CHAPTER 34

18 10 0
                                    

"Drink this pau-pau" inabot saakin ni Beer ang isang gamot.

"Thanks Beer"

Nandito ako sa kwarto niya. Pag katapos ng pag uusap namin ni Kenzo ay tinawagan ko si Beer at nag pasundo. Galit at sorry ang nasa mata ni Kenzo bago niya ako iwanan dito.

"Okay i need you to look at me" marahang utos niya.

Anong oras na ng gabi at dapat ay natutulog na siya. Rinig ko ang bulungan sa may pintuan galing sa mga pinsan ko.

"Tangina! Pumasok narin kaya kayong lahat dito para everybody happy!" Inis na sigaw ni Beer.

Nilingon ko ang pintuan at naabutan ang mga ulo nila cold,ink,astropel at kuya pipes naka silip doon.

Madali nilang sinara ang pinto kaya humarap ulit ako kay Beer. Bumalik siya sa pagiging kalmante at inabutan ako ng unan.

"Okay pau-pau can i ask you something?"

Tumango ako.

"Sinabi mo ba kay Kenzo ang nangyari?"

Tumango ulit ako.

"Anong naramdaman mo?"

Dahan dahan kong niyakap ang unan at sumandal sa headboard.

"I-i feel scared but i-im okay. I feel like the heavy luggage on me disappeared"

Huminga siya ng malalim at lumapit saakin.

"I'm glad. Finally pau-pau" he kissed my forehead.

"Thankyou Beer"

"Always" he smiled.

Beer is my psychiatrist from the very start. Kahit hindi pa siya doctor, sakanya ko una ikwenento ang lahat ng nangyari at maingat niya akong inalagaan at binantayan.

The suspects is now in prison, all victorinos are fuming mad the moment they knew what happened to me. Halos baliktarin nila ang pilipinas mahuli lang ang mga hayop naiyon.

Bonus nalang na nakauwi paako ng gumagalaw dahil ang kaluluwa ko, pinatay na nila.

Beer tucked me in his Bed.

"Sleep tight. Dito kaming lahat matutulog, aayusin lang namin ang mga inflatable bed"

"Good night Beer"

"Good night pau-pau"

Kagaya ng sabi niya lahat sila ay natulog sa loob ng kwartong iyon. Nagising nalang ako ng makitang yakap yakap ako ni Kuya pipes.

Nang lingunin ko ang baba ay nakita ko ang limang inflatable bed. Mag katabi ni Gia at Ink, si Astropel at Isaias. Si Isabelle ay mag isa at mukhang hindi man lang nagalaw ang maayos na maayos niyang buhok. Habang mag katabi naman si Beer at Cold.

Lumingon ako sa paanan ko ng maramdaman ang isang kamay doon. Napakurap ako ng makitang tulog na tulog si Casper habang naka baluktot.

"Good morning" humigpit ang yakap ni kuya saakin.

"Bad breath ka kuya" i joked.

Eksaherado siyang umupo at Aksidenteng nasipa si Casper kaya nahulog pero hindi man lang nagising.

"Ako ang may pinaka mabangong hininga saating lahat" pag yayabang niya at inamoy ang hininga niya.

"Kadiri ka naman kuya"

Ngumiwi siya at nilingon ang mga pinsan naming tulog na tulog parin.

Tumawa siya at biglaang tumayo.

OPTIONS AND CHOICES (COMPLETED)Where stories live. Discover now