Chapter 7

3 0 0
                                    

Cake's POV

"Anak gising na", malambing na tinig ng isang babae.

Minulat ko ang aking mga mata at nabigla sa aking mga nakita . Nasilayan ko ang mukha ng isang babae.

"Mama!!",bulalas ko 

"Gising na malelate ka na ",tugon niya.

Bigla akong napatayo at lumabas ng kwarto pinagmasdan ko ang buong paligid ng bahay namin.
Ibang iba ito sa dati kong bahay.
Lahat nagbago.
Dali dali akong pumunta sa kabilang kwarto nabigla ako sa nasilayan ko tumambad sakin ang kwarto ni kuya na ngayon ay bodega na lamang.

"Yessss!!!!",sigaw ko habang tumatalon at napapadyak sa tuwa.

"Mika gising ka na pala. Halika rito at samahan mo kami ng nanay mo sa pagkain",namilog ang mata ko sa nakita ko.

Nasilayan ko ang maraming pagkain sa lamesa at sadyang masasarap ito.
Ngunit ang mas lalong di ko akalain ay si papa ko nakasuot ng damit pang opisina at talagang mahahalata sakanya ang pagiging matalino at highclass na tao.
Nakangiti kong tinungo ang lamesa.

Papunta na ako sa school ng makasalubong ko si Kaye na hingal na hingal at pawisan

"Hayss!!buti na lang at di ako nalate",hingal nitong sambit sakin.

"Bakit ka nalate.Di ka naman nahuhuli ah?",tanong ko sakanya.

"Si Kuya kasi ginising ako magaalas syite na ",inis nitong sambit.

"Kuya?!Wala ka namang Kuya ah ",naguguluhan kong sambit.

"Ano ba meron  akong kuya. Napapano ka ba ah?",nakataas na kilay na tanong nito.

"Huh?!",tanong ko.

Pinikpok niya yung ulo ko.

"Aray ano ba?!",singhal ko.

"Kala ko kasi nagkamnesia ka na.
Di mo na ba talaga naaalala si Kuya Cup.",sambit nito.
"Kuya Cup?? Eh kuya ko yun eh!!",sambit ko nang may halong inis.

"Oo Kuya mo rin yun kasi shinare ko siya sayo only child kalang kasi ",aniya

Naguguluhan na ako sa nangyayari kuya ko si Kuya Cup at di ako only child siya ang only child ibig sabihin ba nun ay nagkapalit kami ng katayuan.

"Cake !! Musta yung exercise ayos ba?",

Napatigil ako ng madinig ko ang pamilyar na boses dahan dahan kong pinihit ang sarili ko patalikod at tumambad sakin ang lalakeng noon ko pa kilala si Kuya.

"Kuya!!!Pasaway ka talaga",biglang inis na sambit ni Kaye at dinaanan ako patungo kay Kuya Cup at kinurot ang pisnge nito.
Tahimik lang ako habang pinagmammasdan ko silang dalawa. Napangiti ako ng may lungkot ng maalala ko ang mga panahong ganyan pa kami.

Palabas na ako ng school nang makita ko si Kaye na bumibili ng Cupcake sa isang stall. Natanaw ko naman si Kuya Cup sa di kalayuan.
Paalis na si Kaye sa tindahan ng dahan dahang lumapit si ito kay Kaye at sinunggaban ang mga cupcake.

"Kuya Cup!!",inis na sambit ni Kaye.

Ngumunguya si Kuya at may mga bahid pa nang icing ang labi habang naghabulan silang dalawa.

"Kuya Cup",napaupo na lang ako sa hagdan ng makita ko kung gaano sila kasaya.

Pauwi na sila at heto ako patuloy parin silang sinusundan.
Bigla silang huminto at nakita ko nalang si Kuya Cup na tumatakbo papunta sa bahay nila sumunod naman si Kaye sakanya.
Sinundan ko ng tingin si Kuya na nasa tapat na ito ng bahay nila Kaye. Nakatayo lang siya dun at galit ang ekspresyon ng mukha.
Malapit na si Kaye sa kinaroroonan nito ng dali daling umalis roon si kuya at sinalubong si Kaye ngumiti ito sakanya at hinawakan ang kamay. May pagaalinlangan sa mukha ni Kaye ngunit sumunod na lang ito.
Nakalayo na sila.
Tinungo ko ang bahay nila at tumayo sa tapat nito nakita ko ang nanay at tatay ni Kaye na nagaaway at may dalang maleta ang nanay ni Kaye. Nanlumo ako sa mga naiisip ko. Naiisip ko na nagkapalit kami ng tadhana at katayuan sa buhay. Humirap si Kaye dahil sakin.

Lahat narealize ko.
Mga sakripisyo ni kuya.
Mga bagay na ginagawa niya upang maiwas ako sa totoong nangyayari sa pamilya namin.
Iniiwas niya ako sa sakit kahit sobrang sakit ito para sakanya.
Ang tanga ko sobra.

Napagdesisyunan ko na lang na umuwi.

"Nakauwi na po ako",sambit ko.

"Wala atang tao",aniya sarili ko.

"Ma!Pa!Ku-",natigilan ako ng maalala kong wala na pala akong kuya.

Napaupo na lang ako sa sofa habang inaalala ang dating ayos ng bahay namin.
Makalat at magulo dahil sa laruan at video games ni kuya.
Napatingin na lang ako sa isang unan na kung saan ito ang unan na palagi naming pinagaagawan dahil malambot at malaki ngunit ngayon wala na akong kaagawa magisa na kang ako rito sa bahay nato.
Napahiga nalang ako sa sofa habang yakap yakap ang unan at nakatakip ito sa mukha.
Di ko na napigil pang mapaiyak.
Labis na pagsisi ang aking nadarama at gusto ko ng bumalik si Kuya.
Miss na miss ko na siya.
Kasalanan ko to masyado akong naging selfish.

Miss na kita kuya. Balik ka na please.
Buohin na natin ang Cupcake twin.
I'm sorry.

//Nasa huli nga Ang pagsisisi guys.
_OWOR

One Wish One RealityWhere stories live. Discover now