“Hey! How are you now?” tanong nito ng makita siyang nagmulat ng mga mata.
Umayos siya ng upo bago ito sinagot. “Better.” Matipid na sagot niya.
Tumango-tango lang naman ito at inabutan siya ng umuusok pang kape. “Sis, about what we have talked last night, are you sure about that? Kapag sinabi ko na kay papa hindi ka makakapa-back out pa.” biglang sabi niJansen. And yes, she’s with her brother. Ang panganay niyang kapatid. Matagal na kasi siyang hindi umuuwi ng kanilang bahay. Maybe hindi pa siya nakikita ng mama niya, or rather nakita na siya nito pero tulog pa siya kanina.
“I’m sure about it. But please, huwag mong sasabihin sa akin kung sino, kung pwede nga sa mismong araw nalang eh, pero siyempre hindi papayag si papa na wala man lang announcement sa media, para ano pa’t naging newscaster ako.” Aniya bago humigop ng kape.
Muli itong tumango. “Nag-aalala lang ako, you’re heart is broken, at masyadong padalos-dalos ang desisyon mo, pero kung desidido ka na, wala na akong magagawa.” Sabi naman nito.
“Don’t worry, I can handle it.” Aniya at doon naman nagbalik kung paano siya naiuwi ng kaniyang kuya Jansen sa kanilang bahay.
Dalawang oras na siya sa terminal. Nagtatanong na rin ang mga tao kung anong hinihintay niyang biyahe. Pero ang lagi naman niyang sagot ay may hinihintay siyang tao. Nagkikibit-balikat nalang naman ang mga ito dahil na rin sa inaakalang may sira na siya sa ulo.
“Jeseca!” napaangat siya ng ulo sa tumawag sa kaniyang pangalan.
Napangiti siya ng makita ang nag-aalalang mukha ng kaniyang kapatid na si Jansen. “Kuya!” tumayo siya at sinalubong ito ng yakap.
Doon siya napaiyak. Dahil mas naramdaman niyang mas kailangan niya ngayon ng pamilya.“Ssshh, ano’ng problema?” tanong nito habang hinahagod ang kaniyang likod.
Umiling naman siya bago siya kumalas dito.“Sa kotse nalang tayo mag-usap, Kuya.”Sabi nalang niya.
Tumango naman ito at sabay na nilang tinungo ang sasakyan ni Jansen.
“Now, tell me, bakit ka napatawag ng ganitong oras at nandito ka pa sa lugar na ‘to. And just to clear it, ngayon mo lang ulit ako tinawagan. Anong problema?” seryosong tanong ni Jansen na magsimula na silang bumiyahe.
Hindi niya alam kung paano niya uumpisahang sabihin dito ang totoo.
“Sis, is it about, Russel?” tanong nito ng hindi siya magsalita.
Hindi na siya nagulat na ito nga ang unang iisping problema niya ng kuya niya. Dahil nga ito naman nga lagi ng nagiging dahilan kapag tinatawagan niya ito.Humugot muna siya ng malalim na hininga bago niya ikinuwento ang lahat sa kapatid.
Wala siyang nilampasan na kahit na anong eksena at detalyado ang kuwento niya dito.
Seryoso lang naman sa pagmamaneho si Jansen. “So, ano na ang balak mo ngayon?” biglang tanong nito ng matapos siyang magkwento dito.
“I’ll marry that man na gustong ipakasal ni Papa sa akin dati.” Walang babalang sabi niya na siyang pagpreno bigla ni Jansen ng sasakyan.
“Jeseca? Are you out of your mind?” nanlalaki pa ang mga matang tanong ni Jansen sa kaniya.
Nilingon niya ito.“OA?Makapreno naman ‘to wagas? Kuya, matino pa ako, at mas titino siguro ako kapag sinunod ko na si Papa. Besides, siguro naman hindi pangit ang anak ng kaibigan niya dahil hindi siya papayag na malahian ang lahi niya ng pangit. Duh!” aniya dito and she rolled her eyes.
BINABASA MO ANG
The Way I Loved You 3 (Craig and Jeseca's Fate)TO BE PUBLISHED UNDER PHR
RomanceHindi alam ni Jeseca kung ano ang nagtulak sa kaniya para sumama sa isang estranghero. Siguro dahil heartbroken siya at gusto niyang kalimutan ang mga panloloko ng kaniyang boyfriend. O baka dahil nagpapakalunod siya sa alak ng lapitan siya ng guwap...