Introduction

19 2 1
                                    

INTRODUCTION

    »»———Intro : the dear friends———««
                      —E Y E P E A M

"Ayoko na talaga sa earth, tara  Lori punta na tayong mars" Sabi ni Oliver habang nakayuko at hawak nito ang sariling ulo.

Hindi na lamang siya pinansin ni Lorei at patuloy sa kanina niya pa ginagawa— ang i-drawing si Sebi, yung crush niyang artista sa Regor Entertainment.

'Apaka-pogi mo talaga noh? Kurutin ko kaya eyeballs mo?'

Pasimpleng pa siyang napahagikhik sa naisip.

"Mukha kang tanga alam mo ba?" Tinignan ng babae ang nagsalitang si Elias na naka patong ang ulo nito sa kamay na nakalagay sa taas ng arm chair nila, dahan dahan naman itong tumingin sakanya habang nakapatong parin ang ulo sa braso nito.

"Mukha kang paa alam mo rin ba?" Irita niyang sagot sa lalake, sinipa muna niya ang paa nito bago bumaling uli sa kanyang ginagawa.

Rinig niya pa ang singhal ni Elias na malutong na "putangina"

Kasalukuyan silang naghihintay ng susunod na subject teacher, at ang ibig sabihin ng naghihintay ay dinadalangin na nila na wag na itong pumasok.

Marami ang wala sa kanilang sariling upuan at pumunta na sa kani-kanilang kaibigan. Wala rin ang iba nilang kaklase panigurado ay nakatambay sila sa C.R, katapos ng bawat klase nila ay mag c-cr na ang mga ito

'Ano bang klaseng pantog meron sila?'

Meron namang mga babae niyang kaklase na nakadikit yata ang ang salamin sakanila at ang liptint sa isa pang kamay.
At sa gilid, ang mga kaklase niyang nag-ti-tiktok na, at pigil na ang pagtawa ni Lorei kay Oliver na nakikisali sa pagsayaw ng mga kaklase niya, para kasi itong stick na pinipilit gumalaw.

"Sino ba yan?" Nagsalita nanaman ang katabi niya habang nakatingin sa papel na ginuguhitan niya ng gwapong mukha ni Sebi.

"Wala kang pakialam, matulog kana lang para naman maging kamukha mo si Sebi" kumunot ang noo nito at tinignan and dino-drawing niya.

"Eto yung sa TV diba?" Hindi na lamang pinansin ni Elias ang sinabi ni Lorei at tinuro ang guhit sa papel.

Tango naman ang sagot ng babae sakanya

"Ibibigay ko ito sakanya pag nakita ko siya, malay mo ma-inlove siya sakin dahil sa drawing ko?" Hindi napigilan ni Elias ang kanyang tawa at napahawak pa sakanyang tiyan.

Tinignan siya ng masama ng dalaga "anong nakakatawa?" Pasungit pa nitong sabi.

"Ang pangit mo lang sa tingin mo magugustuhan ka niyan? Saka—" sinadya niya na putulin ang sasabihin upang inisin ang babae.

"Saka ano?!" Tumayo pa ito at bumaywang
"Sexy naman ako saka maganda! Nanalo pa akong Ms. Intrams last year!" Halata sa boses ni Lorei ang pag-kainis.

Hindi naman kasi ganun ka-impossible!

"Sabihin na nating maganda at sexy ka" idiniin pa nito ang salitang maganda at sexy at dinagdagan pa nito ng quotation remark gamit ang ang daliri.

"Kaso nga—"

"Ano ba?!"

"Wala kang boobs" sa sinabi yun ni Elias ay lumaki ang mata ni Lorei at tingnan ang sariling dibdib

"Aba't—" sisinghalan pa sana ng dalaga ang lalake ng pumasok si Mrs. DelaCruz.

Malakas na napa- anubayan! Ang kanyang mga kaklase.

Youth DormitoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon