Prologue

558 13 1
                                    

            "Hi!" napalingon siya ng biglang may tumabi sa kaniya. Nabato-balani yata siya sa kaguwapuhan ng lalaking kaharap niya ngayon. Ang ngiti nito, animo isang anghel na bumaba sa lupa para pasayahin ang mga puso ng katulad niyang pinipilit maging masaya. He looks like Matt Lanter, ang mga mata nito na akala mo ay inaakit siya. O baka lasing lang siya dahil nakakailang-baso na rin siya ng martini.

            "Hey there, handsome."Aniya at ngumiti siya dito.Hindi niya ito kilala, marahil ay kaibigan nila Harold at Leila ito or ng kapatid nitong si Jyda. Bihira lang kasi siyang makihalobilo sa ibang tao kahit pa isa siyang reporter at kaibigan niya ang isang International Model na si Leila ay wala siyang hilig sa mga sosyalan, maliban nalang ngayon dahil isang maliit lang naman na pagdiriwang ito kumpara sa mga events na ginaganap sa ANC.

            "Alone?" tanong nito na hindi pa rin naaalis ang ngiti nito sa mga labi nitong tila kaysarap halikan. 'Lasing na nga yata ako, kung anu-ano na ang pumapasok sa isip ko.' Sambit tuloy ng isang bahagi ng isip niya.

            "And free..." sabi naman niya sabay lagok sa natitirang laman ng kaniyang kopita.

            Mas lalo naman napangiti ang lalaki. "A beautiful lady like you was alone and free? Are you kidding me?" hindi naman makapaniwalang turan ng lalaki.

            Natawa siya sa sinabi nito pero parang kinilig yata siya sa papuri nito sa kaniya. "I'm free like I'm ready to go anywhere you want." Aniya, wala na yata siya sa huwisyo at kung anu-ano na ang pinag-sasabi niya sa lalaking hindi naman niya kilala. Pero may isang bahagi sa isip niya ang nagsasabing, matino pa ang pag-iisip niya. 'Just try to break the rules, just this night, just one night.' Bulong ng isang munting boses sa kaniyang utak. At walang anu-ano'y kinabig niya ang lalaki at hinalikan sa labi.

            Sa una ay nagulat ito ngunit hindi nagtagal ay tinugon na nito ang kaniyang halik.

            "We might find a place where we can do what we want to do." Nakangiting sabi ng lalaki ng maghiwalay ang kanilang mga labi.

            Ngumiti siya dito at naglakad na sila paalis sa lugar.

            Hindi niya matandaan kung nasaan siya, pero alam niya kung ano ang nangyari kagabi, at hindi niya maaring makalimutan dahil ngayon ay katabi niya ang lalaking nagparamdam sa kaniya na kaya niyang makalimot at hindi masaktan ng labis.

            Kumilos siya ng dahan-dahan upang sana ay hindi na magising pa ito ngunit paglingon niya ay nakangiting nakatingin ito sa kaniya na animo'y naa-amuse sa kaniya.

            Ngumiti din siya dito ng pagkatamis-tamis. "Good Morning." Aniya. Wala siyang maramdamang pagsisisi sa ginawa niya. Pakiramdam pa nga niya ay nakawala siya sa isang madilim na kulungan kung saan siya nagtatago.

            "What now?" bigla ay tanong nito.

            Natigilan siya sa tanong nitong iyon. Wala siyang maisip na isagot dito. "We need to get up and forget just what happened last night. We're strangers so, don't ask anything about it." Iyon ang sinabi niya at walang babalang tumayo na siya kahit pa alam niyang wala siyang suot na kahit ano.

            Pinulot niya ang kaniyang red dress sa baba ng kama, maging ang kaniyang mga underwear at doon na niya mismo isinuot ang mga iyon.

            Napapangiti na tila naaaliw pa ang lalaki sa kaniya habang hindi inaalis ang pagkakatingin sa kaniya.

            Ng makapagbihis siya ay muli siyang lumapit sa kama at hinalikan niya ito sa labi. "Bye." Iyon lang at dire-diretso na siyang lumabas ng silid na iyon.

The Way I Loved You 3 (Craig and Jeseca's Fate)TO BE PUBLISHED UNDER PHRTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon