At dahil sa hindi natuloy ang meeting nila kahapon dahil busy daw ang bagong producer ay ngayon naman ito ini-re-sched ni Jyda. Maaga siyang pumasok dahil wala din naman silang mga tulog. Dumiretso na agad siya sa office ni Jyda.
Kumatok muna siya bago siya pumasok. Kahit kailan talaga napaka-workaholic ng mga magkakapatid. Kahit ang nakagisnan nitong kapatid ay ganoon din. “Good morning!” nakangiting bati niya dito.
Busy ito sa binabasang magazine na bagong release lang yata ng Gossip. Ang ngayon ay sikat ng magazine business nila Harold at ng kaibigan nitong si Joseph. “Morning.” Tipid na sabi nito at bahagyang ngumiti. Saka ito humigop ng kapeng nasa harapan nito.
“What’s new? Mukhang interesting ang binabasa mo ngayon.” Aniya at umupo siya sa sofang naroon at kumuha ng isang mansanas.
“Wala naman, well, siguro itong kaibigan nila Harold na womanizer, pero na-interview siya 3 months ago, malay natin hindi na womanizer ‘to ngayon.” Seryoso pa ring turan ni Jyda at hindi pa rin inaalis ang tingin sa magazine.
Natawa naman siya sa sinabi nito. “A womanizer is always a womanizer, parang cancer din yan na mahirap malunasan. Ang cancer nga kahit na sabihing nakasurvive na ‘yung biktima, bumabalik at bumabalik pa din. Just like that, kaya malamang walang matinong babae na papatol sa ganiyan.”
“Hmmm…” ibinaba na nito ang magazine at tumingin sa kaniya. “You’re right, pero kung may madidiskubreng gamot para sa cancer marahil madaming gagaling lalo na kung ang taong ‘yon ay gusting gumaling. At ganoon din sa mga kagaya ng kaibigan nila Harold, darating ang isang babae sa buhay nito na gagamot sa kung anong cancer man ang dumapo sa kaniya.”
Bakit pakiramdam niya may connection sa kaniya ang bawat sinambit ni Jyda? Ngumiti siya dito. “Well, pwede rin, pero alam naman nating matatagalan pa yun, madaming experiment pa ang gagawin para malaman kung ano talaga ang lunas.” Sabi naman niya.
“At least, magagamot.” Sagot pa din nito. “So, tara na sa boardroom, actually, dito kita pinapunta para may kasabay ako, at para grand entrance, nandun na kasi sina Leila at ang ating new producer eh.”
Napailing siya. “Grand Entrance talaga? May red carpet ba?” biro naman niya.
“Ay! Oo nga pala, hindi ko napalagyan. Next time nalang.”At sabay silang tumawa.
Lumabas na sila sa opisina ni Jyda at tumungo na sa boardroom na nasa 5th floor pa ng building. Pero ang hindi niya maintindihan ay habang papalapit sila sa pinto, bumilis bigla ang pintig ng kaniyang pulso. ‘Strange!’ anang isip niya.
Kung pwede lang mag-backout ay ginawa na niya. Pero paninindigan na niya ang desisyon niya. He wants to know the truth. The truth about what he feels for her. Dahil kagabi, mas lalong nanaig sa puso niya na kailangan niya ituloy. Pero ngayon at alam niyang muli na naman silang magkikita nito parang kinakabahan siya, natural na sa kaniya na makipagkita ng casual sa mga babaeng nakakasama niya ngunit bakit ngayon ay parang hindi yata umuubra ngayon iyon.
“Don’t worry, hindi nangangagat si Jeseca.” Biglang sabi ni Suzette na secretary ni Jyda. Ngumiti pa ito sa kaniya na ginantihan din naman niya.
“Suzette, bakit mo naman nasabi ‘yan?” tanong naman ni Leila.
“Wala lang, para kasing kinakabahan si Mr. Pogi na may mysterious girl, na siyang unusual sa kaniya dahil kilala siya sa pagi----“ hindi na naituloy ni Suzette ang sasabihin nito ng biglang bumukas ang pinto ng boardroom.
BINABASA MO ANG
The Way I Loved You 3 (Craig and Jeseca's Fate)TO BE PUBLISHED UNDER PHR
RomanceHindi alam ni Jeseca kung ano ang nagtulak sa kaniya para sumama sa isang estranghero. Siguro dahil heartbroken siya at gusto niyang kalimutan ang mga panloloko ng kaniyang boyfriend. O baka dahil nagpapakalunod siya sa alak ng lapitan siya ng guwap...