'You look like an angel as you were before you're in my arms. Why can't I just ignore you and live my life before? Why did God allow me to have you now? And why did we met?' mga tanong na tumatakbo sa isipan ni Craig habang siya'y nakatitig lang sa tulog na tulog na si Jeseca.
'It's just a night but I can't help myself to think of you. The day you left me, was the day I regret for letting you just go without even trying to tell you my name. I know you just did that for you to forget, but here I am now, trying to forget everything happened to us but here I am repeating those three words for you. I want you to be happy. But I don't think I can be me just like before. It's hard to feel this way. Dahil ito ang kinatatakutan ko kaya ayaw kong magseryoso. Pero heto ako, nakikipagtalo pa rin sa nararamdaman ko.' Patuloy ng kaniyang isipan. And he was about to kiss her when she open her eyes.
Ngumiti agad ito sa kaniya. "Good morning." Bati nito.
De ja vu! Just like the first time they were together. Nginitian din niya ito ng pagtamis-tamis. "Good Morning, Sweetmine." Ganting bati niya dito.
Pagkasabi niya n'on ay nag-iwas ito ng tingin. "Ah, we need to get up, baka ma-late tayo. And don't say na ikaw naman ang producer dahil pangalan ng station ang nakataya once na hindi umere ang show ngayon." Casual na sabi nito at bumangon na ito. But unlike before, she grabbed the blanket and wrapped it on her body bago pinulot ang dress nito sa sahig at dumiretso ito sa banyo.
Cold. That was the right description sa ginawa nito. Well, wala naman siyang karapatan doon, but hell, he knows very well na siya ang nakauna dito, meaning, she's his. Pero hindi niya ito mamadaliin, alam niyang may mahal itong iba, pero hindi niya ito susukuan dahil ngayon lang niya ito naramdaman, but when time comes na hindi talaga siya nito kayang mahalin, then he'll let her go.
"Here on Deliscious Bytes with Jeseca." Pagtatapos niya. Natapos na naman. Pero hindi pa rin maalis sa isip niya ang mga nangyari kagabi. At lalo na ang pagiging cold niya kay Craig. Alam niya napapansin 'yon ni Craig, pero hindi nalang ito kumikibo. Hindi kasi niya alam kung pa'no ito pakikitunguhan. Lalo at ito ang Fiancé niya. They scheduled her interview with her co-news anchor, pero hindi kasama si Craig.
Lalapit sana siya dito ngunit nakita niyang may kausap ito sa phone. Nakatalikod ito sa kaniya at mukhang seryoso ito. Aalis na sana siya ng maagaw ng atensyon niya ang narinig.
"Yes, Mom. I love her, but I can't tell her now, I need to make sure that she's already mine. That her heart belongs to me...no, please, I can do it on my own. And please tell Dad, that I keep my promise sake."
Ewan niya pero bigla nalang tumulo ang luha niya sa narinig kaya agad siyang napalabas. Nagtataka naman ang nakasalubong niyang si Jyda na hindi nalang siya inusisa.
Dumiretso siya sa restroom at doon niya pinakawalan ang kaniyang luha. "Nakakainis! Bakit kailangan kong masaktan sa pangalawang pagkakataon? Ginawa ko ito para matakasan ang sakit pero bakit parang mas masakit ngayon 'to?" hinaing niya. "Umaasa ka kasi, Jeseca, bakit kasi umaasa ka? Arranged marriage lang naman 'yan bakit ba kasi kailangan mong umasa?" patuloy niyang tanong sa sarili.
Napatingin nalang siya sa kanyang likuran ng lumabas doon si Kat, kaibigan niyang columnist slash showbiz reporter na siyang mag-i-interview din sa kaniya. "Jez?" nag-aalalang nilapitan siya nito.
"K-Kat, n-narinig mo?"
"Ay, hindi! Bingi kaya ako, at pano maririnig eh ang hina ng boses mo, bulong ba 'yon?" pamimilosopo nito. "Joke lang, ano bang problema? Don't worry, hindi naman ako ganung ka-chismosa para mag-alangan ka, hindi ko naman sinusulat o isinisiwalat sa publiko 'pag masyadong private, and kung hindi mo naman kayang sabihin sakin dahil nag-aalangan ka, okay lang din." Sabi pa nito. "Come...I think you just need this." Anito sabay yakap sa kaniya ng mahigpit. Tama ito, kailangan nga niya ng karamay. Well, hindi naman siya nagdadalamhati, pero naman, dalawang beses na siyang bigo. Kung hindi siya niloloko, hindi naman siya mahal ng mahal niya. Nanlaki ang mga mata niya, well, sa nararamdaman niya, obvious naman na may feelings na nga siya kay Craig, pero mahal?
"Ah, Kat, thank you, pero ikukwento ko nalang sayo lahat 'pag matino na ang isip ko, medyo, nasa alapaap pa kasi dahil sa alam mo na." kumalas na siya dito.
Tumango naman ito at nginitian siya. She's so sweet, lalo na't nakakadagdag ang matamis nitong ngiti, kaya madami itong napapaiyak na lalaki eh. (Kidding...hihi) "Sige, pakatino ka huh? At 'yang puso mo, 'wag mong ibigay sa taong hindi naman karapat-dapat, basta, mahalin mo muna sarili mo, bago ang iba. Siya sige, next week, be ready sa mga tanong ko." Anito at nag-beso pa sa kaniya bago lumabas ng restroom.
"Zette, si Jez?" tanong ni Jyda.
"Malay ko d'on. Bigla nalang tumakbo palabas, at parang teary eyed ang lola. Ewan ko na naman ano problema nun, masyadong dinidibdib ang problema, ehmay dibdib naman siya." At humalaklak pa ito ng nakakaloko.
Napatawa naman si Jyda dito. "Baliw, eh si Craig?"
"Malamang nasa office niya, mukhang seryoso kanina sa kausap niya eh." Kibitz-balikat naman na sagot nito.
"Sige, paki-ayos nalang dito." sabi nalang ni Jyda at tumungo na siya sa office ni Craig.
"Hi!" napatingin nalang siya sa biglang pumasok sa opisina niya. "What is she doing here?" tanong niya sa isip.
"How did you get here?" tanong niya dito.
Lumapit ito at bigla nalang umupo sa kandugan niya. "Hmmm, well of course I ride my car." Anito sabay haplos pa sa kaniyang mukha na iniiwas niya dito.
Pilit niya itong itinayo kaya pati siya ay napatayo na rin. "Nez, stop! What the hell are you doing here?" galit ng sambit niya.
Ngunit ngumiti lang ito at iniyakap sa leeg niya ang mga braso nito. "Oh please, Honey, don't get mad at me, I just to see you and of course your new office. And I missed the old days that we're together, like this, having some fun in each others arms." Sambit pa nito sa malambing na boses saka nito pinadaan ang isang daliri sa labi niya. Yes, Nez was one of his flings, pero hindi niya inaasahan na hanggang dito ay masusundan siya nito, obsess yata ito sa kaniya.
"We're done, Nez, you know that, besides, I am getting married." Sabi niya dito na siyang ikinatigil naman nito.
Pero ang pagkabigla nito ay napawi din agad. "I don't think that was a problem for me, as long as we are having fun, then it's fine with me." sabi nito pero bago pa siya muling makasagot ay hinalikan na siya nito sa labi. At sa pagkabigla ay hindi na siya agad nakakilos.
Gulat nalang na napatingin silang pareho sa pinto ng pabagsak na sumara ito.
"Jyda!" gulat at the same time ay nag-aalalang sambit niya sa pangalan nito. He knows very well na close ito kay Jeseca.
Ngumiti ito ng mapait. "So, having fun, huh?" nasabi lang nito. Aalis n asana ito ng pigilan niya.
"Jyda, please, it's not what you think." Aniya sabay habol dito at hinayaan si Nez.
Lumingon naman ito. "Don't explain to me, besides, wala ka naman dapat ikatakot dahil hindi ako magsusumbong. Hindi ako ganung tao, but remember my words, huwag mong paglaruan ang puso ng kaibigan ko." Iyon lang at tumalikod na ito.
BINABASA MO ANG
The Way I Loved You 3 (Craig and Jeseca's Fate)TO BE PUBLISHED UNDER PHR
RomanceHindi alam ni Jeseca kung ano ang nagtulak sa kaniya para sumama sa isang estranghero. Siguro dahil heartbroken siya at gusto niyang kalimutan ang mga panloloko ng kaniyang boyfriend. O baka dahil nagpapakalunod siya sa alak ng lapitan siya ng guwap...