Hindi lingid sa isip ni Sean na hindi lamang siya ang may dinadalang problema sa mundo. Akala niya ay siya na ang pinaka-problemadong tao sa buong mundo. Nasasaksihan niya ang unti-unting pagkasira ng kanyang pamilya at hindi na niya maramdamang may halaga pa siya. Araw-araw na nag-aaway ang kanyang mga magulang. Dahil doon ay halos hindi na mapansin si Sean sa kanilang tahanan. Ito ang dahilan kaya unti-unti ring nalilihis ang landas niya sa tuwid na daan. Isang gabi ay umalis si Sean sa kanilang bahay dahil nagtatalong muli ang kanyang mga magulang. Sawa na siya sa ganoong sitwasyon. Kaya umalis siya para iwasan ang gulo sa kanilang tahanan. Pauli-ulit na lang, nagsasawa na siya at napapagod sa palaging nangyayari. Habang siya ay naglalakad sa loob ng kanilang village, hindi niya sinasadyang makita ang isang babae na kasing-edad lamang din niya. Nakaupo ang babae sa isang wheel chair at natahimik na nakamasid sa kalangitan. Nagtaka si Sean kung bakit nanroon ang babae at sa kalagayan nito, kaya naman kanya itong nilapitan. Nagkakilala silang dalawa ni Serenity, isang lumpo at bulag na nakatira sa tapat ng kanilang bahay. Paano mababago ni Serenity ang buhay ni Sean? Paano mabubuo ang isang pagmamahalang tadhana at kamatayan na ang hahadlang?
12 parts