Cake's POV
Tumakbo ako ng mabilis papalayo sa lugar na iyon habang lumuluha.
Dinala ako ng mga paa ko sa plaza naupo ako sa bench at dun na ako umiyak ng umiyak.
Inabot na ako ng gabi ng may natanggap akong isang text mula kay Kuya .'Punta ka sa spot natin Cake'
-kuyaYun ang text niya kinuha ko yung bag ko at naglakad patungo roon.
Nasa harap na ako ng isang abandonadong Circus na sadyang paboritong paboritong pasyalan namin ni Kuya ngunit nalugi ito kaya nagsara.
Pumasok ako rito at tinungo ang ferris wheel.
Kahit luma na ang ferris wheel na iyon ay bakas parin ang ganda nito.
Napapalibutan ito nang mga maliliit na ilaw na nagkorteng "Happy Bday Cake".
Nanlumo ako sa mga nakita ko.
Wala akong nararamdaman kahit ano kahit katiting man lang na kasiyahan.Nasilayan so Kuya na kaupo sa isang bisekleta at nakatalikod sa akin .
Nang mapansin niya aking presensya ay dahan dahan itong humarap sakin at ngumiti.
Dali dali niyang sinindihan ang kandila ng dala dala niyang cake."Happy Birthday Bunso Cake !! Happy Birthday ! Happy Birthday! Happy Birthday Bunso Cake", kanta niya habang papalapit sakin nang may ngiti sa labi.
"Ano to? ", walang ano anong tanong ko sakanya.
"Nakalimutan mo na ba ?birthday mo ngayon", masayang sambit nito.
Tininingnan ko siya ng walang emosyong mababasa sa mukha ko.
"Nga pala may regalo ako sayo diba gusto mo ng gantong bisekleta na ma ala kdrama ang dating.", sambit niya at nilapitan ang bisekleta kung saan siya nakaupo kanina.
"Ta -da !! pinagipunan ko to para sayo
"Bakit mo ba ginagawa to ?", tanong ko.
"Ginagawa ko to para sayo ", saad nito.
"Para sakin?", tanong ko.
"Ano ba bunso di na kita maintihindihan ", aniya.
"Bunso ? walangya ", sambit ko at napatingin sa ibang direksyon habang may nakakalokong ngisi.
"Di kita maintidihan bat ka nagkakaganyan?", tanong niya ulit.
"Di mo talaga ako maiintindihan dahil iniisip mo lang ay ang sarili mo dahil ang selfish selfish mo!!", di ko na napigilan ang sarili ko.
"Ito!",turo ko sa bisekleta habang papalapit rito
"Para saan to? Para ipamukha sakin na iiwan mo na ako .Eh di ko naman kailangan to eh!", sigaw ko at sinipa ito ng malakas hanggang sa magkandasira sira ang mga nakapulupot na laso rito.
"Ang kailangan ko ay pamilya.
Pamilya na buo. Pamilya na masaya , pamilya na kung saan mahal ako pamilya na meron ka at wala ako!", sambit ko habang dinuduro yung dibdib niya."Bunso kalma kalang ok",
"Kalma ! Palagi na lang palagi na lang ako nagpipigil pero di na ngayon. Matagal na akong nanahimik at kinikimkim lahat ng ito.
Noon pa ako inggit na inggit sayo alam mo ba yun.
Gusto kong magalit sayo pero di ko kaya dahil isang tapik mo lang sa likod ko, isang galaw mo lang sa buhok ko ay ayos na lahat! ok na ako!", galit kong sambit sakanya.Di siya makatingin sakin tanging sa cake lang nakatuon ang paningin niya .
"Walangya! Hiwalay na pala sina mama at papa matagal na tapos di mo man lang sakin sinabi. Ah !! alam ko na kaya ayaw mo saking sabihin dahil yung tatay mo at nanay mo ay nagkabalikan na . Oh ang ganda diba!! Kayo masaya at buo na tapos kami ni papa malungkot na nga wasak pa. Great Just Great !! Clap clap clap", pasigaw ko sakanyang sabi habang patuloy parin akong umiiyak.
"Di mo naiintindihan"
"Lahat naiintindihan ko Kuya Cup!!!Naiintindihan ko na mas mahal kayo ni mama at mas lalong naiintindihan ko na aalis ka at iiwan mo ako",dun na ako mas lalong umiyak habang tinitingnan siya.
Ngunit walang emosyong makikita sa mukha nito.
Nabaling ang paningin ko sa cake na dala dala niya."One wish. One reality", basa ko rito.
"Pwes! Hinihiling ko na sana di ka nalang kita naging kuya na sana namatay ka na talaga!! Na sana di ka na bumalik pa!", sambit ko at hinipan yung kandila.
//Sakit talaga sobra.
_OWOR