Cake's POV
Naglalakad na ako ngayon sa corridor papuntang classroom ng biglang may humila ng bag ko.
"Cake!! Yung kuya mo nasa Guidance Office", hingal nitong sambit.
"Huh!!!????", pasigaw kong bulalas .
Dali dali akong tumakbo patungo sa G.O.
"Mr.Kristoff Montaverde, call your parents right now", galit na saad ni Miss Tanya, Guidance Counselor
"Wala po yung parents namin, nasa abroad", sambit nito.
"Kuya!!", tawag ko sakanya.
"Haist", singhal niya habang nakatingin sakin at tinalikuran niya lang ako.
"Ms.Micheale Mitch Montaverde right?", tanong nito.
"Yes Maam", sagot ko.
"Bakit po anong nangyari?", tanong ko at tumabi kay Kuya .
"Akalain mo ba namang ginawang bidding yung classroom nila gamit ang mga testpaper na walang pangalan at may mga marka. Ayon kay Mr. Kiko teacher nila sa science pinahatid daw niya kay Kris yung mga testpaper na chineck niya na . Pagdating sa classroom ay wala na itong mga pangalan syempre nagkagulo kaya ginawa niya ay prinesyuhan niya lahat. Mas mataas na grado mas maraming may gusto kaya dinaan niya sa bidding",galit nitong saad.
"Haist,pasaway ka talaga", bulyaw ko rito at sinipa ang tuhod.
"Aishh!! Aray!!"napasigaw ito habang hawak hawak ang kanyang tuhod.
"At dahil sa ginawang yan ng Kuya mo ay kailangan kong makausap ang mga parents niyo ", aniya Miss Tanya.
Nagkatinginan lang kami Kuya at nangusap ang mga mata .
Sabay naming inilagay ang kamay sa likuran namin at nagdikit.
"Isa"bilang ko.
"Dalawa ", bilang niya.
"Tatlo!! Takbo!!", sigaw namin pareho at tumakbo palabas ng G.O.
"Huy!! Bumalik kayo rito !!', sigaw ni Miss Tanya.
Alam naming dalawa na pagusapang magulang ay di pwede .
Nasa labas na kami ng campus at nagtatawanan habang hingal na hingal."Bunso mauna ka na umuwi may pupuntahan lang ako. Sandali lang to ", sambit nito habang nakatingin sa cellphone at dali daling tumakbo papalayo.
"San kaya yun pumupunta halos palagi na lang siyang umaalis ah."aniya sarili ko.
"Siguro may girlfriend na to hahahha masundan nga", saad ko at dali daling tumakbo upang sundan siya.
Napadpad ako sa harap ng isang restaurant kung san siya pumasok. Natanaw ko si Kuya na sinalubong ng isang babae at niyakap siya nito. Pumunta sila sa isang mesa.
May tumatalon na batang babae sa upuan ang tumawag sakanyang kuya katabi ng bata ay ang isang lalake may edad na.
Naupo si Kuya Cup habang kinakarga ang bata at masayang nakikipagkwentuhan kina mama.Bigla akong nanlumo at nanghina sa mga nakita ko.
Si mama na may bago ng pamilya at si Kuya Cup na may bago ng bunso at may kumpleto nang pamilya.//Awwtss sakit. Naols may Kuya. Kaway kaway sa mga bunso.
_OWOR