CHAPTER 24

18 11 0
                                    

"Ano ready kana? Bukas na yung result ng exam" pilit akong ngumiti kay Lari.

Nasa condo niya ako dahil kagagaling ko lang sa driving school ko para kuhanin ang lesensiya ko.

"Dapat ba ready?"

She held my hand.

"Ylona, alam kong marami kang iniisip pero kahit bukas lang kalimutan mo naman. Makakapasa ka at mag ce-celebrate tayo"

Naikwento ko na sakanya lahat simula ng talikuran ako ni Kenzo sa condo niya.

He said we'll talk some other time but that time didn't come.

Malamig lang ang trato namin sa isa't isa at pansin ko ang panay pag iwas niya sa twing uungkatin ko ang nangyari.

"You're with julius tommorow?" Malungkot niya akong tinanguan.

"Baka pumunta rin si Kenzo. Wag ka ng malungkot ylona. Diba nga sabi mo busy sa kompanya dahil nga hindi maasikaso ng parents niya"

"I saw him tommorow" nag iwas ako ng tingin.

"Talaga? Saan?"

"Palabas ng ospital. He's with L-lucille"

"Anong ginagawa nila doon? Nakita kaba niya?"

Umiling ako.

"Hindi. Nasa office ako ng ninang ko ng makita ko silang dumaan"

Tinabihan ako ni Lari at niyakap. Tumulo ang mga luha ko.

"P-pakiramdam ko lumalayo na siya Lari. Pakiramdam ko tama yung mga hinala ko"

"Shhh.. wag kang mag isip ng kung ano ano. Mabuti pa mag usap kayo"

"But he's always busy"

"Tangina! Busy ba iyong sinamahan pa yung ex sa ospital! Ano may business deal din sila sa palitan ng gamot?"

Umiyak ulit ako ng umiyak.

"Construction firm yung kanila hindi pharmaceutical!" Dagdag niya pa.

I bit my lower lip. Siguro nga dapat kausapin ko na siya.

"I'll talk to him tommorow. Kapag nakuha ko na ang result ng Exam"

Pinunasan ko ang luha ko. Tumango saakin si Lari at niyakap paako ng isang beses.

"Mag sabi kalang kung gusto mo ng kasama ah? Nandito lang kami ni Julius"

Tiningnan ko si Julius na tahimik lang at nag mamasid saamin. His eyes were sorry.

"Sorry ylona, bihira ko nalang din kasing makausap si Kenzo eh"

Tumango ako sakanya at ngumiti.

"Thankyou sainyo. Aalis naako"

"Dito kana mag dinner"

"Hinihintay ako nila mom eh"

"Hatid nakita?"

Ngumiti ako at mayabang na pinakita ang susi ng kotse ko.

"Oo nga pala marunong kana congrats!!" She laugh.

Umiling nalang ako at iniwan sila doon. Kinuha ko ang cellphone ko at wala paring nakitang message ni Kenzo. Nag type ako ng message para sakanya.

Ako:
Let's talk please. I miss you

Nang maka pasok na sa sasakyan ay ngumiti ako ng bukal sa loob ko.

Hindi niya pa alam na marunong naakong mag drive. I'm sure he'll be surprise!

OPTIONS AND CHOICES (COMPLETED)Where stories live. Discover now