Chapter 21
Lisa's P.O.V
- Masinsinan kong kinausap si Jisoo at si Rosè dahil sa kanila ko lang pwede ipagkatiwala ang lahat andito kami ngayon sa condo ko. Buo na desisyon ko para dito talo na ako eh.Jisoo: Lisa ano ba pag-uusapan natin??
Rosè: Oo nga!
Lisa: *tumingin ako sa kanila sabay hingang malalim* Jisoo, nagpapasalamat ako dahil nagkabanggaan tayo kung hindi nangyari yun di tayo magkakakilala hindi kita magiging kaibigan at makakatulong sa akin sa misyon kong ito malaki utang na loob ko sayo dahil naniwala ka sa akin mahalaga ka sa akin malaki tiwala ko sayo at minahal kita bilang kapatid ko na rin nagpapasalamat ako sa mga panahong nakasama kita kasi may kaagapay ako sa tuwing bumibigay ako ikaw yung nagsilbing sandalan ko nung panahong nasasaktan ako at lahat hinding hindi ko makakalimutan! *lumuha na lamang siya* Salamat sayo sa lahat lahat sa maikling oras at panahon na nakasama kita yun ang mga sandaling nagkaroon ako ng kasama nung ako ay nag-iisa Jisoo,maraming maraming salamat! *sabay yakap ko sa kaniya*
Jisoo: Lisa?? Bakit ka ba ganyan?? Iba nararamdaman ko ngayon parang ang bigat!!
Lisa: I need you to trust me Jisoo!! *tumango lamang siya*
Lisa: Rosè? Matagal na tayong magkakilala naging kaibigan din kita,at ngayon isa ka sa mga tumutulong sa akin, swerte ko dahil dalawa ang nahanap kong makakatulong sa misyon ko pero bigo ako Rosè mahalaga ka rin sa akin,hindi dahil kaibigan ka ng asawa ko kundi naging kaibigan din kita ,tanda mo ba nung pinagkaisahan ka ng mga kaklase mo noon ako mismo bumogbug sa kanila simula nun di ka na nila binubully. *nagsimula na rin siyang umiyak* Salamat dahil sa maikling panahon na binigay sa akin naasahan kita dito sa misyon ko pero ako mismo nabigo hindi ko na nagawang pa-ibigin pa ang asawa ko sa pangalawang pagkakataon salamat talaga Chaeyoung sa lahat din! *sabay yakap ko sa kaniya*
Rosè: Lisa? Kinakabahan ako sa mga sinasabe mo nagpapaalam ka na ba???
Lisa: Oo! Rosè, iiwan ko ang perang natitira sa akin sa inyo ipagkakatiwala ko ito! Jisoo ikaw na bahala sa Restaurant ko palaguin mo ito ha! Rosè ikaw na bahala kay Jennie,kahit tinakwil ka na please tanggapin mo pa rin siya mahal ko kayong tatlo dahil kayo ang pinakamagandang dumating sa buhay ko hindi ko kayo makakalimutan san man ako mapunta!! *sabay yakap muli sa kanila na mas hinagulgol nilang dalawa*
ChaeSoo: Lisa di ka na ba mapipigilan??
Lisa: Hindi na! Buo na desisyon ko Jis and Chae! Kayo na bahala ha! Kailangan ko ng kausapin ang angel of life hihingin ko na sa kaniyang handa na ako!!
Jisoo: Lisa! Please wag may pag-asa pa gawan natin ng paraan ako gagawa ng paraan wag ka lang mawala Lisa please!!
Lisa: gustuhin ko man pero wala na eh!!
Rosè: Lisa! Hindi pa huli ang lahat!! Pwede pa!!
Lisa: Salamat na lang Rosè!! Sige magpaapalam lang ako sa restaurant ok!!Jennie's P.O.V
- Niyaya na ako ni Kai magpakasal sinuot na niya ang singsing sa akin um-oo ako sa kaniya pero si Lisa pa rin ang andito sa puso ko kahit ano gawin kong baling sa iba si Lisa pa rin ang laman ng puso ko halos mawala na ang asawa ko sa puso ko lahat nilaon na ni Lisa.
- Simula mangyari yung naganap sa restaurant hindi na ako nakalapit kina Jisoo at Rosè lalo na kay Lisa wala na akong mensaheng natatanggap sa kanila ang bigat ng kalooban ko ngayon hindi ako masaya kahit andito si Kai wala pa rin kahit kailan hindi siya sapat hindi siya magiging sapat.
- Nagulat ako sa tunog ng cellphone ko, tinignan ko si Lisa agad ko binasa nagkaroon ako ng ngiti na kanina ay malungkot..~TEXT~
Lisa: Hi Jennie,pwede ba kita mayaya dito sa park alam mo naman ito di ba? Hintayin kita dito! *napangiti ako hindi ko alam pero bigla ako nagkaroon ng lakas at gana*
Jennie: Oh sige Lisa! I'm on my way! *agad ako kumilos nagbihis saglit konting ayos tinignan ang sarili sa salamin hindi ako magkandaugaga natataranta*FF
- Nakarating na ako sa park agad ako naglakad lakad nilibot ko ang aking tingin agad ko nakita ang taong gustong gusto ko ng makita at makausap lumaki ang ngiti ko kaya pumanik ako patungo sa totoong may-ari ng puso ko halos di ko na maalala na ikakasal na pala ako pero pag siya ang kaharap ko parang wala ako pakialam sa lahat.
- Yung pag iwas at layo ko sa kaniya mas lalo pa palang lumalim. Kita ko ang isang ngiti na matagal ko ng di nakikita ngayon ay nakikita ko ulit ang sarap pagmasdan ang ngiti na yun sa kaniya parang sa asawa ko pero mas gusto ko ang ngiting ito.Lisa: Hi Nini!! *sabay yakap niya sa akin tumulo luha ko dahil itong yakap na ito ang gusto ng katawan ko hindi kay Kai*.
Jennie: Lisa!!
Lisa: Jennie salamat dahil pumunta ka m-may importante lamang akong gustong sabihin sayo! *kita ko ang lungkot*