Chapter 9

3 0 0
                                    

Cake's POV

Natuntun ko na ang harap ng bahay ng bumungad sakin si mama na nay dalang maleta at papaalis.

"Ma anong nangyari?",ngunit di niya ako inintindi at dali daling bumaba ng hagdan.

Pumasok ako ng bahay at iba na ang ayos ng bahay.
Makalat at magulo.

"Pa anong nangyari?",tanong ko rito ngunut tinungga lang niya ang alak.

"Aalis na sila ng Kuya mo ",sambit nito.

Bigla akong nanghina sa narinig ko.

"Kuya?!"bulalas ko.

"Dadalhin na siya ng nanay mo sa ibang bansa kasama ang asawa niya at tayo maiiwan rito ",sambit nito.

Pumunta ako sa kabilang kwarto at nasilayan ko ang pader nito na punong puno ng anime poster.

"Kuya!!",aniya ko at dalidaling bumaba.

Bumungad sakin ang isang bisekleta.
Ito yung gamit ni Kuya may nakaipit ritong isang card.
"Happy Birthday Bunso Cake "
                 -Kuya Cup

Napaiyak na lang ako sa nabasa ko at dali daling sumakay at pinaandar ito.
Wala akong pakialam kung di ako mahal ni mama.
Wala akong pakialam kung magulo ang pamilya namin.
Wala akong pakialam kahit pasaway at mas importante si kuya sa kanila ang alam ko lang ay basta't nandiyan si Kuya masaya at kompleto ako.
"Kuya Cup", sambit ko at mas lalong pinabilis ang pagmaneho sa bisekleta.

Nasa train station ako ngayon at hinahanap sila.
Nang makita ko siya na nakatayo katabi ang ang mga bagahe.

"Kuya Cup!!!! ",sigaw ko habang umiiyak.
Tumungin siya sakin at napangiti.

"Kuya may naiwan ka",maluhaluhang sambit ko.
Nilibot niya ang kanyang paningin sa mga bagahe.

"Wala naman akong naiwan ah ",aniya.

"Meron Kuya !", sambit ko.

"Ako!!!",sigaw ko

Napatingin sakin si Kuya nang diretso at may luhang pumatak sa pisnge nito habang nakangiti.

"Di kita iniwan !! Andito ka eh",sambit niya at hinawakan yung parteng dibdib niya.

"Kuya!",umiiyak kong sambit.

"Cake!",sigaw nito ng nakangiti.

"One wish.One reality",sambit nito.

"Babalik ka diba?",tanong ko.

"Isang hiling lang magkakatotoo lahat",tugon niya.

"One wish. One reality",sigaw ko ng biglang dumaan ang tren sa harapan ko.

"Kuya? Kuya?!!",sigaw ko at pilit na inaaninag ang kabilang dako ng tren.

Huminto ito at hinihiling na sana ay pagalis ng tren nato ay andyan parin si Kuya na di niya ako iniwan ngunit kung ano man ang magiging resulta nito ay handa kong tanggapin ito dahil may tiwala ako sakanya.

Tuluyan nang natapos umalis ang tren.

"Kuya cup hihintayin kita!!!",sigaw ko sa papalayong tren na hanggang tanaw ko nalamanh.

"One wish.One reality", huling sambit ko.

//Hope you're enjoying my story binibini at ginoos🌹
_OWOR

One Wish One RealityWhere stories live. Discover now