“Jeseca.” Napalingon siya sa taong tumawag ng kaniyang precious name na ayaw na ayaw niyang binubuo kapag tinatawag siya.
Pinandilatan niya si Leila na nakangiting palapit sa kaniya kasama nito ang kapatid na si Jyda. “For Pete’s sake, don’t call me that name, Leila.” Aniya dito.
“Bakit nga pala ayaw na ayaw mo na tinatawag ka sa buo mong pangalan? Hindi naman pangit ang Jeseca ah.” Komento naman ni Jyda ng makalapit na ang mga ito.
“I know, ayaw ko lang na mahirapan ang mga kaibigan ko sa pagbigkas ng pangalan ko.” Sabay tawa.
“Crazy, by the way, may bago tayong producer, and siya ang magpro-produce ng bago mong show.” Pagbabalita ni Leila sa kaniya.
“Approve na sayo, Ms. Jyda?” tanong niya.
“Of course, and you know what? He’s so handsome, biruin mo, single ang loko.” Nag-twinkle pa ang mga mata ni Jyda ng sinabi iyon. Pero napalingon silang tatlo ng may marinig silang mariing tumikhim.
Si Richard at Harold pala na nakatayo sa may hamba ng pintuan ng dressing room niya. “Ayan, maka-single kasi wagas, hindi na tayo mga single, at lalo na kayong dalawa dahil happily married na kayo at nakalunok na din ng pakwan.” Parang matandang pinagsabihan niya ang dalawang kaibigan.
Nag-pout na lumapit si Leila kay Harold at saka yumakap dito. “Si ate Jyda lang naman yun.” Sabay tingin kay Jyda at nag-peace sign pa ito.
“Fine, I admit, sinabi ko ngang single siya, eh ano naman kung sabihin kong single siya at handsome? May tatalo ba sa puso ko ang nag-iisang Richard ko?” sabi naman ni Jyda sabay tayo na din at nilapitan si Richard na nakataas ang kilay. “Hi Baby.” Alanganing ngiti pa rin ang pinakawalan nitokay Richard ngunit ngumiti nalang bigla si Richard na siyang ikinatuwa ni Jyda.
Lumabas na ang apat na parang wala lang. Pero bago pa man sila makalayo ay muling lumingon si Leila and she mouthed ‘Meeting at 3 pm’. Tumango siya at itinuon nalang niya ang paningin sa kaniyang cellphone na ngayon ay nakakatatlong text message na si Russel. Yes, nagkabalikan na sila right after makauwi siya galing ng Baguio noon and that was 2 months ago. Aaminin niya na mahal pa rin niya ito ngunit parang may nag-iba. Parang siya na ang mismong nagsasawa sa relasyon nila ngayon ni Russel na dati ay siya pa ang parang nagpapaka-martyr sa kanilang dalawa.
:Sorry, Jez, I can’t pick you up tonight, may emergency kasi dito sa opisina.:unang message na nabasa niya.
:Hey, bakit hindi ka na nagreply?: pangalawang message naman nito.
:Fine, I’m gonna pick you up tonight, just wait for me, male-late lang siguro ng konti. J:sabi nito sa huling message nito.
Napangiti naman siya.‘Effective pala ‘pag hindi ko kinibo ang mokong.’Anang isip niya bago siya nagreply dito ng pagka-iksi-iksi.:Ok: iyon lang ang reply niya at inilagay na niya sa kaniyang purse ang kaniyang cellphone.
It’s already 9 pm pero wala pa rin si Russel na sundo niya. Kanina pang 7 pm tapos ang trabaho niya at dalawang oras na siyang naghihintay.
“I guess, hindi ko na mahihintay ang kunyaring sundo ko.” Napapabuntong-hiningang sambit niya sa sarili at akmang tatayo ng biglang sumulpot si Jyda sa pintuan ng kanyang dressing room.
BINABASA MO ANG
The Way I Loved You 3 (Craig and Jeseca's Fate)TO BE PUBLISHED UNDER PHR
RomanceHindi alam ni Jeseca kung ano ang nagtulak sa kaniya para sumama sa isang estranghero. Siguro dahil heartbroken siya at gusto niyang kalimutan ang mga panloloko ng kaniyang boyfriend. O baka dahil nagpapakalunod siya sa alak ng lapitan siya ng guwap...