Chapter 14

185 4 0
                                        

Chapter 14

Lisa's P.O.V
  - Nagpaka-busy na lamang ako sa restaurant para makalimutan ang sakit ,kahit pano malaking tulong sa akin si Jisoo dahil tinutulungan niya akong mawala ang sakit napakabait niya kaya swerte ko at siya ang napili ko kaibigan at kapatid ko na ito. At dagdag mo na sina Jooe at Seulgi dahil pinapatawa nila ako ang sakit pala mareject hehe pero ok lang hindi talaga ako para kay Jennie kasi namatay na ako at mamamatay pa rin talaga ako.
  - Napansin ko na dumating sina Jennie kasama ang girlfriend ng tatlong kaibigan ko. Pero hindi ako lumapit silang tatlo lang pero tumingin sa akin si Jennie at ngumiti pero di ako nagresponse sa ngiti niya ginawa ko na lang ang trabaho ko sa negosyo ko. Masakit sa akin na di siya bigyan ng ngiti pero masakit pa kasi eh as in asawa mo dati ngayon binabasted ka na lang.

Someone's P.O.V
  - Matapos ko mabalitaan na wala na si Junee agad ako nagdecide na umuwing Pinas,heto na ang pagkakataon kong ligawan si Jennie isang taon na pala mahigit wala si Junee last month ko lang nalaman.
  - Sana this time ako na ang piliin niya, gagawin ko makakakaya ko para makuha si Jennie at mahalin na ako, ilang beses ko ng sinabe ang nararamdaman ko para sa kaniya nung mga highschool pa kami pero tinatanggihan niya this time siguro hindi na.

(Insert: Falling Slowly by Glen Hansard & Markèta Irglovà)

Jennie's P.O.V
  - Andito kami ngayon sa Nini & Lili kasama ko sina Irene at Nancy with Rosè syempre ,agad lumapit ang mga girlfriend nila si Lisa lang hindi ,dati dati lumalapit agad pero ngayon hindi, aaminin ko nalungkot ako.
  - Tumingin siya binigyan ko ng ngiti pero hindi niya ako binigyan ng ngiti bakit ang sakit ng nararamdaman ko sa kinilos niya napahiya ako. Bakit labis ang epekto sa akin? Baka nasanay lang ako na lagi siya may ngiti pero wala man lang emosyon sa kaniya mula kanina ganon siya siguro pag nasasaktan.
  - Simula ganon ginawa niya tahimik lang ako nakayuko tinitignan lang pagkain ko na parang wala na rin ako gana di ko alam parang ang laki ng impact sa akin nun. Iniisip ko lang si Lisa habang sina Irene, Nancy at Rosè busy sa tawanan at kwentuhan kasama ng mga mahal nila.

Rosè: Jen! Kanina ka pa tahimik! *nag-aalalang tanong*
Jennie: Ok lang ako Chae! *sabay ngiti ko*
Irene: Sigurado ka girl?
Jennie: Oo naman!
Nancy: Kasi ikaw eh binasted mo!
Jennie: *hindi ako nakapagsalita sa sinabe ni Nancy pero tama siya* Masakit din na sabihin ko yun sa kaniya! Pero kahit ano gawin ko wala!
Nancy: Kita ko na nginitian mo si Lisa pero di siya ngumiti sayo in-snob ka na lang niya Jen kita ko yung lungkot mo!!
Jennie: *tumingin ako na may lungkot* Hindi ko naman siya masisisi Nancy eh!
Nancy: I think you're falling slowly!
Irene: yeah right!
Rosè: Baka naman inlove ka na Jen di mo lang alam!
Jennie: Pano naman yun?
Rosè: what I mean , may part na nahuhulog ka sa kaniya di mo lang maamin sa sarili mo ganon!
Jennie: Hindi ko alam girls! May time na masaya ako pag andyan siya pero wala di ako makaramdam ng love!
Nancy: Yung akala mong straight ka eh di mo namamalayan gusto mo na pala yung tao!
Irene: Oo nga ganyan din ako noon kay Seulgi! Saka ko na lang narealize na gusto ko pala siya nung kusa na siyang lumayo at umiwas!
Jennie: *at ganon kaya ang nararamdaman ko nung umiwas siya nasaktan ako*.

  - Pinauna ko ng umuwi si Rosè,may pupuntahan lamang ako. Agad ako nagtawag ng taxi nang makatawag ako sinabe ko ang direksyon ,lumipat ako ng sasakyan matapos nun ay nakarating na rin ako matapos ang isang oras.
  - Naglakad ako patungo sa puntod ng asawa ko, kita ko na may bulaklak sa kaniyang puntod nagulat ako kung sino ang dumadalaw kay Junee ang alam ko wala siyang ibang kamag-anak ,only child lang siya at 7 years old siya nang mamatay ang kaniyang magulang.
  - Nagtataka ako, gusto kong isipin na si Lisa ang dumalaw dahil gaya sabe ni Jisoo nakita niya si Lisa sa sementeryo, di kaya kilala siya ni Junee o kaya kilala ni Lisa si Junee, di kaya babae niya? O kaya kapatid ? O pinsan? Ewan ang gulo pero isa lang talaga nasa isip ko si Lisa.
  - Iba ang pakiramdam ko,tinirikan ko ng kandila si Junee at naglagay ng bulaklak.

Jennie - mahal! Miss na miss na kita pero mahal pag sakali lang bang mainlove ako ok lang ba sayo? Hindi ka ba magagalit? Papayagan mo ba ako? Pero kung ayaw mo naman ayos lang sa akin, kaso mahal yung taong hindi ko alam kung gusto ko o hindi pero kasi babae siya. Kapareho kayo mahal lahat sa kaniya parang ikaw minsan iniisip ko nagmumulto ka! Mahal please wag mo na akong multuhin mababaliw ako eh ikaw naman kasi eh masyado mo ako mahal pati lahat sayo naiwan dito! Sige mahal baka abutan ako ng gabi,mahal na mahal kita Junee asawa ko.

GHOST OF YOUTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon