She feels free habang nakasawsaw ang kaniyang mga paa sa gilid ng pool. Mamaya na siya lulusong dahil pinapakiramdaman muna niya ang kaniyang sarili kung kakayanin niya ang lamig. Ngunit iba ang pakiramdam niya. Pakiramdam niya ay may mga matang nakatitig sa kaniya. Mahirap kasi ‘pag ganun, na parang may nagmamanman sayo. hanggang sa hindi na niya natiis ang sarili ay lumingon siya.
Ngunit wala naman siyang makitang tao na siyang nakatingin sa kaniya. ‘Paranoid lang siguro ako.Hmmm…saan naman ako mapaparanoid?’kunot pa ang noong ibinalng niya ang paningin sa pool.
Ng mainip na siya ay tumayo na siya at tatalon na sana sa pool ng bigla siyang nadulas at sa semento ang bagsak niya. Ngunit bago pa niya maramdaman na tumama ang kaniyang ulo sa semento ay may mga makikisig ng braso na sumalo sa kaniya.
Ilang beses siyang kumurap upang makasiguro. Pero kahit na pilit niyang iniisip na imagination lang niya ay bumabalik pa rin siya sa realidad.
“I’m not dreaming, am I?” wala sa sariling tanong pa niya.
Bahagyang natawa ang lalaking hanggang ngayon ay hindi pa rin siya itinatayo. “I think you’re not.”
Mas lalong nanlaki ang mga mata niya ng marinig niya ang boses nito. “Ah, p-pwede mo na akong itayo.”
Ngumiti ito at dahan-dahan siya nitong itinayo ng maayos.“Nice to see you again.”Anito.
Pinilit niyang maging casual ang mukha dito kahit na hindi pa rin siya makapaniwala sa mga nangyayari. “Ahmmm, ahh, eh, I think it’s not that nice.”
Nagtaka naman ito sa sinabi niya. “Why?” tanong naman nito.
“Not nice, kasi muntik ng mabagok ang ulo ko at baka kung nagkataon ay magka-amnesia ako, which is mas okay.” Pilit pa rin ang ngiting iniuukol niya dito.‘Goodness, nasan na ba yung mga kasama ko? Lord please help, hindi ko alam kong ano, pero sana nga nagka-amnesia nalang ako.’ Sambit ng kaniyang isipan.
“It’s not okay, hindi ko hahayaan na mangyari ‘yon.” Seryosong turan nito na siyang ipinagtaka niya.
May napansin siya na kakaiba sa mga mata nito ngunit hindi nalang niya pinansin. For Pete’s sake, isang gabi lang ang namagitan sa kanila ngunit pakiramdam niya ay matagal na niya itong kilala. Idagdag pa ang mga sleepless nights niya na hindi niya maintindihan dahil puro ito ang laman ng isip niya. Marahil ay ngayon na siya inuusig ng kaniyang konsensya na hindi niya dapat iyon ginawa noon. “Ah, wala ka bang date?” muntik na niyang tampalin ang bibig niya sa harapan nito because of her stupid question.
Ngumiti naman ito. “I’m alone, and I want to be alone, but that was before I saw you here.”
Napasinghap siya dahil sa sinabi nito. ‘Ano bang pinagsasabi ng lalaking ito?’ “Ah,…excuse me ha. Pupuntahan ko lang ang boyfriend ko may ka-business deal lang kanina kaya umalis muna ako, for sure tapos na ‘yon, sige ha, bye.” Sabi niya. Tatalikod na sana siya ng bigla nalang siya nitong hapitin sa beywang. Napasinghap sa sumunod nitong ginawa.
He kissed her. She tried to push him away but she can’t. Masyado itong malakas kumpara sa kaniya. Hanggang sa unti-unting bumigay siya sa mga halik nito. She answered all his kisses.
Pareho silang hinihingal ng pakawalan na nito ang kaniyang mga labi. “I miss that kiss.” Anito.
Alam niyang namula ang kaniyang mukha sa sinabi nito. “I gotta go.” Ngunit bago pa ulit siya makatalikod ay may ibinigay itong papel sa kaniya.
BINABASA MO ANG
The Way I Loved You 3 (Craig and Jeseca's Fate)TO BE PUBLISHED UNDER PHR
RomanceHindi alam ni Jeseca kung ano ang nagtulak sa kaniya para sumama sa isang estranghero. Siguro dahil heartbroken siya at gusto niyang kalimutan ang mga panloloko ng kaniyang boyfriend. O baka dahil nagpapakalunod siya sa alak ng lapitan siya ng guwap...