Pilit kinalimutan ni Abella ang masaklap na kinahantungan ng nakaraan niyang pag-ibig na akala niya'y road to forever na, ngunit nagkamali siya dahil siya mismo ang pumutol sa inakala niyang forever na iyon. Hindi niya 'yon gusto pero iyon ang hinihingi ng sitwasyon at wala siyang nagawa kungdi gawin iyon dahil kung hindi niya iyon gagawin, mahihirapan lang silang pareho. Makalipas ang halos isang taong paglimot niya sa binata, bumalik ito ng walang pasabi. Hindi siya handa. Akala niya'y magiging madali ang lahat pero nagkamali siya dahil sa pagkikita nila ng binatang iniwan niya, insulto ang ibinato nito sa kaniya at pakiramdam niya hindi niya iyon deserved. Muli pa bang magtatagpo ang bawat tibok ng kanilang mga puso o kusa nang lalayo ang mga iyon? -Ttotoy Past and Future