Ano ba ang mas masakit? Ang malaman mong kinalimutan ka na niya o ang makalimutan ka niya? Wala akong maisagot sa tuwing may magtatanong sakin nyan. Hindi ko alam kung bakit pero sa tingin ko wala akong maisasagot. Ayokong malaman dahil ayokong masaktan. Pero bakit sa huli yun ang nararamdaman ko? bakit ako nasasaktan? Hanggang ngayon hawak hawak ko pa rin ang pangako mo. Lagi ko itong iniingatan. At sa pagbalik mo, sana maalala mo...