Chapter 2

4 2 0
                                    

Cake's POV

Naglalakad kami ngayon pauwi ng bahay .

"Kuya sa tingin mo nasa bahay na kaya si Mama?", tanong ko sakanya.

Bigla siyang tumigil at pangisi-ngising nakatingin sakin.

"Ano game?", tanong niya habang kinakaluskos ang sleeves niya.

"Huh?",naguguluhan kong tanong.

"Isa",bilang niya.

Bigla kong napagtanto ang ibig niyang
sabihin.

"Ahh!! teka lang", sambit ko habang dali daling inaayos ang sintas ko .

"Dalawa", bilang niya ulit.

"Tatlo!!",sigaw niya at tumakbo ng mabilis.

"Andaya!!!!",sigaw ko sakanya at hinabol siya paakyat ng hagdan patungong 4th floor kung asan yung apartment namin.

Nasa ikalawang palapag na ako  at di ko na siya matanaw.

"Huy ano na? kupad naman!!", sigaw niya mula sa third floor.

Binilisan ko pa ang takbo para mahabol siya. Narating ko na ang third floor at paakyat na ako sa fourth floor ng makasalubong ko si kuya pababa ng hagdan .

"Oh bakit?", tanong ko habang humihingal .

"Wala dun si mama eh", saad niya.
"Wala? sayang naman", malungkot kong sambit.

Nginitian ko lang si kuya upang itago ang lungkot ko.

"Kain na lang tayo sa bahay ako magluluto ",sambit ko at akmang aakyat na ng hagdan.

"Ahh! Teka lang huwag na lang tayo sa bahay kumain siguro sa labas na lang total may pera naman ako", aniya.

"Edi sige para di na ko mahirapan pa ",tugon ko.

"Tara na", aya niya.

"Hmm",tango ko at sumunod na sakanya ng may biglang kumalabog sa taas .

"Kuya ano yun?",tanong ko.

"Ah wala baka yung kapitbahay natin nagaaway nanaman",aniya.

"Eh?", nanatili lang ako dun na nakatayo habang tinititigan ang kisame ng third floor na siyang sahig ng fourth floor.

"Haist!!", singhal niya at hinawakan yung bag ko habang kinakaladkad ako.

"Huy!! bitawan mo nga ako ",angal ko

"Hindi pwede", sambit nito.

Nasa loob na kami ng restaurant at kumakain.
Patuloy lang kami sa pagkain ng bigla kong makita si mama na may kasamang bata.

"Kuya si Mama!!", bulalas ko.

"Huh asan ?!", tanong niya tiningnan ko si kuya at tinuro yung labas ng restaurant .

"Wala naman ah", aniya habang nakatingin sa labas .
Tiningnan ko ulit ito at wala nga.

"Miss mo na siya ?", tanong niya.

Tumango lang ako at yumuko habang pinaglalaruan yung pagkain.

//Thanks for reading.
_OWOR

One Wish One RealityWhere stories live. Discover now