang paglaki ng bakery na to. Nakakatuwa nga eh, na noon, maliit lang to, ngayon, lumago na.

"Di po Nay eh. Medyo matagal na rin kaming di nakakapag-usap. Mamaya nay, susurpresahin ko siya." Sagot ko.

"Kanina lang, nandito siya, Jun. Kasama ang mga kaibigan niya." Sambit niya.

"Wala po siyang nabanggit sa akin eh." Sagot ko kay Nay K.

"Ano nga pala ang order mo, hijo?"

"Yung usual lang po na order, Nay."

Binigyan ako ni Nay K ng 2 donut at isang Buko Juice.

"Salamat po, Nay K. Mauuna na po ako."

"Mag-ingat ka, hijo." Sambit niya.

Lumabas na ako at nagmaneho papuntang trabaho. Huminto ako dahil may tumatawid.

Isang pamilyar na mukha ang nakakuha ng aking pansin.

"L-lia?" Hindi ako pwedeng magkamali. Si Lia ang nakikita ko...

...na may kasamang iba. Am I being delusional? Do I miss her so much?

Natapos na ang isang araw sa trabaho ngunit di pa rin nagmemessage si Lia kaya mas minabuti kong tawagan nalang siya.

Maikling Kwento (One Shots Compilation by Lawlezz)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon