Chapter 8

3 0 0
                                    

Cake's POV

Nasa loob ako ngayon ng classroom habang nagbabasa ng may biglang pumasok na estudyante na humihingal at parang galing sa isang marathon.

"Si kuya pong mo na sa guidance office",sambit nito.

"Ano!!",sabay naming sigaw ni Kaye nagkatinginan lang kami ng biglang tumakbo si Kaye at naiwan ako sa classroom.
Lumabas ako rito at sinundan si Kaye.
Natanaw ko sa di kalayuan silang dalawa na masayang tumatakbo galing sa guidance office habang di magkaundagaga sa kakasigaw si Miss Tanya.
Dinaanan lang nila akong dalawa.
Sinundan ko sila papalabas ng campus ng makita ko silang nagtatawanan.
Lumihis ako ng daan at naglakad papalayo sakanila.
Ibinaling ko nalang ang paningin ko sa kalsada at napadaan ako sa restaurant kung saan kadalasan kaming dalawa kumakain.
Naalala ko kung paano kami nagasaran  at kung paano niya ako iniinis.
Lahat lahat tungkol kay Kuya ay naalala ko.
Ngayon ko lang napagtanto na ang swerte swerte ko kay Kuya.
Nanlumo ako at napahagulhol napahawak nalang ako sa strap ng bag ko at di ko  na napigilan pa ang mga luhang kanina ko pa pinipigilan.
"Kuya ",sambit ko.

Patuloy kang ako sa paglalakad habang umiiyak.

BOGSHHHHH!!!!

Bigla akong nabangga ng kung sino man pero wala akong pakialam patuloy lang ako sa paglalakad.
Gusto ko lang bumalik sakin si Kuya.

"Uyy!!",ng may biglang kumalabit sakin at may nakita nalang akong isang panyo sa harapan ko pinagmasdan ko ito.

"Lahat ng problema ay may solusyon.One wish one reality",sambit nito.
Natigilan ako sa narinig ko tiningnan ko ang taong nasa harapan ko.

"Kuya ",sambit ko.

"Alis na ako ingat ah",paalam nito at tumakbo na papaalis.

"Balik ka na!Miss na kita!",sigaw ko sakanya.

"One wish one reality!!",sigaw rin niya.

"One wish one reality",paulit ulit kong sambit habang naglalakad.

"One wish one re-",napatigil ako at tumakbo pabalik ng mabilis.

Narito ako ngayon sa loob ng Circus sa harap nang Ferris Wheel habang hawak hawak ang isang cake na may sinding kandila sa ibabaw.
It's my birthday today.
Yep sa araw na nagsimula yung magic ay nagrestart ang oras.
Bumalik ako a month before nangyari yun.

"I wish na sana  di to lahat nangayri. Hinihiling ko na sana bumalik na sakin si Kuya Cup.
One wish One reality",saad ko at hinipan ang kandila ngunit walang kakaibang nangyari.Sinindihan ko ulit ang kandila.

"One wish.One reality",saad ko ulit at hinipan ang kandila.

Hanggang sa mapuspos na ang kandila ay wala paring nangyayari.
Paalis na ako nang Ferris wheel at nanlumo ako ng makita ko si Kuya Pong na nakatalikod at nakasakay sa isang bisekleta.

"Kuya Cup",tawag ko rito.

"Happy Birthday to you!! Happy birthday happy birthday!!happy birthday to you",biglang kanta ni Kaye at Kuya Cup.

Nakita ko ang isang pamilyar na cake.
Papalapit ng papalapit si Kuya sakin habang dala dala ang cake na may sinding kandila at may nakasulat na "one wish one reality"imbes na saya ay lungkot ang nadama ko.

"Ako dapat yung kapatid mo.
Ako yung bunso mo diba.",saad ko sa isip ko habang tinitingnan ang nakangiting lalakeng nasa harapan ko.

Tumakbo ako papalayo sakanila.
Napadpad ako sa isang playground at dun naupo.
Napaiyak na lang ako.
Di ko na namalayan ang oras
Pagabi na pala.

"Andyan ka lang pala",bungad sakin ni Kuya Cup habang nakasakay sa bisekleta nito.

"Ayos ka lang ba?",tanong nito at naupo sa kabilang banda ng bench.
Tumango lang ako habang yakapyakap ang bag ko.

"Maniwala sayo",sambit niya at tumalikod.

"Oh eto ",sambit niya at tinapik ang likod niya na nagsasabing nandito lang siya kung kailangan ko ng masasandalan.
Isinalampak ko ang mukha ko sa likod niya habang mahigpit na hinahawakan ang jacket niya.
Umiyak lang ako ng umiyak at hinahampas siya.

"Kuya!!",patuloy lang na sambit ko habang umiiyak.

Nakalipas na ang isang oras at natigil na rin ako sa pagiyak tahimik lang kaming dalawa na naupo at pinagmamasdan ang kalawakan.

"Gabi na hatid na kita",aya nito.

Sumakay na ako sa likuran nang bisekleta nito.

Nasa harap na kami ngayon ng tunnel napakapit ako ng mahigpit sa jacket nito.

"Wag kang matakot hanggat naririto ako ay poprotektahan kita ",sambit nito.

Pinikit ko nalang ang mga mata ko upang  di masyadong matakot naramdaman ko nang umandar na ang bisekleta.

"Andito na tayo sa bahay",aniya.

Dinilat ko na ang mata ko at nasilayan ko ang bahay namin.

"Pasok  ka na at baka hinahanap ka na nila",sambit nito.

Nasa harap na ako ng hagdan.
In -on ko yung ilaw ngunit di ito sumisindi.
Bumalik ako sa baba ngunit wala na si Kuya.
Isang  hakbang palang ang nagagawa ko ng biglang may ilaw na tumama sakin at lumiwanag ang daraanan ko.
Napatingin ako sa direksyon ng ilaw at nakita ko si Kuya  na kumakaway  mula sa malayo.
Napaluha na lang ako ng oalihim at nagpatuloy sa pagakyat.
Natuntun ko na ang harap ng bahay ng bumungad sakin si mama na may dalang maleta at papaalis.

//Here's the twist .
Ano kaya sa tingin niyo?
_OWOR

One Wish One RealityWhere stories live. Discover now