"You're life itself, Hannah. Para kang isang napakaningning na bituin na nagbibigay-liwanag sa daigdig ko." Ikakasal na si Hannah sa kanyang fiancé na si Michael. Pero hindi natuloy ang kasal dahil nalaman niyang pinaglalaruan lang siya ni Michael. Upang makalimot ay pumunta siya sa Kuala Lumpur at Singapore para magbakasyon. Pero hindi rin siya natahimik dahil nagkita sila roon ng lalaking antipatiko na muntik nang sumagasa sa kanya noong araw na malaman niya ang kataksilan ng kanyang ex-fiancé. Tulad ng unang beses ay pangit pa rin ang nangyari sa muli nilang pagkikita. Pero nananadya nga yata ang tadhana at lagi silang pinagsasalpok ni Moises Gabriel Carrillo. Pero tadhana rin ang gumawa ng paraan para magkabati sila at unti-unting mahulog ang kanyang loob sa binata. Ang problema, binalaan na ni Moises si Hannah na huwag ma-in love dito dahil hindi nito iyon kayang suklian. Pero makulit ang kanyang puso at sumige pa rin. Hanggang sa dumating na ang sandali ng kanilang paghihiwalay. She had to let go of him though her heart was breaking. Dahil nangako siyang hindi mai-in love kay Moises at mananatili lang na isang kaibigan sa binata.