WARNING: SPG
"Craig! What are you doing?" tanong ng kaniyang ina sabay agaw sa isang baso na hawak niya na may lamang alak.
"Mom, please, last one. At gagawin ko ng tama ang gusto ni Dad." Sabay agaw sa kopita ngunit inilayo naman ito ng mommy niya.
"No! And please, just pretend that you're happy." Pakiusap nito.
Hindi na siya nagsalita pa and he just nod. Fine, pero pagkatapos nito, kakausapin niya talaga ang dalaga at papakiusapan itong pumayag sa plano niya na after maybe a year is enough para sa annulment. Hindi naman na siguro masama ang isang taon.
"Get ready." Bulong ng mama niya at sinamahan na nito ang kaniyang papa sa gitna. Ngumiti lang siya ng pilit. Hindi pa din niya kasi nakikita ang mga kaibigan. Mukhang hindi makakadalo ang mga ito.
"Everyone!" unang sambit ng kaniyang papa para kunin ang atensyon ng mga naroon. Hindi naman ganoon kadami ang tao. Mga piling guests lang ang inimbita ng kaniyang mga magulang. Well, maybe dahil hindi din kasi niya kilala pa kung sino ang fiancé niya. "We are gathered here to witness my daughter's engagement to the one of the young bachelors of the country. Let us all have a round of applause to my one and only daughter Jeseca Velez and Mr. Craig Liam Naval."
Palakpakan ang mga tao, pero siya, para siyang naitulos na kandila sa kinatatayuan niya. She can't move her feet, ni ang kumurap ay nakalimutan na yata niyang gawin.
"Ayaw mo kasing alamin eh." Biglang may nagsalita sa likod niya.
Doon naman siya natauhan at nilingon ito. Si Jyda, Suzette at Leila na pare-parehong nakangiti. "Go, dali baka mag-back out pa, pero infairness, pareho kayong parang naengkanto." Sabi naman ni Suzette at tinutulak pa siya.
"Dali na..." sabi naman nitong si Leila.
Hindi na siya nakasagot at dumiretso na siya sa gitna. And there, she saw him, hindi ito nakangiti pero mukhang pareho lang silang lutang.
He was disoriented, dahil sa mga narinig. Noong narinig niya ang pangalan ni Jeseca, ayaw pa niyang maniwala at sinabi sa sariling baka kapangalan lang, but then he was convinced when he went there and saw her with his own two eyes. Halos hindi siya kumurap dahil baka mawala ito bigla sa paningin niya. Oo nakainom siya, pero hindi pa siya lasing. At alam niyang totoo ang mga nangyayari.
Ng makalapit na si Jez sa kaniya na katulad din niyang gulat ay pinilit niyang ngumiti dito. "Hey!" nasabi lang niya.
Nag-alangan naman na ngumiti si Jez sa kaniya. Yes, he knows of course, napilitan lang din ito sa arrangement, and he also knows that Jez is still inlove with that guy named Russel. Nasasaktan man siya sa isiping may ibang mahal ito, yet he is happy dahil ito pala ang babaeng gustong ipakasal sa kaniya ng kaniyang Daddy.
"I didn't expect its you." Muling turan niya ng hindi ito magsalita at nakatingin lang sa mga tao na patuloy pa rin sa pagpalakpak.
Tumingin naman ito sa kaniya. "And so am I, but I think we need to talk about this." Sabi naman nito.
Tumango siya. "It's okay with me, but before that..." kinuha niya ang kahita sa kaniyang bulsa. "...Could you please, wear this?" tanong niya dito.
Gulat naman na napatingin ito sa kaniya ngunit hindi ito nagsalita.
"You told me, you love it." Sabi pa niya.
BINABASA MO ANG
The Way I Loved You 3 (Craig and Jeseca's Fate)TO BE PUBLISHED UNDER PHR
RomanceHindi alam ni Jeseca kung ano ang nagtulak sa kaniya para sumama sa isang estranghero. Siguro dahil heartbroken siya at gusto niyang kalimutan ang mga panloloko ng kaniyang boyfriend. O baka dahil nagpapakalunod siya sa alak ng lapitan siya ng guwap...