Hindi alam ni Jeseca kung ano ang nagtulak sa kaniya para sumama sa isang estranghero. Siguro dahil heartbroken siya at gusto niyang kalimutan ang mga panloloko ng kaniyang boyfriend. O baka dahil nagpapakalunod siya sa alak ng lapitan siya ng guwapong estranghero. Whatever it was, Jeseca spent one hot night with the stranger, and then left the morning after. She would just forget about that night, desidido si Jeseca roon, kahit nahihirapan siyang gawin. Isa pa, humihingi ng second chance ang kaniyang boyfriend. Pero talagang laging may joke ang kapalaran. Akalain ba naman niyang makikita pa uli ang estrangherong lalaki --- at makakasama pa niya sa trabaho. At apektadong-apektado siya sa presensiya nito. Paano na ang plano niyang paglimot dito?