A week after ng kanilang shooting ay sa wakas ipinalabas na din ang “Deliscious Bytes with Jeseca”. At sa gulat niya, mataas ang naging rating nito. Ang time slot kasi nito ay tuwing umaga. At hindi niya inaasahan na tatangkilikin ito.
“Time to shineeeeeee!!!” napatakip siya ng kaniyang tenga sa lakas ng sigaw na ‘yon. Naroon siya ngayon sa bago niyang dressing room.
Lumingon siya at doon nakita ang masiglang-masigla na si Suzette. “Sobrang aga naman nyan, almusal mo ba yan?” biro niya dito.
Tumabi ito sa kaniya. “Wala ang boss ko eh, kaya dito muna ako. At yung sigaw na 'yon, para sayo ‘yon, time shine, as in, it’s your time to shine. Grabe, ang taas ng ratings ng show, bongga.” Masayang pahayag pa ni Suzette.
Natatawa nalang siya dito. “Dahil ‘yon sa lahat, at hindi lang sa akin. Magaling kasi ang Producer at Director natin, eh.” Sabi naman niya.
“Speaking of producer, type ka niya.” Walang prenong sabi ni Suzette.
Namula siya sa sinabi nito. Panong hindi, eh lahat kaya napapansin ang sobrang pag-aalaga nito sa kaniya. Pero siyempre, hindi niya ‘yon pinapansin, dahil alam niyang bahagi lang ‘yon ng trabaho nito, and to think of it na he’s a one shot womanizer. Lahat ng gustuhin nitong babae ay nakukuha nito.“Pano mo naman nasabi ‘yan?” tanong nalang niya dito.
Nagkibit-balikat naman ito. “Nasabi ko lang, masama ba?”
“Ay ewan ko sayo, labas lang ako saglit, ikaw? Baka gusto mong sumama?”
Umiling ito. “Balik muna ako sa office, baka andun na si Boss, tumawag kasi kanina yung friend nila Harold, yung Joseph, may importante daw na sasabihin kay Jyda. Sasabihan ko lang.” at kumindat pa ito bago umalis.
Nag-ayos muna siya bago siya lumabas.Magkikita kasi sila ng kaniyang papa. Well, it’s his dad’s idea na mag-usap sila tungkol sa “Engagement party” daw nila nung anak ng kaibigan nito. Sa Friday na ito gaganapin at ibibigay na sa kaniya ng kaniyang papa ang desisyon kung ia-announce niya ito sa publiko o pagkatapos na lamang ng engagement kapag kilala na niya kung sino ang malas na lalaking pakakasalan niya.
“I thought aalis ka ngayon?” tanong ng kaniyang ina ng madatnan siya nito sa sala.
Humalik siya dito bago muling umupo. “I’m thinking about the wedding. Mom, do you think it’s fair with the girl? Malamang napilitan lang siyang sundin ang gusto ng Papa niya dahil malamang ay ginipit siya nito. I can’t promise na hindi ko siya masasaktan kahit pa kaibigan ni Dad ang ama nito. It’s just that, kailangan kong patunayan kay Dad na may isang salita ako. Nasabi ko na ang dahilan ko kung bakit ako pumayag dito, at sana, hindi na ako guluhin pa ni Dad sa kahit na anong gawin ko sa buhay ko.”
Hinawakan ng mommy niya ang kaniyang kamay. “Son, just try, malay mo, kapag nagtagal, matututunan mo din mahalin si JV.”
Kumunot ang noo niya.Sa pangalan palang ay mukhang hindi na niya magugustuhan ito. “JV?Babae ba siya o lalaki?”
Natawa naman sa kaniya ang ina. “She’s a gorgeous woman. Don’t worry, parehong JV ang magkapatid, pero ang bunso lang ang may palayaw sa kanila ng JV. Unique daw kaya yun na ang nakasanayan. Maybe you know her, pero hindi ko na sasabihin, she’s into entertainment too.”
Entertainment?Nangunot ang noo niya. Wala naman siyang kilalang JV na mga model or actress na nahawakan niya, maging ang mga naging fling niya na mga nasa showbiz ay walang ganoong initials or kahit mga screen name man lang. “Whatever, Mom, I need to go. May usapan nga pala kami ni Harold. Babalik nalang ako sa Friday. For that Engagement Party.” Humalik na siya sa ina bago tuluyang umalis.
BINABASA MO ANG
The Way I Loved You 3 (Craig and Jeseca's Fate)TO BE PUBLISHED UNDER PHR
RomanceHindi alam ni Jeseca kung ano ang nagtulak sa kaniya para sumama sa isang estranghero. Siguro dahil heartbroken siya at gusto niyang kalimutan ang mga panloloko ng kaniyang boyfriend. O baka dahil nagpapakalunod siya sa alak ng lapitan siya ng guwap...