017

412 11 0
                                    

I'm getting ready dahil inaya ako ni Khaly mag dinner "What should I wear? This one or this one?" tanong ko sa sarili ko habang naka harap sa full-length mirror dito sa room ko.  Iniisip ko kase kung formal outfit ba or casual kase sa steak house 'tong dinner date namin baka hindi nanaman bagay sa place yung outfit ko. 

"I think I'll go with this one" I chose the plain crop top tees partnered with mom jeans and white sneakers.

"Girl, what are you wearing?" tanong ni Savi na parang nandidiri pa sa outfit ko. Nag send kase ako ng ootd look ko and nag video call siya sa'kin pag kita niya.

"Yeah girl, what are you wearing? Your outfit doesn't fit fine dining, go wear dress or something" singit nung lalaki na parang model yata na mine make up-an ni Savi. In fairness ang pogi ha? pero wala ng mas popogi pa sa Khaly ko.

"Get out of here! Tsismoso. He's the moaning Myrtle. Remember I told you that I bumped to the most annoying gay model here, when we're having a skype and I'm at the café?" ohh, bakla 'yon? Ang pogi naman niyang bakla hindi bagay.

"Savannah Irish, where are you? You're not yet done doing my make up! See, hindi pantay yung skin tone ng face and neck ko! and You are using different foundation, this time! My god " dinig kong tawag sakaniya nung bakla and I saw her rolling her eyes while making a face "I got to go, moaning Myrtle is now mad Myrtle. Love you and miss you, muah!" and she ended the call.

Bumaba na ako sa parking lot dahil naisip ko na gagamitin ko yung sasakyan ko para hindi na ako ihatid pa ni Khaly pauwi para hindi narin siya ma hassle pa. Mag kaiba kase kami ng way pauwi.

We decided to eat dinner at a steakhouse in Solaire kaya parang hindi appropriate yung outfit ko pero hayaan mo na.

Pag dating ko tinanong agad ako kung may reservation "Yes, under the name of Khalysta Cervantes" and she guided me to our reserved table.

"Ma'am, may I get your order?" tanong sa'kin ng waitress. Napansin niya siguro na halos lagpas 30 minutes na rin ako andito at hindi pa nag o-order "I'll just wait for my boyfriend" sagot ko sabay ngiti.

Naka ilang text na ako kay Khaly pero hindi siya nag rereply, siguro may tinatapos lang. ilang minutes pa, pag wala pa siya uwi na'ko.

Naiiyak na ako kase wala pa rin siya "Na traffic lang 'yon, or kaya may tinatapos lang. Dadating yun, si Khaly paba?" pag papatatag ko sa loob ko, kahit ang totoo gustong gusto ko na umiyak, nahihiya narin ako at feeling ko tinitingnan ako ng lahat dito at sinasabing mukha akong tanga dahil kanina pa ako naka upo dito at nag aantay kahit naman walang naka tingin sa'kin! Anxiety sucks.

Pag check ko ng oras sa phone ko ay 10 na, more minutes siguro bago ako umalis. Malapit lang naman building namin dito, e.

"Ma'am, 10:43 na po. Malapit na kami mag close hindi pa po ba kayo mag o-order?" lumapit ulit sa'kin si ateng waitress, at tama nga siya 10:43 na. 3 hours na akong nandito nag hihintay kay Khaly, siguro nakalimutan niya yung dinner naming sobrang dami niyang inaasikaso.

"Uhm, sorry for having a reservation today I think my boyfriend won't come anymore. Thank you and sorry again for the inconvenience" paalam ko at tumayo na palabas ng restaurant habnag pinupunasan ang luhang kanina pa gustong kumawala sa mata ko, mabuti nalang at may dala akong sasakyan.

Gusto ko mag tampo pero alam kong magiging wala sa lugar. Pero baka pwede naman sabihin ko lang na Khaly nag tatampo ako bandang Pasay, napa iling ako sa naisip at natawa. Tinapakan ko na ang gas para maka alis na.

Pag dating ko sa office ay agad aakong tinanong ni Bubbles "Ma'am, okay kalang? Okay lang ba kayo ni Sir?"

"Oo ma'am" nagulat ako sa sinabi ko at nagulat din si Bubbles kaya hindi niya napigilang mag react "Ma'am?? Kelan mo pa ako tinawag na ma'am? mukha ngang okay na okay kayo ah?" I can sense sarcasm in her statement.

"I mean, oo okay lang kami. Dumating na ba siya?" tanong ko dahil hindi pa naman siya nag tetext sa'kin "oo, ma'am. Mga 15 minutes bago ka dumating. Hanggang pag pasok nga niya nag babasa padin siya at may ginagawa sa ipad, multi tasker" umiiling na kwento pa ni Bubbles. Siguro nakalimutan nga niya sa sobrang dami niyang ginagawa.

Tumunog ang phone ko kaya agad kong tinignan sino yung nag text. Nawala lahat ng tampo ko sakaniya at kung kanina naka simangot ako automatic na napa ngiti ako. Iba talaga yung epekto niya parang lahat ng sasabihin niya kahit mali feeling ko magiging tama pag dating sa'kin.

Khaly:

I'm sorry I forgot about our dinner, I had so many documents to read and I really need to learn how to manage two company at the same time. I hope you understand, I'll just make it up to you on new year.

I don't know what to reply so I just left it on read. Anong I hope you understand? Mukha bang hindi ko naiintindihan? Nasaktan ako kase parang sinasabi niya na hindi niya nararamdamang hindi ko naiintindihan yung situation niya.

Nag text ulit siya.

Khaly:

Love,are we good?

Hindi ko na inopen at binasa ko nalang sa notification bar. Ayokong mag sinungaling, alam kong hindi naman kami okay pero hindi  sapat yung dahilan ko para gawing big deal pa at ayoko naring dumagdag sa problema niya. Atleast we're going to celebrate new year, unlike nung Christmas I just sleep the whole day because he doesn't have time to celebrate it kahit dinner lang, that day wala siyang time. Yung family niya pumuntang New York para doon mag celebrate, hindi naman siya sumama kase marami pa raw s'yang aasikasuhin.

3 days nalang, hindi na ako makapag hintay dahil gustong gusto ko na ulit siya makasama, gustong gusto ko na ulit siya makausap. Am I a bad girlfriend and a sister? Masama rin ba akong anak dahil wala akong balak saluhin yung company namin?

Feeling ko ang sama sama kong tao kase parang lagi nalang sarili ko yung iniintindi ko puro malungkot ako nasasaktan ako at feeling ko hindi ko na nakikita yun nararamdaman ng iba. Masakit din pala talaga mag mahal kase may ka-kabit na pighati.

Ilang  araw na ako kinukulit nila mommy about sa company pero wala akong balak doon dahil alam kong 'yon ang gusto ni Summer. Mahal ko ang kapatid ko kaya hindi ko kayang makitang ako ang kumuha sa pangarap ng kapatid ko.

"Advance happy new year Autumn, now get the fuck off of my life!" pag end call ni Summer ay natawa ako kasabay no'n yung luha ko. Ano ba nagawa ko for the past years of my life at ganito ka bullshit para sa'kin 'tong taon na 'to? Mag tatapos na at lahat lahat ang taon gan'to pa yung nang yayari sa'kin.

Hindi ko alam kung sinong kakausapin ko, kanino ako kakapit. Si Savi hindi ko makausap, ayoko naman dumagdag sa problema ni Jace, at ayoko din na ma stress pa sa problema ko si Rei. Naiisip ko tawagan si kuya Winter pero natatakot ako dumagdag ako sa isipin niya lalo na't nag mamasteral siya, marami siyang inaaral at ayoko nang pati ako maging burden pa sakaniya.

"Hello?" sagot ko ng biglang tumunog ang phone ko. Hindi ko na nakita kung sino ang tumatawag dahil lumalabo na ang paningin ko na puno na ng luha kaya basta sinagot ko nalang.

"Autumn, what's wrong?" nagulat ako nang marinig ko ang boses ni kuya sa kabilang linya kaya napaayos ako ng upo at sinubukang buoin ang boses ko.

"Oh, I'm good, nothing's wrong. What about you? Do you have problem? What happened? Kumakain ka ba ng maayos diyan? Do you need anything" sunod sunod na tanong ko dahil nagulat ako sa biglaang pag tawag ni kuya at kagaya nga ng sabi ko, ayoko na mag aalala siya sa akin.

"I just wanna great you an advance happy new year because I may not be able to greet you at exact time. You know I'm busy studying pero uuwi parin ako sa New York, kaya baka matawagan parin kita. Excited lang akong batiin ka" napangiti naman ako na naalala ako ni kuya kahit na busy siya. Swerte parin ako kahit na papa'no.

"Yeah, thanks, advance happy New Year too. I love you, take care. Goodluck sa masteral mo!" ibaba ko na sana nang mag salita pa ulit siya.

"I can hear your voice shaking, Autumn. I'm sorry if I can't console you personally all I can do right now is give you my verbal support. I maybe don't know what you are going through, but don't hesitate to approach me about it anytime you feel like you are ready" sabi niya at binaba na yung tawag.

The Dawn in Aseana (Dream Chasers Series #1)Where stories live. Discover now