CHAPTER 30

18 8 0
                                    

"Bakit hindi ka nag sabi!?" Pumapadyak na sabi ni Cold.

"Hindi ko naman alam na nandito ka"

"Ilang araw ang vacation mo?"

"Two weeks"

Ngumisi siya at tumaas taas ang kilay.

"Ayos yan pinsan! Dalawang linggo rin ako dito"

Nasa Boracay ako at nadaan ko lang si Cold kanina sa isang restaurant kaya sumama naako sakanya papunta sa resort.

Ang alam ko nandito siya para sa isang case. Habang ako naman ay mag babakasyon muna. I need a fresh air.

Kasalukuyan kaming naka lutang ngayon sa malinaw at magandang tubig ng Bora.

Nakasuot ako ng two piece white bikini habang kulay yellow naman ang kanya.

"Alam mo minsan naiisip ko bakit kaya hindi nag pa tayo ng Resthouse dito si lolo?"

"Hindi ko alam. Pwede ka namang mag patayo kung gusto mo Atty"

Tumawa siya at sinabuyan ako ng tubig.

"Sira! Para ano? Bahayan lang ng mga pinsan nating puro babae ang problema sa buhay?"

"Totoo yan. Pero teka hindi ko yata nakita si casper lately?"

"Ewan ko sa isang iyon. Kung ano ano ang inaatupag"

Mag kasama kami sa isang villa at kasalukuyan siyang naka harap sa laptop niya habang ako naman ay naka higa sa kama.

"Cold?"

"Hmm?"

"Remember the case about Gyro Beer?"

She gave me a look then continue her works.

"With Nathalia Margaret?"

"Yes"

"What about it?"

Umupo ako ng maayos at sumandal sa headboard.

"Na dismiss yung kaso noon tama?"

"Inurong nila yung demanda dahil halata namang gumawa lang ng eksena yung anak niya" pikon niyang sabi.

"Why? i mean I'm not defending her, nagawa ba ni ate yung medical check up?"

Tiningnan niya ulit ako sa ilalim ng specs niya.

"Nag kaka amnesia ba kapag nakikipag break sa jowa?"

Kumunot ang noo ko.

"Hindi nagawa ni Ate yvonne iyong test dahil bukod sa ayaw naman ni Margaret ay inurong na ang kaso noon"

"Weird" nasabi ko nalang.

"Yeah"

Pinilig ko ang ulo ko at iniba nalang ang topic.

"Anyway, anong kaso ang hawak mo at nandito ka sa Bora?"

"Just a criminal case" kibit balikat niyang sagot.

Kamustahan,kainan,at kwentuhan ang nangyari habang nasa Boracay kami.

Nasa open Bar kami ngayon at nakaupo habang naka harap sa nag kakagulong mga tao.

"I'm really not into party but geez i want to dance like a wild girl"

Natawa ako at tiningnan siya.

"Why don't you try?"

"Mamaya na kapag mas magulo na sila"

They're  dancing wild on the sand while surrounded by bonfires and party lights. They're wearing bikinis and other summer clothes.

OPTIONS AND CHOICES (COMPLETED)Where stories live. Discover now