Chapter 3

5 2 2
                                    

Cake's POV

Pauwi na kami at malapit na sa isang madilim na tunnel.

"Bunso tanda mo pa ba yung kwento tungkol sa tunnel na ito?",tanong niya habang may nakakalokong tingin.

"Eh! Kuya tigilan mo nga ako", bulyaw ko.

"May mga namatay daw diyan marami at nakadilat.", kwento niya habang pinapalami yung singkit niyang mga mata.

"Eh tigil na", suway ko.

"Kwento pa nga bago daw yun namatay ay may nakita raw ang mga itong babeng nakaputi at umiiyak ng dugo.", kwento pa nito.

"Natatakot na ako ah !!! Di na ako natutuwa!!", inis kong saad sakanya.

"Kwento lang naman yun eh",tugon niya.

"Kahit na!! ", singhal ko.

"Bunso hangga't nandito ako poprotektahan kita. Okay. Ano ayos ba yun?", tanong niya habang nakangiti at tinapik yung braso niya para bang nagsasabing humawak ako rito.

Naglalakad na kami papasok ng tunnel.
Nasa kalagitnaan na kami.

BLAAAGGG!!!!

May biglang kumalabog sa gilid at nakakapit ako ng mahigpit kay kuya.

"Ahhhh kuya!!", nanginginig kong sigaw.

Tiningnan ko ito ngunit nakatulala lang at nakatingin sa isang madilim na lugar .

"M-may , m - may babae. Waaaaahhhhh!!!!!", sigaw nito at tumakbo ng mabilis papalabas ng tunnel.

"Huuuuuuuuuy!!Hintay!!!",sigaw ko.

Nasa tapat na kami ng apartment habang hinhabol parin ang hininga .

"Hayyy!!! Grabe ! Grabe talaga!!", bulyaw ko sakanya.

"Biro lang naman yun wala naman talagang multo eh. Hahahhahahhah!!! ", halos mamatay na to sa kakatawa.

"Lakas mong mangtrip ah!!!" papadyak kong sambit at hinampas nang hinampas ito dahil sa inis.

"Aray! Aray ano ba! Ahahaha!"panay sangga lamang ito at tawa nang tawa.

"Pasok na nga tayo", aya nito.

Bubuksan ko na sana yung pinto ng bigla itong bumukas mula sa loob .
Natulala ako at nanghina ng bumungad sa harap ko ang imahe ni mama na may dalang maleta

"Ma!', bulalas ko at agad itong niyakap.

//Thanks for reading🌹
_OWOR

One Wish One RealityWhere stories live. Discover now