004

560 15 0
                                    


Nang dumaan ang mga araw patuloy ang pag susungit ni Khalysta sa akin sa 'di malaman na dahilan. Kung gusto niyang tigilan ko s'ya sana ay sabihin niya sa akin, paano ko siya titigilan hindi naman niya sinasabi sa akin puro lang s'ya pag susungit at pang iisnob. Mabuti pa nung mga nakaraan pag binabati ko siya sa hallway or nag papaalam ako pag pauwi na ay may tango akong nakukuha pag inaasar ko s'ya ay may simangot, irap at iling akong napapala kahit papano eh netong nag daang araw ay kahit lingon, simangot, tango, irap at sulyap ay wala ako natatanggap. Ano kayang problema n'ya?

"Good evening, Sir!" bati ng mga kasama ko dito at nakita ko siyang tumango sakanila at bumabati din pabalik pero pag ka dapo ng tingin niya sakin agad din siyang nag iwas nang tingin at doon ko nalaman na may problema talaga 'to sakin, kaya mas lalo ko s'yang iinisin.

"Good evening love!!" masiglang bati ko pag daan n'ya malapit sa cubicle ko, hindi n'ya man lang ako pinansin at nag tuloy lang papasok sa office n'ya. Sungit kala mo ang pogi! Hindi naman pogi, gwapo lang.

Nang mawala s'ya sa paninigin namin ay agad akong inasar ng nila Aaron "Dedma ka nanaman, Ma'am" sabi nila at may mga sumipol din inirapan ko sila bago mag salita "He!! Mag trabaho na nga lang tayo!" sabi ko at nag tawanan naman sila.

Hindi ko na inisip kung ano ang maaring dahilan ang pag susungit sa akin ni Khaly at inisip na lang na baka pagod lang or madaming trabaho. Lakas mag assume, libre lang naman kase mangarap so imagine all I want. Pero kahit na sabihin kong wag kong isipin ay hindi ko parin maiwasan dahil ako lang naman ang ini-snob niya dito, parang may malaking kasalanan ako sakaniya? Mag kano ba ang inutang ko sa'yo at galit ka sa'kin?

Sumunod na araw ay pinatawag ako ni Ma'am Chelsea sa office n'ya, hindi ko alam kung anong dahilan kaya pumunta ako doon na may pag aalinlangan sa isip ko dahil wala rin akong natatandaang may ginawa akong mali? Bakit parang kasalanan ko lahat ng galit sa'kin ng mga tao ngayon araw? Charot! "Ma'am, bakit niyo po ako pinatawag?" tanong ko nang bahagya kong binuksan ang pinto.

"Pasok Autumn" anyaya n'ya kaya naman pumasok ako at tumayo sa harap ng table niya, sinenyasan n'ya ako na umupo at tinuro ang upuan sa gilid ng table. Gan'to pala pakiramdam ng na ga-guidance, kawawa naman pala si Jace noon lagi nalang nasa guidance office, lagi din siyang kabado.

"Autumn, Sir. Khalysta asked me if it's possible to fire you" seryosong sabi ni Ma'am. Napatawa ako dahil hindi ko alam kung tama ba ang narinig ko, si Khaly gusto ako itanggal sa trabaho? Ganoon n'ya ako kaayaw? Go ahead fire me! May ig at facebook pwede ako mangulit doon.

"So, you called me here to tell me that I'm fired?" sarkastikong tanong ko kay Ma'am Chelsea kahit na alam kong hindi s'ya pumayag doon sa gustong mang yari ni Khaly dahil ako ang isa pinakamagaling na call center agent dito, it's their lost kung tatanggalin nila ako.

"No, I told sir. Khalysta that what he wants to happen is not possible because you're the ace of the company. You got the highest ratings from the costumers and the company can't let someone like you, go" gotcha! They won't let me. Napatango ako nang hindi ako makuha ng tamang salita para sa sasabihin ko. Ayoko rin naman kase na mafire ako dito mas okay na ako ang mag resign kesa matanggal ako, papangit yung image ko pag nag apply ako sa ibang work.

"I just want you to do right now is to stop playing around with sir. Khalysta for godsake, Autumn he's our boss you shouldn't teasing him like that and calling him love during office hours. That's all you can go" sabay turo n'ya sa pintuan nang makitang hindi na ako interesado sa mga sinasabi niya at napa iling at napa sapo nalang sa noo n'ya.

Habang nag aantay ng tawag ay tinukod ko ang magkabilang siko ko sa lamesa at pinag salikop ang mga daliri ko. Iniisip ko bakit gusto ako i-fire ni Khaly. "Ay putangina!" nasambit ko sa gulat ng may kumalabit sa likod ko, pag nakita ko kung sino yun susuntukin ko talaga s'ya.

The Dawn in Aseana (Dream Chasers Series #1)Where stories live. Discover now