Chapter 4

288 10 1
                                    

Basta sumama lang siya kay Russel, pero alam niya ang daan na tinatahak nila ngayon. Papunta iyon sa probinsya ng binata.

            “Russel, saan tayo pupunta?” tanong niya.

            Bahagya itong lumingon sa kaniya na binawi nito agad at itinuon ang paningin sa daan. “I want you to know me more.” Nakangiting sambit nito.

            May kaunting tuwa siyang naramdaman. Simula kasi ng maging sila, never pa siyang dinala nito sa kanila kung saan ito lumaki at nagkaisip. Sinasabi lang nito kung taga-saan ito. Although nakakapunta siya sa Pangasinan dahil sa mga field reports minsan, hindi naman niya alam kung saan mismo ang bahay nito. “I feel nervous. Hindi ko alam kung anong mangyayari.” Aniya.

            “Don’t be, they know you anyway. At huwag kang mag-alala, mababait sila hindi katulad ko.” Sabi nito.

            Nalungkot tuloy siya sa huling tinuran nito. “Russel, it’s not that, first time ko kaya.”

            He chuckles. “I’m here, don’t worry.” Anito at ginagapp nito ang kaniyang kamay.

            At nagtaka siya ng hindi niya maramdaman ang naramdaman niya kagabi kay Craig. Ang spark o tila maliit na boltahe na siyang dumaloy sa kaniyang katawan. ‘Bakit ko ba iniisip ang lalaking ‘yon? Boyfriend ko ang kasama ko bakit ibang tao ang laman ng utak ko?’ tanong ng isang bahagi ng isip niya.‘Eh kasi nga, hindi mo makalimutan ang mga nangyari sa inyong dalawa. Mantakin mo ba naman, sa tingin mo ba hindi ka kilala ni Craig noong una kayong nagkita eh sa halos bumalandra ang maganda mong mukha sa TV gabi-gabi?’ sagot naman ng kabilang bahagi ng isip niya. Naipilig niya ang ulo sa isiping iyon, hindi kaya plinano lahat ni Craig ang pagkikita nila lalo na ang pagiging excutive producer nito sa show niya? Pero paano kung lahat ‘yon nagkataon lang? Naguguluhan na lalo ang isip niya imbes na matuwa siya dahil sa nakikita niyang sincerity ni Russel para makabawi.

            At dahil sa lalim ng iniisip niya, hindi na niya namalayang nakatulog nap ala siya.

            “Hey, Jez, wake up, we’re here.” Tinapik pa siya ng bahagya nito sa balikat.

            Minulat niya ang kaniyang mga mata.Maliwanag pa naman, at mataas pa ang araw.Inilibot niya ang kaniyang paningin. Isang maluwang na lawn ang kinaroroona nila at napatingin siya sa malaking bahay na nasa gitna. Unang beses siya tatapak sa teritoryo ng pamilya ni Russel, pero ito man ay hindi pa rin nakakarating sa kanila, it’s because he refuse to, hindi pa raw ito handa, nasasaktan siya sa laging sagot nito sa kaniya, pero ngayon, ito na mismo ang nagdala sa kaniya dito, kung saan matagal na niyang inasam na pumunta. Ngunit bakit parang wala ang saying dati niyang nararamdaman sa tuwing sinosorpresa siya nito?

            “Let’s go?” anito at inalalayan siyang makababa ng kotse.

            Habang naglalakad sila palapit sa malaking bahay ay patuloy sa mabilis na pagtibok ang kaniyang puso, pero hindi dahil sa kinakabahan siya sa magiging reaksyon ng pamilya nito, kundi kung ano ang mararamdaman niya para sa mga ito. Nalilito pa rin kasi siya sa sarili niya, may hinahanap siya na hindi niya alam kung ano? At kung kanino? Tahimik lang siyang nakahawak sa kamay ni Russel. Alam niyang nahahalata nito ang panginginig ng kaniyang kamay.

            “Relax, they are not going to bite you.” Nakangiting sabi pa nito ng lumingon sa kaniya.

            Pilit siyang ngumiti dito. “Okay.” Iyon lang ang nasabi niya.

            Mayamaya ay may nagbukas na ng malaking pinto bago pa man sila makalapit ng husto. Bumungad dito ang dalawang babae, na ang isa sa tantiya niya ay nasa kuwarenta’y anyos na ang gulang at ang isa naman parang kaedad lamang niya. “Maligayang pagdating sa inyo, Sir Russel.” Sabay na bati ng dalawa. “Sa iyo rin, magandang binibini.” Sambit pa ng mas nakakatanda na nakangiting bumaling sa kaniya.

The Way I Loved You 3 (Craig and Jeseca's Fate)TO BE PUBLISHED UNDER PHRTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon