Chapter 4

1 0 0
                                    

Cakes Pov

"Miss na kita", sambit ko ng may ngiti sa labi habang nakayakap rito.

Ngunit kanyang pilit na inalis mga kamay ko sa pagkakayakap sakanya.

Umalis siya sa harap ko at tinungo si kuya.
Niyakap niya ito ng mahigpit.
Akin ring nasilayan ang mga ngiting di niya man lang inalay sakin.

Nang magtama paningin naming dalawa ni kuya ay agad akong nagiwas nang tingin.

"Alagaan mo sarili mo ah", rinig kong sambit ni mama kay kuya.

"Opo", tugon nito

Tuluyan ng umalis si mama ng di man
lang ako nagawang tingnan.

Pumasok na ako ng bahay at tumambad sakin si papa na nakaupo sa sofa at may katabing alak.
Dumiretso ako sa kuwarto ko at nilock ito. Kinuha ko si Ulah, isang teddy bear na binigay sakin  ni mama nung mga panahong masaya pa ako.
At di pa nagbabago lahat lalong lalo na ang pakikitungo sakin ni mama.

Isinalampak ko ang sarili ko sa kama habang yakap yakap si Ulah at dun na dumaloy ang mga luhang kanina ko pa pinipigilang rumagasa .

"Bunso ok ka lang ba?", rinig kong tanong ni Kuya mula sa labas ng kwarto habang kumakatok.

Pinunasan ko ang mga luha ko at inayos ang boses.

"O-ok lang ako Kuya. Tulog na ko ah ikaw din pahinga ka na ", saad ko at sinalampak yung mukha sa unan upang di niya marinig ang iyak ko.

"Sige ", tugon niya.

Narinig ko ang mga yabag niya papalayo .

He is my halfbrother and I'm his halfsister.
Di talaga kami totoong magkakambal.
Trip lang namin yun at yung pangalang Cup and Cake gagawa lamang namin yun.

He is Kristoff, his real name
And I'm Micheale

Anak siya ni mama sa kasintahan niya nung dalaga pa lamang siya at talagang nagmamahalan sila ngunit di sang ayon sina Lolo at Lola sa pagiibigan nilang dalawa dahil mahirap lamang ito.
Kaya nagtanan silang dalawa at nabuntis siya at ang bunga ay si Kuya Cup.
Nanganak si mama sa bahay na itinayo nila ng kanyang unang asawa ngunit nagising ito sa bahay nina lolo't lola at sabi nito kay mama ay namatay raw si Kuya Cup .

Pinaniwala nila itong patay na nga si kuya nang ipakita nila ang isang patay na batang dala dala ng komadronang nagpaanak sakanya.
Hinap niya ang tatay ni kuya ngunit sabi ni lolo't lola ay binayaran daw nila ito upang layuan siya.

Matapos ni mamang makarecover sa lahat ng deppression ay nagkaroon siya ng isang fix marriage sa anak ng kasosyo ni lolo at yun ay si papa nagkaanak sila at ako yun.

Walong taon ako ng malaman ni Mama ang totoo, na buhay pa si Kuya Cup ng biglang nagpakita sakanya ang komadrona at ibinigay ang 10 taong gulang na bata.
Nalaman niya rin ang katotohanang di binayaran ni lolo ang tatay ni Kuya tinakot lamang ito ng mga tauhan ni lolo na papatayin ang anak nila kapag nagpakita pa siyang muli kay mama.
Simula ng maungkat ang katotohanan ay nagbago lahat.
Kinamuhian ni Mama si Papa dahil kasama ito sa plano kaya't pati ako ay nadamay .
Galit sakin si Mama at mas mahal niya si Kuya Cup kesa sakin di tulad noon na ako ang little angle niya na ako pa lamang ang anak niya.

Ang sakit sobra.
Miss ko na yung dating kami.
Masaya pa kami nina mama at papa.
Kung di nalang sana nagpakita ulit so kuya.
Kung namatay nalang sana siya.
I'll be happier and far from this nightmare.
I feel lifeless because of him.
But what can I do.
He's the only one who loves me.
Siya lang may paborito sakin.
And I love my kuya.

//Revelation. Just the beginning
_OWOR

One Wish One RealityWhere stories live. Discover now