DISCLAIMER:
This is work of
fiction,Names,characters,businesses,places,events and incidents are either the products of author's imagination or used in fiction manner. Any resemblance to actual persons, living or dead,or actual events is highly purely coincidental .***
Alas-singko palang nagising nako dahil first day of school at ito ang bagong pasok ko sa paaralan ng Gemini Academy o mas kilala nila sa GMN Academy.
"Anak mag-ayos kana ihahatid nakita sa school mo" sabi ni Papa.
"Opo"
Nakaligo narin ako pagkatapos at sinuot ang plantyado kong uniform.
Kahit na tranferee ako sa school hindi ako gano kinakabahan dahil kasama kong mag-aaral doon ang pinsan ko si Leslie.
"Tito, nasan po si Natalia? Sabay napo kasi kami papasok hehe" rinig kong nahihiyang sabi ni Leslie kay Papa.
"Ganun ba, edi sabay ko na kayong ihatid"
"Ay sige ho"
Ilang minuto lang naman ang lumipas nakarating narin kami sa school.
"Mauna na po kami Tito, salamat po" sabi ni Leslie sabay hila sakin.
Nginitian ko nalang si Papa at nag-flying kiss.
Sobrang close kami ng Papa, sa kanya ako lumaki hindi ko rin nakita ang Mama ko dahil nawala nalang ito nung naipanganak ako.
Close rin kami ng pinsan ko kaya masaya ako dahil magkasama na kaming mag-aaral dito ng Grade 10.
"Ayos ka lang ba, Talie?" sabi ni Leslie.
"Ahm, kinakabahan pero kasama naman kita"
"Huwag kang mag-alala marami ring akong kakilala dito at pwede mo rin silang maging kaibigan" sabi nya
Ngumit naman ako at sabay ng pumasok.
Malawak rin ang school kaya pwede rin akong malugaw dito once na nagkahiwalay kami ni Leslie.
Nakahawak ako ng mahigpit sa kamay ko iniisip kung anong magiging kapalaran ko dito.
"Hoy! Les!" sigaw ng isang babae, maganda sya at feeling ko madali lang syang maging kaibigan.
"Hoy karin!" sigaw nya naman.
"Uyy, nays may dalang ba-baguhin" singit naman ng isang lalaki.
"Ba-baguhin mo mukha mo!" si Leslie
Napakunot tuloy ako sa mga pinagsasabi nila kaya napatingin sakin si Leslie.
"Ah, ibigsabihin nya sa ba-baguhin parang newbie ganun" ngiti nyang sabi. "Hayaan mo nalang yang si Leo, minsan siraulo rin yan" dagdag nya.
"Sinisiraan mo talaga ako Leslie!" si Leo.
"Pakilala mo naman kami" sabi ng isang namang babae, mukha syang mahinhin at maganda rin.
"Okay, ah guys this is Natalia my cousin and Natalia this is my friends, Hanna, Alyssa and Leo" masiglang sabi ni Leslie.
"Englishera ba?" sabi nung Hanna.
"Oo nga mahihirapan akong magjoke dyan!" si Leo.
"Siraulo, hindi pwedeng trip ko lang mag-English?"
Napangiti naman ako.
"Ahm, masaya akong makilala kayo" sabi ko at napatunganga naman sila
"Bhie! Ang ganda ng boses" si Hanna.
Pero hindi ko napinansin yun kasi lumapit sakin si Alyssa.
"I'm Alyssa, pagpasyensyahan muna sila ganyan talaga yung dalawa, kahit yung pinsan mo, medyo stress din ako sa kanila minsan" sabi nya friendly sya at masarap ring kasama nararamdaman ko nayun kahit ngayun palang kami nagkakilala.
"Wala na binihag na ni Alyssa" sabay sabay nilang sabing tatlo.
"Baka ayaw nya sa makulit, bat kasi ang kulit mo Leo! Para kang bulati na binudburan ng asin" sabi ni Hanna kay Leo.
"Ako pa ngayun, ikaw nga para kang kiti-kiti na nakababad sa bulok na tubig" ganti naman nya natawa tuloy ako.
"Tara na nga, hanapin natin yung room natin Natalia" sabi ni Leslie.
"Ano bang section nyo?" tanong ni Alyssa.
"10-Sapphire, kayo?" tanong ni Leslie.
"Sakto magkaklase tayo Les, sila Alyssa at Leo, 10- Amber sila" sabi ni Hanna
"Sige kita nalang tayo sa canteen mamaya" ngiting sabi ni Alyssa, sa totoo lang swerte ang magiging jowa nya kapag.
"Tara na nga Alyssa, iniiwan nila tayo" sabi naman ni Leo.
"Sa ka-cornihan mong yan talagang iiwan ka" si Leslie.
"Tama-tama" sang-ayon ni Hanna.
Mukha tuloy kawawang bata si Leo.
"I think masaya ring kasama ang mga corny, and atleast ginagawa nila yung best nila para magpasa ng tao" masigla kong sabi.
"Oyyy! May nataga-pagtanggol na si Leotong! maliban kay Alyssa" si Hanna.
"Gusto na kitang maging best friend, Natalia" si Leo.
"Tara na nga, male-late pa tayo dahil sa lalaking to'!" sabi ni Leslie at sabay na kaming naglakad.
Ngumit ako kay Alyssa at sabay narin silang umalis nila Leo.
Masaya ako dahil makakasama ko sila dito.
______________________________________
-♥️
YOU ARE READING
Run Away
RandomNatalia Yvonne Valdez is just a simple girl who is studying in Gemini Academy, also known as GMN Academy.She loves to stay in a peaceful place because it is her way to calm down herself and it is also her happiness but then she met Excel Jax Vergar...